Red's POV "What's the meaning of this, Peach!?" inis na saad ko sa kapatid ko habang nakapamewang at nakatingin sa kanya nang masama. Pagdating pa lang namin ni Perseus dito sa bahay ay naabutan namin si Trevor sa kusina, may hinahandang lugaw. Akala ko may sakit si Peach kasi nasabi niya na rito siya natulog, iyon pala lasing lang. "Ate..." mahina niyang saad bago umupo sa kama, halatang hilo pa rin. "Amoy alak ka." I said flatly, ramdam ang iritasyon sa boses ko. Humawak siya sa kanyang ulo at tila pinipigilan ang sakit ng hangover. "Nag-inuman kami kagabi ni Trevor," sagot niya bago biglang natigilan, parang may naalala. Kitang-kita ko ang pagbiglang pagbagsak ng balikat niya at ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. "What? Bakit parang nabato ka riyan?" nakapamewang kong tanong hab

