Buong pagmamahal na pinagmamasdan ni Calix si Baby Armina na mapayapang natutulog sa loob ng crib nito. Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula ng mailibing si Meng. Nakabalik na rin sila ni Yñigo sa Manila kasama nga si Baby Armina. Naipaayos na ang bahay nila na nasunog sa kagagawan ni Irene at doon nga sila naninirahan ni Yñigo kasama si Baby Armina. Nasa trabaho si Yñigo ng araw na iyon at si Calix ang nagbabantay kay Baby Armina. Desisyon nila ni Yñigo na huwag munang kumuha ng yaya para sa bata habang hindi pa nahuhuli si Irene. Si Calix sana ang nais magbalik trabaho sa kumpanya nila lalo pa at okay naman ni sila ni Yñigo sa kaniyang ama subalit hindi pumayag si Yñigo. Katwiran ni Yñigo ay mas okay na hindi si Calix ang papasok dahil pag-aari naman umano nila ang kumpanyang iyon. K
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


