Apoy 29

1402 Words

"Mera, maraming salamat sa pagsisilbi mo sa kaharian nang mahabang panahon..." "Mahal na Hari, wala kayong dapat ipagpasalamat. Ginagawa ko lamang ang aking tungkulin. Kung kinakailangan nga ibuwis ko ang aking buhay ay aking gagawin," sagot naman ni Heneral Mera kay Haring Alpiro. Kasalukuyan silang nakatayo sa balkonahe ng palasyo habang pinagmamasdan ang kaharian. Ang kahariang nasa gitna ng bulkan. "Ngunit Mera, ang pasasalamat na ito'y maaaring hindi ko na masabi kapag ako'y namatay na. Mas mabuting sabihin ko na ang pasasalamat kong ito. Naglingkod ka sa kaharian magmula pa kay Ama, kaya lubos kitang pinasasalamatan." Isang simpleng ngiti pa ang ginawa ni Haring Alpiro matapos niya iyong sabihin. "Pero mahal na Hari. 'Di yata't nasa dalawang dekada ang agwat ng edad ko sa inyo. Mu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD