Red's POV Pagdating namin sa Meeru Island, mag-aalas sais na ng gabi. Ang langit ay nagsimula nang magkulay rosas at lilac, unti-unting nilalamon ng papalapit na dilim. Malamig ang simoy ng hangin, at sa bawat paggalaw ng tubig sa dalampasigan, parang may paanyaya itong lumusong at magbabad. Nauna akong bumaba sa yate, nilalanghap ang sariwang hangin ng isla. Sa likuran ko, si Perseus naman ay pababa na rin, bitbit ang mga bagahe namin—pero hindi siya nag-iisa. Nakabuntot sa kanya ang tatlong sawang tila hindi marunong mahiwalay. Kulang na lang, sila na mismo ang magbitbit ng gamit namin. Napairap ako sa hangin. Ang saya nila, ha? Parang hindi nila napapansing kasama ako rito. Ano 'to, reality dating show? "Who Wants to Steal a Montanari?" Gusto ko sanang iwan sila roon sa yate para ma

