06—Nanalo sa loto
Xyren POV
“Neo, ihatid daw natin si Maam Pami.”
“Tara bilis! Baka mabugbug tayo ni Boss kapag nalate tayo ng dating.”
Agad-agad kaming tumakbo at pinaharurut ang Van. Tumungo kami sa sinabing address ni Boss Tan.
Nakita kong nakatigil ang kotse ni Boss kaya huminto rin kami sa likuran nito.
May lumabas na babaeng naka uniform at parang bad mode ang itsura.
Hindi siya gaanong matangkad at maikli lang ang kan’yang buhok. Hanggang balikat lang, wala rin siyang kulerete sa mukha, miske nga pulbos o lipstick ay wala. May heart hair clip lang siya sa buhok niya.
“Good morning maam.” ani ko’t yumuko bilang paggalang.
“Walang maganda sa umaga, at hindi pa ako teacher para tawin mong maam.”
Sa itsura niya hindi ko akalain na medyo mataray siya.
Siguro ay bad mode lang siya ngayon.
Masyadong maamo ang kan’yang mukha para sa mataray na description.
Dumiretso siya sa loob ng van kaya sumunod naman ako.
Katabi ko si Neo ngayon at nasa likod naman si Maam Pami.
“Xy, ang cute ng asawa ni Boss Tan.” bulong ni Neo. Habang nakangiti. Tsk.
“Tumigil ka Neodior, ang kay boss, kay boss. Huwag kang makialam kung ayaw mong lumamon ng granada imbes na mamon.”
“Ito naman hindi mabiro. Sige na, mag drive kana. Haha.”
“TSK.”
Nag umpisa akong magdrive nang biglang magsalita si Maam Pami.
“Kuya driver, favorite n’yo po ba ang white color?” Napansin niya siguro na paraho kaming nakaputi. Nagkataon lang talaga ‘yon.
“Hindi po Maam. Bakit ho?” Tanong ni Neo.
“Sus. Pakipot pa kayo mga kuya hihi. Kilala n’yo ba si Boss Tan?”
Gago talaga si Si Bossing, pati asawa niya Boss ang tawag sakanya!?
“Ano Xy, sasabihin ba natin?” Bulong ni Neo.
“Huwag muna, ‘wag tayong makialam, dapat si Boss mismo ang magsabi n’yan kay Maam Pami.”
“Mga kuya, bakit kayo nagbubulungan? Jina-judge niyo ba ako?” Naka ngusong saad niya.
Weirdo pala ‘tong asawa ni Boss, kanina mataray. Isip bata pala ampt.
“Nako Maam. ‘Di po hihi. Gusto niyo po bang mag sound trip?” Mabilis na palusot ni Neo.
“May songs ba kayo sa we bare bears?”
Ano naman ‘yon?
Tiningnan ako ni Neo bilang pagtanong pero nagkibit balikat na lang ako hudyat na ‘di ko rin alam ang tinutukoy niya.
“Wala po.” Sagot niya.
“Ay sayang naman, e kay Taylor Swift mayro’n ba?”
“Wala rin po maam e.”
“Ay huwag ka na lang mag music kuya. Ampapangit naman pala hihi. Sa susunod mag download ka na hihi. Sa google po kuya pwede. Search mo po mp3 downloader tapos click mo nasa unahan tapos punta ka sa you tube tapos copy mo ang link ng music tapos paste mo roon sa link search box para ma download hihi. Sinabi ko lang just incase ‘di ka marunong hihi.” Anak ng talong! And daldal pala nitong si Maam Pami! Malala pa sa tama ni Neodior! Pa’no ba ‘to natiisan ni Boss ng isang gabi?
“Opo maam.” Pagsang-ayon ni Neo.
Nakarating na kami ngayon sa tapat ng gate na pinagpapasukan ni Maam Pami. Kaya agad na bumaba si Neo para pagbuksan si Maam Pami ng pinto.
Pami POV
Nandito na kami ngayon sa school at pinagbuksan ako ng pintuan ng isang lalaki.
“Salamat po kuya. Ilan po ba pamasahe ko?”
Nakangiting tanong ko habang dumudukot ng barya sa wallet ko. Pero hindi siya sumagot, ‘di niya siguro narinig.
Malapit lang naman na drive nila kaya okay na siguro ang singko. Hihi.
“Kuya bayad po.” Umiling naman siya.
“Si Boss ang nagbabayad sa’min Maam. Sige po, pasok na po kayo baka ma mate kayo sa klase.” Palangiti ‘tong si Kuya hihi. Tapos gwapo rin siya. Pwede siyang maging model ng roll on sa rexona. Hihi. Pero parang mas gwapo ‘yong driver at nasungitan ko kanina. Siya ‘yong tipong lalaki na pwedeng maging model ng brief sa avon hihi.
Ano kayang pangalan nila?
“Okay Kuya. Maraming salamat.” At iniwan ko na siya. Sa susunod na makita ko sila, itatanong ko name nila. Hihi.
Pumasok ako sa campus at nakita ko si Gimbe at Taira na hinihintay ako.
Parehong nakaka nga-nga ang bunganga nila.
At may laway na namumuo sa gilid ng labi nila.
“Woy!” malakas na sigaw ko sa mismong mukha ng dalawa nang makalapit ako sa gawi nila.
“Pami?” si Gimbe,
“Pam Mia?” si Taira.
“ GIMBEA? TAIRA?” panggagaya ko sa tuno ng pananalita nila. ‘Yon bang parang ang tamlay ng pag pronounce nila.
“ HOY MGA GAGA! ANONG NANGYARE SAINYO? NAKALAMON BA KAYO NG ULAP?”
Sabay naman na nag iling-iling ang dalawa.
“ HOY PAMIA SINDIKATO KANA BA NGAYON HA?” singhal ni Taira. Anyare rito?
“Anong sindikato Taira? Pagkain ba ‘yon?”
“ TANGA! HOY KANINONG SASAKYAN KA NAG ARKILA?”
Dagdag niya. Ba’t siya sumisigaw? Exaggerated talaga lagi ‘tong si Taira!
“Hindi ko naman inarkila ‘yon Taira.”
At nagsimula na akong maglakad gano’n din naman sila.
“Bigatin na pala kayo ngayon Pami? Wow ah, balato naman.” Si Gimbe habang nakaakbay sa ‘kin.
“Hindi kami bigatin. Nakaka LL lang” Nakakaluwag-luwag hihi.
“E? Kaninong van ‘yong sinakyan mo Pami?”
Kamot ulo,
“Ah e, yon? Binili ‘yon nila Tita. Hihi.” pagsisinungaling ko. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sakanila na sundo ko ‘yon at ang asawa ko ang nagbigay no’n ‘di ba?
“Saan naman kumuha sila Tita ng ganoong kalaking pera para makabili ng mamahaling kotse?” Tanong ni Taira.
Lunok,
“E, ano. Ano kasi,” kamot ulo. Ang hirap mag imbento! Saludo talaga ako sa angking galing ng mga scientists diyan na magaling gumawa ng kwento para magpalusot. Huhu.
“Nanalo sila sa lotto hihi.” Maniwala sana kayo.
“Ang swerte naman nila Tita.” nakangiting ani ni Gimbe.
“Ah hihi. Oo nga e,” kamot batok.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
:-)