Halos magkasunod lang na dumating sina Calix at Meng sa police station kung nasaan ang taxi driver na sinakyan ni Yñigo. Dali-dali silang pumasok sa loob at kaagad din naman silang hinarap ng tumawag kanina kay Calix. Hinanap kaagad nila ang taxi driver na sinasabing nag report doon. "Sandali ho muna. Kailangan muna naming malaman kung anong pangalan ng biktima at kung siya nga iyong kakilala ninyo," sagot ng pulis sa kanila. "N-nasa ospital po kasi siya pero cellphone niya iyang ipinangtawag niyo sa akin kaya hindi ko na po pinuntahan ang ospital para kumpirmahin kung nandoon pa siya. Yñigo Ocampo ang pangalan niya," saad ni Calix. "Hindi ba't kayo iyong nasa bahay sa Razon Subdivision na nasunog at kayo rin ang mga Razon na may ari tama ba? At itong Yñigo Ocampo, siya ang nasa bahay n

