Red's POV "HOW DARE YOU!?" sigaw ko sa kanya, hindi alintana kung nakakahatak na ako ng atensyon ng ibang tao sa loob ng bar. Napahawak siya sa pisngi niya, halatang nagulat, at agad na bumaling sa akin na may pagsisisi sa mga mata. "I-I'm sorry. N-Nabigla lang ako," nauutal niyang paliwanag, pero hindi ako nakinig. Wala akong pakialam sa excuses niya! Tumayo ako at, sa pangalawang pagkakataon, sinampal ko siya ulit—mas malakas, mas madiin. Kita ko ang panlalaki ng mata niya, pero wala akong pake. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad akong lumabas ng bar. Pagdating ko sa kotse, agad akong sumakay at paulit-ulit na pinunasan ang mga labi ko, parang gusto kong burahin ang nangyari. Pakiramdam ko'y nababoy ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Dana. Siya na ang bahala sa mg

