NANDITO pa rin kami sa loob ng studio. May kausap si Sir Primo sa gilid at hindi pa rin dumadating si Mr. Cohen. At sa tuwing binabaling saakin ni Tegan yung tingin niya, ngumingisi siya saakin. Niyakap ko yung sarili ko habang inaayos ng mga producer yung set. "Solo shot daw muna!" anunsyo nung camera man. "Tegan you go first!" Naglakad na siya patungo sa gitna. Tahimik ako na pinapanood siya sa harapan. Aaminin ko ay gwapo naman talaga si Tegan at bagay sakaniya maging modelo, pero hindi ko siya tipo. Bahagya niya hinawakan ang garter ng boxer niya at medyo binababa 'yon. Nakikita ko yung v-line sa katawan niya. "You're perfect! Nice one, Tegan!" Magaling nga si Tegan. Kahit papaano ay propesyunal naman siya kung magpose sa harapan ng camera. Hanggang sa natapos na siya. Nakailang sh

