Red's POV Sabi nila, ang kasal daw ang isa sa pinakamasayang mangyayari sa buhay ng isang babae. Isang pangarap, isang katuparan, isang araw na dapat ipagdiwang nang may pusong punong-puno ng pagmamahal at kasiyahan. Totoo iyon—kung ang pakakasalan mo lang naman ay ang taong mahal mo. Pero bakit ganito? Here I am, walking down the aisle, my parents on both sides, guiding me towards a future I never truly chose for myself. Ang mga mata ng lahat ng bisita ay nakatutok sa akin. Parang sinisiyasat nila ang bawat galaw ko, ang bawat hakbang ko, as if trying to find a glimpse of pure joy on my face. Pero alam ko, kahit anong pilit kong itago, hindi ko kayang ipakitang masaya ako sa araw na ito. Abot-tainga ang ngiti nila Mommy at Daddy habang dumadaan kami sa mga nakatayong bisita. Para sa

