He just stared at us, not believing anything that we said.
"Don't lie to me, Rica. I know you already. So just spill it para tapos na lahat." he said.
Nakatingin lang ako sa kanya habang masama na ang tingin niya kay Rica.
Hindi naman makatingin ng maayos si Rica sa kanya.
"Why are you even picking a fight with the new student? That's so childish." saad niya.
I can't believe na pinagtatanggol niya ako ngayon imbis na ako ang magtanggol sa kanya since you know, it's my job.
"But she humiliated me! In front of everyone!" Rica said.
"Bakit, what really happened exactly?" he asked.
"I was just questioning that nerd girl," sabay turo niya sa babae na nasa malayo na pero nakatingin pa rin sa amin, "kung paano siya nakapasok sa school na ito eh hindi naman siya matalino. Like, siya ang lowest sa quiz namin kanina while all of us got the perfect score! Ridiculous right?" she said.
"And then?" Elias asked.
"Sinabi niya na baka nakapasa siya sa entrance exam kasi nilandi niya ang principal." sabat ko habang blanko ang mukha.
"Eh baka totoo naman?" Elias asked. I can't believe what I just heard. Tiningnan ko siya ng salubong ang kilay.
"Did you just agree with what she said?" I asked. He nodded. "I mean, imposible naman kasi yon. Matatalino kaming lahat dito. There is no such thing as "lowest". Lahat ng scores namin sa exam perfect. Kaya, baka nga nilandi niya ang principal." he said.
What the hell did he just say? Bakit parang ang sarap sampalin. Kung alam ko lang pala na ganyan ang mindset niya, hindi ako papayag na bantayan tong lalaking to.
"Unbelievable! I can't believe na ganyan pala mga mindset niyo. I thought you guys are intelligent." i said.
"Excuse me?" Rica said. "Hindi mo ba alam ang school nato? THIS. IS. A SCHOOL. FOR INTELLIGENT STUDENTS ONLY! Mahirap ang exam dito kaya kapag nakapasa ka it means matalino ka! WHY THE HELL WILL YOU THINK THAT WE ARE INTELLIGENT?! WE "ARE" INTELLIGENT! DO YOU HEAR ME?!?!" she shouted. Elias calmed her down and then looked at me confused.
"Yeah, intelligent nga kayo pero hanggang academics lang yon. Bobo parin kayo overall. Ganyan ba naman mindset niyo. The principal shouldn't have accepted you guys. You don't deserve to be in this school." I told them. Aalis na sana ako ng sumabat si Elias.
"And ikaw? Intelligent ka ba?" he asked. Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng nagtatakang tingin.
"Are we really sure na nakapasa ka sa exam? Maybe you also rigged your score para makapasa ka?"
"Ah, so aakusahan mo din ako na nilandi ang principal?"
"No. Imposible naman yon. Sa mukha mong iyan, it's impossible na madala mo sa landi yung principal." he said and smirked.
WHAT THE FRIDGE!?!?!
Ang sarap magsalita ng mga bad words pero most importantly, ANG SARAP SAPAKIN NG LALAKING TO!
"Siguro binayaran mo yung principal para makapasa ka?" dugtong niya.
"If that's the case, why would I spend money just to attend this hell that is disguised as a school?" sabi ko.
"I don't know about you. Maybe you want to see someone? Maybe you want to see me?" sabi niya at ngumisi sabay taas baba ng kilay.
Hindi lang pala siya jerk, ASSUMING DIN PALA SIYA!
"Ew. Why would I want to see your face? I would rather die than to have a crush on you, you jerk." I said and walked away. Ayoko nang makipag-away sa isang kagaya niya na isang jerk at assuming. And, malelate na ako sa class ko.
Hinanap ko na ang classroom ko at nang mahanap ko na, pumasok ako at umupo sa isang bakanteng upuan sa tabi ng bintana.
I can't believe na ang isang kagaya niya ay kadugo ng president. The president is a nice man and I just can't believe na ganon ang ugali ng pamangkin niya. Sana pala talaga hindi na ako pumayag na bantayan siya. Di bale, hahayaan ko nalang siya mabugbog pag may magbabalak na bugbugin siya. Deserve niya iyon.
Habang naghihintay sa prof, nakita ko ang nerd na pinagtanggol ko kanina na pumasok sa classroom namin. Nagulat siya ng makita ako at umupo sa pinakaunahang upuan ng classroom.
So, classmates pala kami.
Nang dumating na ang prof, pinakilala ko lang ang sarili ko at umupo na. I know some of them recognized me because rinig na rinig ko ang bulungan nila hanggang dito.
Nang tumunog na ang bell, sign na lunch na, lumabas na ako ng room namin. Hahanapin ko ang lalaking iyon. Kahit pa ayaw kong bantayan siya, kailangan ko pa ring bantayan siya at mag report kay dad. I can't lie to him. Malalaman niya pa rin iyon kaya mas mabuti na gawin ko nalang ang ipinapagawa niya kaysa pagalitan na naman ako.
Habang hinahanap siya, may nabangga akong babae.
"Omg! I am so so sorry! Nabangga kita! Nagmamadali kasi ako!" the girl said. Pinulot ko ang mga flyers na dala dala niya kanina.
Tiningnan ko ang isa sa mga poster na napulot ko. Clubs and activities. Maybe, isa siya sa incharge ng lahat ng activities at clubs sa school. Binigay ko sa kanya lahat ng napulot kong flyers.
"Thank you. Sorry ulit nabangga kita." she said.
"Ah, it's okay."
"Hey, you look new here! I'm Tricia Kate Garcia! The School's President." she said and she offered her hand.
"I'm Camella Louise Lim. Yeah, bago lang ako dito." I said.
"Oh! Well, kung may mga kailangan ka man, or mga tanong, you can always approach me! You can find me anywhere on the campus. Palagi kasi akong naglilibot libot sa school but you can always go to our office din." she said. I just nodded.
"Well, alis na ako ah! Nice to meet you Louise!" she said. Pinigilan ko muna siya. Nagtaka naman siya kung bakit.
"Umm, I just wanna ask you something." I said. Nakinig naman siya.
"You know Elias Anderson right? Do you know where I can find him?" I asked. Sasagot na sana siya ng may lalaking sumabat galing sa likod ko.
Napalingon naman ako sa lalaking iyon at nakita ko na nga ang hinahanap ko, nakasandal lang sa pader habang nakangiti ng nakakaloko sa akin.
"Missed me, babe?"