NAGHAHANDA na ako para sa shooting. Sinuot ko na yung roba dahil nakasuot ako ng two piece sa ilalim nito. Tiningnan ko muli ang sarili ko sa salamin. Ngumiti ako. Kakayanin ko 'to. Pinagdadasal ko na makaalala ulit ako. Kahit ano gawin ko... Palagi ko pa rin iniisip kung ano ba nangyari saakin sa nakaraan? At sino ba gusto pumatay saakin? May kumatok sa pintuan. Huminga ako ng malalim at naglakad na papunta ro'n. Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad saakin si Rosillina. "Are you ready?" she asked. "I am ready." "Let's go. The Cohen's brother and the prod team are waiting for you." Naglakad na kami ni Rosillina hanggang sa makarating na kami sa labas. Mukhang nakikilala na kaagad ako ng mga tao kaya ilan sakanila ay tinatawag ang pangalan ko. I smiled at them. Ayaw ko kasi masabihan

