Chapter-03

1686 Words
03 Kape       Nandito na kami sa kotse ni Sir, at hindi kami nagsasalita.  Ma pride ako mga men! Alangan naman ako manguna! Tsk! Taas noo me.   Pero syempre may mga tanong parin sa utak ko. Katulad ng BAKIT HINDI NAGALIT SILA TITA? SAAN KAMI PUPUNTA NGAYON? AT BAKIT AKO PINILING MAGING ASAWA NITONG SI MR. HOT TAN?     hayssstttt! Bahala na nga si Ice Bear.    Tahimik pala si Sir Tan eh no. Kala ko kasi madaldal ‘to. Hindi naman pala. Hihi.   Siguro time na para bawasan ko ang pride level ko hihi.      Pero mga MEN! Mataas talaga ang pride ko noooooo!     “Ser,” matigas na tawag ko.     “Hmm?”simpleng tugon niya habang hindi man lang tiningnan ang gawi ko.    Me sad, me.   ~.~   Grabe mahal ba bayad sa’yo Ser para lang mag salita ka?     Ang tipid eh. Tapos hindi na ulit siya nagsalita. Hindi man lang marunong mag effort para makapagusap kami. Huhu   ~.~   “Sa’n tayo puputa Sir?”     “In our house.”    •.•       Weeewww! Magtatanan na kami ni Serrrrr? Seriously?        “Sir,” tawag ko ulit kasi hindi nanaman siya nagsasalita e. Gusto ko sana magtanong.     “Hmmm?”        Ano baaaa serrrr! Umayos ka naman ohhhh! Ako na nga ‘tong gumagawa ng moves para mag-usap tayo.   ~.~     “Sir, mataas po pride ko. Kayo rin po ba?” Siguro nga mataas din ang pride nito.     Kumunot naman ang noo niya.      Hehe! Ang gwapo moo serrrrr!    “What are you talking about?” Kunot noong tanong niya. Gano’n ba kahirap intindihin ang sinabi ko?      ~.~       *tampal noo     “Sir?” tawag ko ulit.     “Hmm?”      Puro na lang HMMMM! HMMMMM!  Nakakainis naman. Huhu   ~.~       “Sir.” ‘di talaga ako titigil hanggat hindi mo ‘ko pinapansin Sir. Huhu. Umayos ka.     “Hmmm?” Talaga naman oh. Sinusubukan ang pasensya ko.   Bwesit na HMMMM! HMMMMMM! Hindi man lang,   WHY WIFE? Do you want anything? hindi man lang kasing sweetness ni Zeke my loves.   ~.~     “Siiir!”        Itinigil niya ang pagdrive at saka tiningnan ang gawi ko.  Waaaaaaataaaamennn! Ang wafooooo talaga ni serrrrr.   ^.^     “Get. Out.” kalmadong tugon niya.     Hala! Get out daw! Nagalit ba siya kasi makulit ako!?    ~.~     “Po. Sir?”      “I said. Get. The. f**k. Out”      “Per-”   “Lalabas ka o lalabas ka?” Hah! Ano raw? Ang labo naman ng choices.    Pero nagtatampo talaga ako.~.~ Pagkatapos niya akong kunin sa bahay tapos iiwan niya ako rito sa gilid ng kalsada. Huhu.     “O na lang Sir.”      “What about O?”    “O ang pinipili ko. Sabi mo lalabas o lalabas. Medyo malabo pero gets ko hihi. Matalino ako sir, baka nakakalimutan mo. Hihi.”  Ani ko habang nakangisi.     “Huwag mo nga akong ginagago Pami.” Sabay sabunot niya sa kan’yang buhok. Masyado ka na bang frustrated sa ‘kin sir?~.~ “Labas! Do’n ka sa likod ng kotse!”      “Si-sige.” nakangusong sabi ko at lumabas sa kotse.     Bubuksan ko na sana ang pinto sa likod ng kotse pero nagsalita ulit siya.     “HUWAG DIYAN! DOON KA SA TABI NG MALETA MO.” sabi niya.       Hala! Doon pala ako? Hihi okay lang naman atleast ma try ko ang maupo sa pinalikod ng kotse hihi.      Para akong bagahe:>     Pumunta ako sa likod ng kotse at binuksan ko ito paitaas. Hindi naman ako bwelo kapag umupo ako kaya hihiga na lang ako hihi.        Ang sweet ng husband ko, gusto niya relaxing ang spot ko.      Nagsimula ulit umandar ang kotse ni Sir Tan kaya naisipan kong kumanta na lang sa isip ko. Hihi.     Biglang tumigil ang kotse kaya napatigil ako sa pagkanta. Narinig ko rin na lumabas si Sir Tan sa driver seat kaya nagpanggap akong tulog hihi. Malay mo buhatin ako ni Sir ‘yong ginagawa ng mga lalaki sa asawa nilang babae. ‘Yong pang bridal style. Hihi. Tapos ipupulupt ko ang kamay ko sa leeg niya. Hihi. Tapos mag kikiss kami. Hihi.         Ito na mga men binuksan niya na ang pinto hihi.      Zzzzzzzz!         Bakit hindi man lang siya nagsasalita? Siguro tinititigan niya ang mala pretty face ko eh noooo! Hihi sige Sir Tan pagbibigyan kita ngayon tutal magaling ka mag hanap ng relaxing spot.    Pero makalipas ang sampo, labing limang segundo hindi niya pa rin ako binubuhat o ano. Wala man lang siyang ginagawa bukod sa titigan ako.      Hayst. Iba talaga ang gandang taglay ko. Nakakatulala.      Kung hindi ako mumulat, ay siguro hanggang bukas niya ako titigan dito.      *_^   ^_^   •_•   “Asan si Sir Tan?” Tumayo ako’t bumaba sa kotse. Nilinga ko ang paningin ko at nakita ko ang likod niya sa ‘di kalayuan sa ‘kin.        Langhiyangggg Sir Tan na’to hindi man lang ako sabihang nakarating na kami sa bahay niya.     Naglalakad na siya ngayon papunta sa gate ng bahay niya, kaya agad akong humabol sa buntot niya. Yes may buntot siya, charot.      Bubuksan niya na sana ang gate pero nagsalita ako. Sinigawan ko siya.     “HOY SER TAN! NAKALIMUTAN MO ATANG MAY KASAMA KANG BABAENG NAGNGANGALANG PAM MIA AQUINO!”      Bwesit na Serrr na ‘to! Sana pala dinala ko ang samurai ni tito para ako mismo ang puputol sa totoy niya.   Humarap siya sa gawi ko kaya inismaran ko siya.     “Akala ko ba tulog ka?”   “EDI SANA GINISING MO ‘KO!”      “Masamang gisingin ang natutulog.” sabay talikod niya’t pumasok sa gate.      Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sakaniya.     Ibang klase ang style ng bahay nitong si Sir! Hindi gaanong bongga pero grabe ang desinte talaga tingnan.   Nasa labas ng gate ang parking area niya. At pagpasok mo pa lang sa gate ay tatambad na ang isang maliit na fountain. May mga bulaklak din, at grabe ang gaganda. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong harden.    Siguro mahilig ang Mama ni Sir sa mga flowers.    Medyo kalakihan din ang bahay pero hindi singlaki ng mga mansion. Parang sakto lang kung tingnan.     Light gray at dark gray ang motif ng bahay ni Sir.    Pumasok si sir sa pinto at sumunod naman ako.    May nakalaang chenilas sa may pinto kaya hinubad ko ang sapatos at medyas ko. May shoe rock din kaya inilagay ko na ro’n ang sapatos ko.    May isang medyo may edad na babae ang biglang lumitaw at binati si Sir.     Siguro lola niya ‘to.     “Magandang gabi boss Tan.” sabay bow nito.       Boss pala ang first name ni Sir? Hindi ko pa kasi alam mga e. ‘Di naman kasi siya tinatawag sa ngalan niya sa school. Laging sir Tan ang tawag sakaniya.         Hindi umimik si Sir at nag lakad na siya.      Walang hiya talaga ang GAGONG ‘to hindi man lang nag mano sa Lola niya.     Susundan ko sana siya pero biglang nagsalita ang Lola.     “Ako na pong bahala sa bagahe ni’yo. Our lady.”  Aniya at nag bow pa. Kanina pa siya bow ng bow. Feeling siguro nasa korea siya. Iba talaga epekto kapag nasobrahan kakapanood ng mga k-drama.    “Magandang gabi po. Mano po.”  Sabay abot ko ng palad ko sakan’ya.     “A hihi. Salamat na lang po our lady.”  Sabay iling niya bilang pagtanggi sa mano ko.  Ay. Ayaw ata tumanda ni lola hihi. Iniisip niya siguro na mapapangasawa niya pa si Lee Min Ho.   By the way. Kanina pa ‘to OUR LADY, OUR LADY. Pami Mia po ang pangalan ko hindi our lady.   “Ano kaba Lola. Ako nalang ang bibig-bit nito. Kerig-keri ko na ho ‘to.”     “Pero po, mapapagalitan ako ni boss Tan kapag hinayaan kita sa bagahe mo.”  Halatang takot siya kapag nangyare ‘yon.      “Dadalhin ko na po sa kwarto ang bagahe niyo.” at saka niya inabot ang maleta ko galing sa kamay ko. Wala na rin akong magawa e.     Umalis ang matanda at iniwan ako sa may pinto.       Teka! Asan na ba si sir?      Naglakad ako sa direction ng pinuntahan niya kanina. At tumambad saakin ang kusina. Nandon siya at nag iinom ng kape sa baso.     “Sir!” Tawag ko at nilingon niya naman ako habang hawak niya ang basong may maliit na tangkay.        Pero black ang laman kasi nga kape. Pure black pala gusto niya hihi.    “Hmm?”   Ito nanaman ang HMMMMMM niya!      “Sir, pahingi naman ng kape oh.” nakangusong tugon ko. Mukha kasing masarap e, hihi.     Tumayo naman siya at kumuha ng baso na katulad ng saka’nya.    Hehe. Wataaaamennnn! Pers time ever ko makagamit ng ganitong basoooo. kaya iingatan ko ‘to para hindi ko mabasag.    At saka, mukhang mamahalin. ‘Yong tipong tinatago ng mama mo para magamit kapag may okasyon lang. hihi.   Mahilig pala si sir sa old class hihi.     Nilagyan naman ni Sir ang baso ng kape na galing sa bote. At inilapag niya sa marmole na mesa.     Inabot ko ang baso na may lamang kape at agad na nilagok. Hindi naman kasi umuusok. Baka coffee made in ice hihi.     “Ugkkkkkkkkk” Tunog ‘yan ng pag inom ko hihi. Inubos ko kasi ang laman ng baso. Kakaunti lang naman kasi ang nilagay ni Ser. Siguro gusto niya tikman ko muna bago niya ramihan ang laman hihi.     “ SHERRRR ISA PA HIHI. MASHARAP KASHI MEDYO MAPAIT SHA UNA PERO MATAMISH PAG NASHA LALAMUNAN NA.” sabay ngiti ko.   ^•^     Nilagyan ko ulit ng kape ang baso ko at ininom ko iyon. Pag katapos ay nag salin ulit ako hanggang sa,     Wataaaaaashhhhhhmennnn!    Umiikot na ang pag tingin ko kay ser Tan! Sakan’ya na talaga umiikot ang mundo ko.       “ SHERRRRRR,”      “How are you feeling right now?”      “ SAIYO *hik SAYO NA UMIIKOT *hik ANG MUNDO *hik KO SHERRRRR.”        Wataaaashhhmennn! Ano bang klaseng kape ang mayroon si Sir!? Bakit parang inaantok na ang cute na si Pami?     ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ :-)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD