Red's POV Days passed by real quick. Maayos naman kami ni Perseus. Hindi na niya inuungkat ang tungkol sa akin, at hindi na rin niya muling binanggit ang kagustuhan niyang magkaroon ng anak. Pero kahit hindi niya sabihin, alam kong nasa isip niya iyon—nasa puso niya. Hindi niya lang gustong ipakita sa akin. Sa bawat araw na lumipas, pakiramdam ko ay unti-unting nababawasan ang sigla ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto namin. Lalabas lang ako para kumain, pero halos wala rin akong gana. Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa akin. Hindi ko matanggap na hindi ko na magagampanan ang isa sa pinakamalaking papel ng isang asawa—ang bigyan ng pamilya ang taong mahal niya. Madalas, nakaupo lang ako sa tabi ng bintana, nakatingin sa labas. Doon ko palaging nakikita ang

