Kabanata 9

2356 Words
HINDI nalang ako nagsalita at inubos nalang namin yung niluto niya na breakfast. Naparami na rin ang pagkain ko. Tumayo na ako at nililigpit ko na yung pinagkainan namin dalawa. "Let me help you..." ani Euros. Umiling ako. "No. Kaya ko na 'to. Ito ang trabaho ko kaya. Dahil si Sophia na yung nagluluto para saakin." "I insist..." he tried to snatch the plate from me but I evaded it from his hand. Dumiretsyo na ako sa lababo at nilapag na 'yon do'n. Nararamdaman ko pa rin ang kaniyang presensiya sa likod ko. "Kaya ko naman gawin 'yan, e." "Please..." I huffed. "Umupo ka nalang diyan." "Gusto lang talaga kita pagsilbihan, Camilla," aniya. "Pero baka mainis ka pa saakin kaya 'di ko na pipilitin. If you need my help, I'm just here willing to help you." Napangiti ako habang naghuhugas ng plato. Hindi na ako sumagot at pinagpatuloy nalang yung paghuhugas ng plato. Kapagkuwan ay pinatuyo ko na at binalik ko na sa lagayan. Pinunasan ko yung kamay ko dahil basa 'yon. Nakaupo si Euros sa sofa habang nanonood ng boxing. Nakasandal yung kamay niya sa ibabaw ng sofa. Lumingon siya saakin habang nakangiti. "Let's watch," anyaya nito. "Okay..." Umupo ako sa tabi niya at nilagay ko sa lap ko yung pillow. Kahit hindi ko naman forte manood ng boxing, hinayaan ko nalang si Euros. Hanggang sa 'di na namin namalayan ang oras ay umabot ng 2 pm. "Geez... Lagpas lunch time na," aniya. Ngumiti ako. "Oo nga, e. Ang bilis talaga nang takbo ng oras." Tumayo siya at nakita ko na dumiretsyo siya sa kusina. Sinundan ko naman siya ro'n. "I'll cook for us..." "Nakakahiya naman, Euros. Hindi mo naman ako obligasyon pakainin, e." Nilingon niya ako habang nakakunot ang kaniyang noo. "Tulad nga ng sabi ko sa'yo, pagsisilbihan kita." Napabuga ako ng hangin at sumandal sa pader. Pinapanood ko lang siya naghahanda ng mga rekados. Parang sanay na talaga siya magluto base sa pinapanood ko. Mabilis siya mahiwa ng bawang at sibuyas. Nakahalukipkip lamang ako habang pinapanood siya. Ngayon ko lang naramdaman na maging walang silbe. Nakakahiya dahil babae pa naman ako pero hindi ako marunong magluto. "Ano 'yang niluluto mo?" tanong ko. "Paella. Sana magustuhan mo 'yon." I bit my bottom lip. "Masarap pakinggan..." Mahina siya natawa. "I can make you churros if you want. It's our dessert in Spain." My lips parted in awe. "Marunong ka talaga magluto, ano?" "Ako lang naman mag-isa sa bahay namin sa Madrid. Yung magulang ko at kapatid ko nandito sa pinas. Hindi rin ako umaasa sa mga kasambahay at sa cook namin. Ayaw ko na may nagsisilbi saakin," kwento nito. "How about you?" Tumikhim ako. "Aaminin ko spoiled ako ng magulang ko. Pero iba feeling kapag magulang mo ay sikat. Maraming nagmamahal sa'yo sa paligid." "Well, you have a good personality. I can't see any reasons to hate you." Mahina ako na natawa at tiningnan siya. Pasulyap-sulyap siya saakin habang ginagawa niya ako ng pagkain. Meanwhile, naamoy ko na yung aroma ng Paella na niluluto niya. Mabuti nalang maraming stocks dito si Sophia sa condo niya. Hindi ka talaga magugutom kapag nandito ka. Maliban nalang kung marunong ka magluto. Nilapag niya yung paella sa lamesa. Amoy palang masarap na, e. Maraming hipon sa ibabaw at mukhang 'di niya tinipid 'yon. Naghanda na ako ng plato at siya na nagsandok sa plato ko. "Sana magustuhan mo 'to," nakangiti na usal nito. Napahagikhik ako at hinipan ko dahil umuusok pa 'yon. Tapos sinubo ko na yung niluto niya. Hindi niya muna ginagalaw yung pagkain sa plato niya dahil hinihintay niya yung sasabihin ko. "Kamusta naman?" tanong nito. Tumango ako. "Ang sarap!" May sumilay na matamis na ngiti sa kaniyang labi. Parang natutuwa siya na nasarapan ako sa luto niya. Maswerte ang magiging girlfriend nito kapag nagkataon. Talagang mabubusog ka sakaniya. Napuno ang pagtunog ng kubyertos ang paligid dahil kumakain kami. Hindi ko na alam kung nakailan ako na sandok sa Paella. Masarap kasi talaga, e. Uminom ako ng tubig at sinandal ko yung likod ko sa upuan. "Papatabain mo ata ako, Euros." He chortled. "Siguro. Pero gusto talaga kita pakainin ng marami na pagkain." "Bawal. Magm-model ako." "Alam ko..." he sighed. "Payat ka man o mataba, sobrang ganda mo pa rin sa paningin ko." Napakurap ako. Totoo ba 'tong naririnig ko mula sakaniya? Isang ngiti nalang ang sinagot ko at niligpit ko na yung pinagkainan namin. Hanggang sa may tumawag sa kaniyang phone at tiningnan niya ako. Tumango ako.  Naglakad siya palayo habang may kausap na siya sa phone. Napatingin ako sa oras dahil gusto ko maghanda para sa date namin ni Eros mamaya. Hindi ko pa alam kung saan niya ako dadalhin. Halata na sa mukha ko na excited ako sa date namin ni Eros.  Tapos bumalik na si Euros sa harapan ko habang binulsa niya yung phone niya. "I have to go... My company needs me. Okay lang ba sa'yo?" Ngumiti ako. "Okay lang. Salamat sa pagluto saakin ng pagkain, ah?" "You're welcome, preciosa. Basta ikaw." Naglakad na ako patungo sa pintuan at binuksan ko na 'yon. Lumabas na siya sa condo unit ni Sophia at kumaway muna ako sakaniya bago ko isarado yung pintuan. Nilabas ko yung phone ko at umupo sa sofa. Gusto ko i-text si Eros kung ano ba dapat ang susuotin ko.  To: Eros Ano ba susuotin ko? Do I need to wear formal? Mabilis naman siya kaagad nagtext saakin. Napahagikhik ako sa sulok ng sofa. Mukhang inaabangan niya yung text message ko, ah? From: Eros Wear simple. I'll fetch you at 5 pm. With that, pumunta na kaagad ako sa kwarto ni Sophia. Binuksan ko yung cabinet ni Sophia. Siguro bukas ay uuwi na ako sa bahay namin. Nahihiya na rin ako kay Sophia kahit okay lang sakaniya. Tapos kami pa naman yung tipo na magkaibigan na naghihiraman din ng damit. Dahil sabi ni Eros ay simple lang, kumuha lang ako ng sando bra na kulay itim at high wait na jean. Nagpalit na ako ng damit dahil malapit na mag 5 pm. Tingin ako nang tingin sa orasan. Ganito lang talaga ako ka-excite na makadate si Eros. Gusto ko malaman paano maka-date ang isang Eros. Napahagikhik ako. Iniisip ko kung ano ang susuotin ni Eros. Panigurado na gwapo siya sa susuotin niya. Kahit ano naman ang suot niya ay gwapo naman siya. Sinusuklay ko lang yung tsokolate ko na buhok. Hindi ko talaga pinapa-straight yung wavy hair ko. Gustong-gusto ko kasi yung wavy hair ko. Nilabas ko na yung make-up kit ko at naglagay lang ako ng light make-up. Tapos may narinig na ako ng buzzed ng pintuan. Halos mataranta ako. s**t! Maganda na ba ako? Tinitingnan ko muna yung sarili ko sa salamin. Gusto ko kasi maganda ako sa paningin ni Eros, e. Muling nagbuzzed yung pintuan. Hudyat na nandoon na nga siya sa labas. Kinuha ko yung phone ko at sinuot ko na yung denim jacket ko. Huminga ako ng malalim habang naglalakad papunta sa pintuan. Bakit ganito ako? Bakit conscious ko sa sarili kapag makakaharap ko si Eros? Hindi naman ako ganito sa ibang lalaki, e. Hindi rin ako ganito nung date namin ni Euros. Kay Eros ko palang talaga 'to nararamdaman. Then I opened the door and I saw Eros wearing a white t-shirt and khaki shorts. Nakasuot siyang wayfarer habang may hawak siyang rosas. Nilahad niya saakin yung rosas. "Flowers for my baby..." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ko ang kilig na nararamdaman ko. Kinuha ko naman yung rosas na binigay niya. Inamoy ko 'yon, grabe ang bango. Sinarado ko na rin yung pintuan at lumapit na kay Eros. "You look handsome today..." usal ko. Ngumisi siya at tinanggal niya yung suot niyang wayfarer. "I always look handsome everyday." Natawa ako. "Hindi ko naman 'yon matatanggi, e." Then he eyed me from head to toe. There's a boyish grin etched on his lips. Ang gwapo niyang tingnan habang tinitingnan niya ako. Yung mga hibla kong buhok ay inipit ko sa likod ng tenga ko habang nakatingin sakaniya. Sa mga tingin niya ay matutunaw ako, e. "Goddamn it..." sambit nito. "Why is my baby is so beautiful all the damn time?" Lumapit siya saakin at hinalikan niya ako sa noo. Namilog mata ko. Naririnig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Tapos lumakbay ang kaniyang kamay sa kamay ko at pinagsiklop niya 'yon. Kinikilig ako kay Eros. "Let's go, baby," anyaya ni Eros. Sabay kami naglalakad hanggang sa makalabas na kaming dalawa sa condominium. Nung makarating na kami sa sasakyan niya, pinagbuksan niya ako ng pintuan. Napangiti naman ako at sumakay na. Mabilis siya naglakad patungo sa driver side. Pagkapasok niya sa sasakyan niya, tiningnan niya ako. Nanlaki nalang mata ko nung nilapit niya yung mukha niya saakin. Halos maduling yung mata ko dahil sobrang lapit ng mukha niya saakin. Until I heard the click sound from the seatbelt. Napangisi siya dahil sa reaksyon ko. Akala ko naman ay hahalikan niya ako! "I'll kiss you later, don't worry." kinindatan niya at lumayo na saakin. I think he saw my disappointed face when didn't kiss me. Hinawakan ko yung pisnge ko at tiningnan ko na yung labas. Namumula na ako ng husto. Shit! Bakit ganito magpakilig si Eros? Unti nalang ay hihimatayin na ako, e. Pinapanood ko siya na swabe na nagmamaneho. Nakapatong ang isang kamay niya sa window habang ang isang kamay niya ang nakahawak sa manibela. He looks happy while maneuvering the car. May pagsipol pa nga siya, e. Nahuhuli ko rin siya na sumusulyap saakin. But most of the time, his eyes is fixated on the road. Tapos nagbeeped yung phone ko. Nilabas ko yung phone ko at tiningnan kung sino ang text. Si Sophia lang pala. From: Sophia Where are you? Nandito na ako. To: Sophia Date namin ngayon ni Eros. Tsaka sa bahay na ako di-direstsyo. From: Sophia Woah! May bagong ka date ka nanaman, ah. Nagmana ka talaga saakin! Napairap ako sa hangin dahil sa nabasa ko. Sinilid ko nalang yung phone ko sa bulsa ko. Iniisip ata ni Sophia na pinagsasabay ko si Eros at Euros. "We're here..." he declared. Umangat ang tingin ko at napatingin ako sa malaki na bahay. Huminto kami sa tapat. So, dito nakatira ang isang Eros? Pinatay niya na yung sasakyan at sabay na kami bumaba. Nakatingin pa rin ako sa bahay. Maganda kasi, e. Lumapit siya saakin at hinapit niya yung bewang ko. "This is the Eros way, baby..." he whispered. "We will have a date inside my house. I don't want our date to be cliché." Tumango ako. Dagdag points ang ginawa niya ngayon. Naghahanap talaga ako ng kakaiba. Dahil tulad nga na naiisip ko, yung mga paraan ng pangligaw ngayon ay pare-parehas nalang. Yung ginagawa ngayon ni Eros ay iba. Gusto niya ata maiba. Binuksan niya na yung pintuan at narinig ko ang pagtahol ni Sky. Nung makapasok na kami sa loob, biglang lumapit saakin si Sky. He's wiggling his tail while looking at me. Nagsquat ako para himasin ang ulo niya. "My dogs likes you..." Tumingin ako sakaniya. "I like Sky too." "How about the owner?" hinatak niya ako patayo at nilapit niya pa ako lalo sakaniya. "Do you like me?" I bit my lip. I gazed at his gorgeous face. His face is very rough for me, but I like the bad boy look on him. My heart is pounding so hard against my chest. Medyo masakit 'yon at siguro naririnig niya ang pagtibok ng puso ko. "We'll see..." bulong ko. Ngumisi siya. Lumayo na ako sakaniya. Baka kasi ibang date na ang magawa namin. Baka maulit nanaman ang nangyari saaming dalawa. Nauna siya naglakad at sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa living room. Napanganga ako dahil dim lights ang ilaw at may led lights sa sahig. Parang pathway 'yon papunta sa sofa. May round table sa harap ng sofa at may red wine na nasa ibabaw ng round table. Then he wrapped his well toned arms around my waist while he rested his chin on my shoulder blade. Nanatili ang mata ko na nakatingin sa sala. Grabe! Kahit ang simple, maganda naman! "Do you like it?" he asked. I nodded triumphantly. "Yeah! Ganda!" "Good. I made an effort for my baby." Bumitaw na siya saakin at hinatak niya ang kamay ko at naglakad na kami patungo sa sofa. Umupo na ako sa sofa at nakatayo siya sa harapan ko. "I want to watch a movie with you, baby..." I giggled. "Ano naman ang papanoorin natin?" "A walk to remember," he replied. Bigla ako na-excite. I'm an avid fan of Nicholas Sparks. Sobrang ganda kasi nung mga books niya. Hindi ko alam paano niya nalaman na gusto ko 'yon. Pero siguro nagkataon lang. "And I made a lasagna for us. I hope you like it." tumalikod siya at sa tingin ko ay dumiretsyo 'yon sa kusina. Humiga naman si Sky sa paanan ko at hinimas ko yung mabalahibo niyang katawan. Kapagkuwan bumalik si Eros na may bitbit na tray at nilapag niya 'yon sa round table. Umupo siya sa tabi ko. Lumapit naman ako lalo sakaniya. Ang sarap sa pakiramdam na ganito. Masaya naman ako kasama si Eros ngayon. Na-appreciate ko yung effort na ginawa niya. Kahit simple lang, memorable naman. Binalutan niya ako ng comforter at pati na rin siya. Tapos binuksan niya na yung TV at nilagay niya na 'yon sa pelikula na gusto niya panoorin. Nasa kalagitnaan nung pelikula, tahimik ako kumakain ng lasagna na luto niya. Nararamdaman ko na paulit-ulit niya hinahalikan yung tuktok ng ulo ko. Hindi ko tuloy ramdam yung drama na pinapanood namin dalawa. Kasi sa ginagawa niya palang ay nakakakilig na. "I like you..." he muttered. Then I glanced at him. "Eros..." "Tell me you like me too, baby. Hindi ako makakatulog kung hindi." siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Mahina naman ako napahagikhik. "I really like you so much. Binabaliw mo 'ko, Camilla." I wanted to say that I'm attracted to him. But any words didn't came out from my mouth. Parang nahihiya pa ako aminin 'yon. Ito palang talaga ang kauna-unahan na maramdaman ko 'to sa isang lalaki. At kay Eros ko lang 'yon naramdaman. Dahil simula nung may mangyari saaming dalawa. Palagi ko siya iniisip. Lalo tuloy hindi matanggal sa isipan ko ang mukha niya dahil kinukulit niya ako sa text. "Baby..." I closed my eyes. Inaamoy ko rin yung mabango niyang amoy. "I'm attracted to you, Eros." Umangat ang mukha niya at nakasalubong ko ang mapungay na abo niyang mata. Umalon ang lalamunan niya habang dinilaan niya ang kaniyang ibabang labi. "Say it again..." he whispered. Nilapit niya yung mukha niya saakin. Dumapo ang mata niya sa labi ko. Dahil do'n, nakagat ko tuloy yung ibaba kong labi. My breathing become uneven. Grabe yung epekto niya saakin. "Say it again, baby... I want to hear it from your lips again." Napalunok ako. "I'm attracted to you." There's a smile etched on his lips. "You made my day, baby..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD