As days goes by, laging nag-uusap si Adonis at Crystal.
Pinigilan ko ang aking sarili na magreact at magselos. Kahit deep inside ay talagang masakit na masakit.
"Bruha, is Adonis cheating on you?" tanong ni Mahinhin na nakataas ang isang kilay at mataray ang hilatsa ng mukha.
"Hindi kayang gawin iyan ni papa Adonis a!" asik ni Eula na number one tagapagtanggol ni Adonis.
Umiling ako.
"Loyal si Adonis sa akin,"sagot ko sa nag-aalalang kaibigan. Ano pa nga ba ang dapat kong sabihin.
"O, eh bakit sila magka-usap na naman ng ex niya!" Mataray na saad ni Martha.
Nagkumpulan kaming apat sa likod. May thesis na pinapagawa ang teacher namin, kami ang magkakagrupo as usual.
Pero imbes na thesis, chismis ang inatupag namin.
"They are catching up as a good friends. Matagal ang pinagsamahan nila!" I sound being tanga and martir habang nagpapaliwanag.
Tinaasan ako ng kilay ni Mahinhin. Nakaismid naman si Martha at wala lang si Eula. Hindi gets eh...
"Exactly, they have past! 4 years? Ikaw 5 months! At hinahayaan mo silang magcatch-up catch-up diyan!. Bakuran mo ang sa iyo, don't let him be with his ex. Ex nga eh...wala na dapat siya sa ngayon!" nakaismid na sermon sa akin ni Mahinhin.
Paano ko sasabihin na wala naman talaga kami. Hindi ko puwedeng bakuran dahil wala akong karapatan,
Lumapit sa akin si Mahinhin.
"I may sound b***h here Diozza. Pero the look of it, inaagaw niya ulit si Adonis sa iyo. I can tell that Adonis is loyal and true to you. Pero palay na kasi ang lumalapit sa kanya eh! Baka tukain nito iyon. Masasaktan ka."
I'm surprised, si Mahinhin pa talaga ang nakakaisip ng mga iyon. Siya kasi ang duda sa relasyon namin ni Adonis. Siya pa talaga ang nagsabing true ang feelings namin ni Adonis.
"Saan na ba ang jowa 'nun, dapat tinatali niya sa leeg ang jowa niya nang hindi magkalat ng kati!" Bulaslas ni Martha habang nagta-type sa laptop.
"Huh, nagangati siya? Baka hindi niya maabot kaya pinapakamot niya sa iba!"hirit naman ni Eula. Nagtawanan kami.
Pero napapaisip din ako kung bakit hindi na kasama ni Crystal si Bryan. Napabuntong hininga ako, mukhang inumpisahan na ni Crystal ang laro. Tinuloy yata nito ang sinabing i bre-break nito si Bryan. But the Bryan I know. Hindi basta papayag na ganoon na lamang siya idispatya ni Crystal. Maybe there's something more about their relationship. I don't care about them huwag lang nila idamay si Adonis, huwag lang mapahamak ito.
Lumapit sa akin si Mahinhin.
"Basta kapag may problema Diozza dito lang kami ha. Reresbak kami kasama mo." A friend that will always by my side kahit sa kagagahan.
Naluluha tuloy ako.
"Oh bakit ka iiyak?" Napaismid na tanong ni Mahinhin.
"Thank you mga friendship." I extend my arms for a group hug. Nagsitayuan sila sa upuan at lumapit sa akin.
Nakatayo ako sa may gilid ng bintana at palihim na pinagmamasdan kanina pa sila Adonis at Crystal.
Naunang yumakap si Martha sumunod ang dalawa.
"Wait, wait, naiipit ako." Singhal ni Martha na kawawa ang payat na katawan dahil siya ang napagitnaan namin. Payat pa rin siya kahit naggym na. Pero infairness, medyo matigas at may muscle na.
Bibitaw na sana ako nang may yumakap din mula sa aking likod. Extending his arms to both Mahinhin and Eula.
"Sali niyo ako!" Adonis said. Nag ngitian kaming lahat at masaya kaming naggroup hug ulit.
"Labas tayo mamaya!" Bulong niya sa
akin pagkatapos ng yakap na iyon.
Napalingon pa nga ang ibang grupo sa amin. Eh paano kung makaasta siya parang walang ibang tao.
"Sali ninyo kami!" Saad nilang tatlo.
"Sorry guys, exclusive for us only. Libre ko na lang kayo ngayon!" He said as he snake his hand on my waist.
"Did I say good morning to you beautiful? I like what you are wearing today." baling niya sa akin. Nakailang puri na ba siya ngayon?
I smile at him. Nakapants lang ako ngayon at black blouse with laces.
"Perfect for our exclusive date!" Dagdag pa niya.
Kumislap ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Exclusive date!
Sosyal ang dating ah.
Umupo siya at hinila ako paupo sa kanyang hita. He put his chin on my shoulder as he hug me.
Sanay na sila sa amin kaya huwag kayo magreact!
"Crystal talk to me a while ago!"
Hindi na ako nagulat doon. Every time na nag-uusap sila ay ipinapaalam niya sa akin. Iniiwasan niyang magkatampuhan kami ulit. I don't know what kind of relationship we have right now. But I'm happy. And he is too, I think.
"And?"
Tahimik lang na nakikinig ang barkada ko as he talks.
"Wala lang...I just want you to know that she want us back?" hindi ko na ikinagulat iyon.
Tumingin sa akin sina Mahinhin. Like a hawk eyes. Naningkit ang mga mata nito habang nakikinig sa amin. Nakataas naman ang kilay ni Martha at itong si Eula curious at nilapit pa ang teynga para mas makasagap ng balita.
"What did you say?" I asked as I play with my fingers. I am tense.
Nahalata niya iyon kaya ginagap niya ang kamay kong naglalaro. At pinanatili iyon sa palad niya.
"I said that I have you now and she have her boyfriend. We can't be together."
Sasabihin ko sana na wala naman talaga kami so malaya siya but of course hindi o-oo si Adonis hanggang may boyfriend pa si Crystal.
"Good!" Bulaslas ko.
Nagthumbs up sa akin sina Martha.
Three pm ay tapos na ang aming klase. Nasa parking lot kami kasama sina Mahinhin at Eula. kasalukuyang inaayos ko ang helmet na suot.
"Ingat kayo ha! Adonis ingatan mo iyang beshie namin," bilin ni Mahinhin. Tinapik siya sa balikat.
"Yes mam!" Ika naman ni Adonis at sumaludo pa ito kay Mahinhin.
"Sama me papa Adonis!" Sabi naman ni Eula na nagpapadyak-padyak pa. Parang bata!Natawa akong pagmasdan ang aking mga kaibigan.
They were very supportive sa amin ni Adonis. At madali nilang nakavibes si Adonis like they knew each other well for a long time. Lalo na itong si Eula, mas close pa nga sila ni Adonis kaysa sa akin.
Adonis rubbed his hand on Eula's head. Ginulo nito ang kanyang buhok.
Napalabi ito. Parang bata talaga.
"Alis na kami"
I hold tight in his waist. Medyo malayo daw kasi ang pupuntahan namin. I enjoy the scenery while travelling. Ang gaan ng feeling habang nasasalubong namin ang hangin.
He park his motorcycle in front of a restaurant.
BAHAY KUSINA
"We're here. Tara sa loob."
Hinila ko ang kanyang damit pagkababa sa motor.
"Bakit dito tayo?"
Alangan akong sumama. Baka kasi mahal dito magagastos pa niya ang kanyang pera para sa buong buwan.
Kahit na may pera ako ayaw na ayaw ni Adonis na makihati ako sa gastos. Siya raw ang gagastos kapag lumabas kami. I'm okay with the street foods. Sana doon na lang.
"Come on. Bagong bukas ito. The food is good here mga lutong bahay."
Like he was here before.
Sumunod na lamang ako sa kanya.
Madaming tao sa loob. Jam pack ang restaurant.Wala na rin ata kaming mapuwepuwestuhan.
Tamang-tama para makaalis kami agad at hindi na siya gumastos.
"Magandang hapon sir,mam. This way po," sabi sa amin ng sumalubong na waiter. Nakabarong Tagalog ito at may sombrero.
Nagtataka ako at magtatanong sana pero hinila ako ni Adonis pasunod sa waiter. Pumunta kami sa itaas ng parang bahay kubong building.
Mayroon pa pala sa taas mga bakanteng mesa.
Iginiya kami sa pandalawahang tao na malayo sa iba.
Pagkatapos naming maupo, ibinigay sa amin ang menu. Pareho kaming nagpasalamat ni Adonis. Nanlaki ang mga mata ko sa presyo ng pagkain.
"Adonis?!"
"Just pick please, don't mind the price." putol niya sa akin.
Bumalik na ang waiter wala pa rin akong napili.Wala kasing mas mura. Halos pare-pareho ang presyo ng pagkain. Ibinaba ni Adonis ang menu na hawak at sinulyapan ako.
Nginitian niya ako as I look confuse.
"I'll order," sabi niya 'saka na nag-order. Gusto ko siyang pigilan sa dami ng mga sinabi niya.
Like how on earth can we eat all of those! At yung bayad?
Magkano ba ang lahat ng iyon?
Mas lalo akong nalula noong dumating ang pagkain. Limang putahe ang naroon plus halo-halo on coconut.
"Eat and enjoy. No diet!" as he started putting food on my plate.
Wala akong nagawa kundi ang kumain. Sayang naman ang ibabayad kung hindi maubos.
Masarap ang pagkain kaya hindi ko namalayan na naubos namin lahat.
We are eating our special halo-halo noong may iabot siya sa akin.
It is a small box.
"Happy monthsarry." he give me smile that almost melted my heart.
Nahiya na ako ah. Pinakain na niya ako may gift pa.
"Hindi naman na dapat may ganito..."
"I want to give you something. I want to cherish every moment I have with you," ika niya. The side of his lip rose a bit, halatang nagpipigil na mangiti muli.
My heart starting to beat like crazy again. Si Adonis lang ang nakakagawa nito sa akin.
"Open it!" Utos niya.
He make me feel very special. Natatakot tuloy ako na may kapalit ang mga sandali na masaya ako sa piling niya.
Binuksan ko ang maliit na box.
Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
I bite my lower lip as I look at him umiling ako.
"I can't Adonis." I slide the box in front of him.
Kinuha niya ang laman noon. Isang kuwintas kulay gold at may mga maliliit na accent na puso. Tapos sa gitna ay pangalan ko.
I know it's a real gold.
At hindi ko kayang tanggapin na pinag-aaksayahan niya ang kunwaring girlfriend niya ng pera.
Tumayo siya at naglakad papunta sa aking likod. He then put the necklace.
"It has your name. Hindi ko naman maibibigay ito sa iba. Take it. It's a gift."giit niya.
"This is too much." protesta ko.
"Para sa iyo walang labis walang kulang." He said with finality.
I wipe my tears.
"Hey are you crying?" Puna niya sa akin.
"I'm just happy. Thank you."
He kneel down in front of me. Wiping every tears in my face.
"No! Thank you." He then smile at me. "For coming into my life."