NANDITO ako ngayon sa classroom at kakatapos lang ng klase sa statistics. Sinabit ko na yung strap ng bag ko at hinintay ko sa gilid si Sophia. Dahil may kausap siya na lalaki at may binigay siya na papel. Malaki ang ngiti ni Sophia habang naglalakad sa gawi ko. Pinulupot niya yung kamay niya sa braso ko. "Ano binigay mo ro'n?" "Number ko," sagot niya. Napailing nalang ako habang mahina na natatawa. Everyone knows here in this campus that she's a chic girl. Lapitin siya ng mga lalaki kesa saakin. Not that I'm complaining though, I'm already happy that few of the boys are telling their feelings for me. They already know that I'm not approachable when it comes to men. "Hindi na si Rom? Diba siya yung lalaki mo last week?" Ngumisi siya. "That was last week. Besides... I need a new one."

