Ilang oras ng pabalik-balik sa kalalakad sa loob ng bahay sina Calix at Meng dahil sa pag-aalala kay Yñigo. Mula kaninang makabalik sila roon ay walang Yñigo na nagpakita. Hindi alam ng dalawa kung saan pa hahanapin ang lalaki. Ngunit ilang sandali lamang ay may narinig na katok sa pinto sina Calix at Meng. Halos sabay nilang tinakbo ang pinto upang mabuksan iyon kaagad sa isiping si Yñigo na iyon. At hindi naman sila nagkamali dahil si ang ngiting-ngiting si Yñigo nga ang bumungad at kasama pa nito si Maia. Nagkatinginan na lamang sina Calix at Meng at wala ni isa sa kanila ang kaagad na nakapagsalita. "O? Hindi niyo man lang ba kami papapasukin?" natatawang tanong ni Yñigo. "Hi, Meng," mahinang bati ni Maia saka bumaling din kay Calix, "goodafternoon." Si Yñigo naman ay medyo napakuno

