Mitch Villamor
Lumipas ang dalawang araw hindi ko na enjoy ang week end ko. Well, mukhang na enjoy ko naman pero may halong wala. Iwan parang ganon!
"Badtrip ka yata, sis?"
Paano ba naman bagsak akong nakalumbaba sa table ko dito sa faculty room. Masaya na sana kahapon e kaso may naki singit, iwan ko lang ha pero naasar talaga ako sa kanilang dalawa ng babaeng yun, pagkatapos akong padalhin ng lahat ng gamit nilang dalawa. At ako naman na assumera umasa pa, bwisit!!
Pasensya na kung di kayo relate pero ito na ikukwento ko na. Let's bring you back in the year... Char lang.
°°Flashback°°
Saturday at the house of Mitch
Nakikita ko siya na parang nagpipigil iwan ko kung naano ba s'ya o natatae. Habang ang unan ay kanyang nilagay sa kanyang puson, nanginginig pa. Iwan gustong matawa o ano pero nanaig ang pag-aalala sa akin.
Pagkataos no'n ay parang di pa siya kumalma at nagpaalam na umalis at babalik bukas, di ko alam kung bakit babalik pero tinanong ko kay nanay ay siya na lang daw tanungin ko.
Kinabukasan, dumating nga siya sa bahay, bihis na bihis he's wearing a nomal cloths, yung T shirt lang na itim at naka short din na hangang tuho at naka sapatos, binata ang datingan ni Mamang pulis. Although binata nga naman siya pero mas lalo siyang naging gwapo sa ayos niya. Wait? Gwapo?
"Change your clothes aalis tayo."
"Saan? Teka, bakit tayo aalis? At bakit ako bibihis?"
"Lalabas, go on. Samahan mo akong maglibang."
Maglibang? Di ko naman siya pinansin kaya umakyat na lang ako sa kwarto at humiga, bahala siya maghintay, tinatamad ako ngayon. Ilang minuto pa ako sa kwarto habang nagbabasa ako ng mga BL stories sa w*****d.
Nakarinig ako ng katok mula sa labas, at walang pasintabi na binuksan iyon at kita ko ang naiinip nang mukha ni Ace, sinara ang pinto at ni-lock, tudo ang kaba ko doon kasi ni lock ang pinto!!
"Why you didn't change your clothes? Gusto mo bang ako ang magbibihis sayo? Say it baby, I'm ready."
Kita ko ang pagkagat niya sa labi, bigla akong tinayuan ng balahibo sa buong katawan ko sa ginawa niya at lumapit pa ito sa pwesto ko na kina-alarma ko naman.
"H-hoy!! L-lumabas ka!!"
"Why would I, baby? Pinaghintay mo ako sa baba and I saw you lying on this bed? Alam mo bang ayaw kong pinaghihintay ako."
"B-bakit ka kasi naghintay?"
Napatayo na ako sa kama siya naman ilang dipa na lang ang layo sa akin at umupo sa gilid ng kama ko saka humiga na nakataas pa ang braso para maging unan na niya. Di ko maiwasan na mapalunok ng laway sa katawan niyang perpekto. His muscles!! At kaunting pagtaas ng damit niya dahilan para makita ko ang buhok sa kanyang puson at ang umbok niya sa gitna.
Napailing ako ng wala sa oras dahil sa naiisip kong kabalastugan!!
Whaaaaaaaaa!!! Gising Mitch!! Isa kang dalagang pilipina!! Hindi ka pokpok!!
"I told you, we're going out."
Sagot niya sa tanong ko na nakangising tumingin sa akin. Kita ko pa kanyang mukha ang pag-ngiti ng malaki parang nagpapahiwatig sa akin na successful ang naging plano niya.
"Enjoying the view, baby?"
"Kapal mo!"
At lumakad para lumabas kailangan ko pa siyang daanan. At wala akong balak na sumama sa kanya. Pero bago pa ako makalagpas sa kanya ay hinila na niya ako pahiga sa kama at pumaibabaw pa siya sa akin. Dahil doon ay napahawak ako sa matipunong dibdib niya para pigilan ang katawan niyang akmang lalapit pa sa akin.
"Ang alerto yata natin ngayon, baby?"
"A-anong satingin mo ang g-ginagawa mo?"
Nauutal na ako di ko kayang pigilan ang bigat niya, sinasadya niya talagang magpabigat para mahirapan ang kamay ko at magawa ko itong mabend. He started to remove my shirt na nagpakaba sa akin lalo.
"H-hoy!! T-tigilan mo yan! Sisigaw ako dito!! Ace!!"
"Don't worry, bibihisan lang kita wala akong gagawin, But if you want, I'm happy to do it. My hatdog is yours, baby."
Ang bastos ng lalaking ito!! Ramdam ko na na umaakyat na ang dugo sa mukha ko, hangang ngayon nakangisi pa ang, walanghiya!!
"Bwisit ka!! Umalis ka nga, ako na ang magbibihis!!"
"Isa!! Binabalaan kita, babayagan talaga kita Ace!! Tignan na lang nating kung di ka mababaog sa gagawin ko."
Agad naman siyang umalis sa ibabaw ko. Na ngayon ay nakahawak sa alaga niya na takot mabayagan. Wala naman akong balak na sipain ang itlog ng mukong na ito no? Sayang din kasi.
Ano daw!?
"Kick everything, not my little General. Di tayo makakabuo niyan kapag nagkataon."
Saad niya na may binulong pa sa huli, ang hilig talag sa bulong bulungan.
"Little General? Little? You mean your... Is..."
Sabay pakita sa kanya na maliit yung ano niya gamit ang hintuturo at hinlalaki ko na pinaliit ko pa ang distansya sa isa't isa. Nakita kong nanlilisik na siya nakatingin sa akin
"Why? Do you want to confirm it? Akala ko ba nakita mo na to sa school, looks lika a tent when it's on. So want to see it?"
Taas baba pa ang kilay nito nakatingin sa akin, kinuha ko ang unan kong isa at binato sa pwesto niya. Nakakainis ang galing mang-asar. Oo inaamin ko malaki nga yun. Pero sa salawal niya lang di ko naman kita completely. Char.
"Lumabas kang manyak ka! Labas! Magbibihis ako!"
At tawang tawa pa bago lumabas ng kwarto, nakahinga ako ng maluwag at kinuha na ang towel para maligo at magbihis.
After kong mag shower, nagpalit na ako suot ko ngayon ang white jeans long pants and black t-shirt saka sapatos na white. Then pulbo and suklay ay okay na at bumaba na. Nakaupo pang siya sa sopa na naghihintay.
Nagpaalam na diya kay mama at mabilis akong hinila palabas at pinagbuksan ng pinto ng kotse. Gentleman yata ngayon si mamang pulis. Umikot nan siya at pumasok pinaandar at umalis, di ko nga alam kung saan kami pupunta.
Nakarating kami sa mall. At mabili siyang bumaba sa kotse niya at pinagbuksan ako. Gentleman si kuya n'yo!!
"Salamat."
Nahihiya kong pasasalamat at nginitian niya lang ako. Bakit ba kasi palagi na lang ngumingiti? Di ba s'ya aware na lahat ng mga nasa paligid ay nalalaglagan na ng panty? Oo inaamin ko gwapo siya at napapalingon ka talaga sa kanya.
"Let's go."
Then he hold my hand kasabay ng paglakad niya binawi ko kaagad ang kamay ko dahil naiilang akong sa ginagawa niya hindi kami mag-jowa para hawakan niya kamay ko.
"Why?"
"Di ba pwedeng lumakad na walang hawakan ng kamay? Ano sa tingin mo sa akin bata na mawawala na lang?"
"Naninigurado lang."
Saad niya saka tumalikod at naunang naglakad habang nakapamulsa. Naninigurado? Saan? Kanino? Iwan!! Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ng pulis nayon, siguro dinadalaw na ito ng mga napatay niyang kriminal.
Sumunod na lang ako sa paglalakad naglibot libot kami doon madami rin siyang pinamili at pinabitbit sa akin. So? Ano to? Sinama niya lang ako para maging alalay niya sa mga pinamili niya? Tudo purma pa ako at sapatos tapos alalay lang pala ang papel ko dito? Umikot pa kami at halos mapagod na ang mga paa ko sa mga dala ko.
"Hurry up."
Turan niya na akala mo hindi ako pagod sa dala kong ito? Marami nang paper bag ang bitbit ko!! May mga sapatos pa na limang pares at mga damit na panlalaki iwan ko kung kasya ba sa kanya basta-basta niya lang binili.
"E kung tulungan mo kaya ako!? Ikaw itong malaki ang katawan sa ating dalawa ako pinabitbit mo ng mga damit mo! Wala kang awa!"
"That's not mine."
"E kanino to!?"
Tanong ko sa kanya binitawan ko muna ang mga dala ko at Inikot ang mga braso habang siya ay nakangiti oang tumingin sa akin. Masaya pa ang gago! Hayop talaga!!
"Ace?"
Sabay siyang lumingon sa likuran niya at tinignan ko din ang babaeng tumawag sa kanya. Maganda, sexy at isa pa matangkad!! Talo ang height ko, ganon na ba talaga ako kababa? Magtakong nga sa sunod.
"Ace!! Omg! How are you?"
Saad ng babae at pa beso beso pa ang dalawa saka yakapan na halata naman sa babaeng ito ang pagka-enjoy niya. Naiinis ako sa nasisilayan ko ngayon parang mga tanga lang.
"Hey! I'm pretty good after seeing you here."
Sagot niya naman sa babae na napatigil dito, kita ko pa ang pagkunot ng nuo nito bago tumingin sa akin at biglaang tumawa.
"AHAHAHA..Good for you!! By the way what is this?"
Sabay lapit sa pinamili namin, saka tumingin muli sa akin, ano bang problema ng dalawang ito?
"Is this for me?"
Maarteng tanong ng babae kay Ace. Biglang inakbayan ni Ace babae at tumango. Di ko alam pero uminit bigla ang ulo ko dahil doon. Aba dinala niya ako dito para pagdalhin ng mga pinamili niya para sa kanilang dalawa ng babaeng ito!! E di dapat siya ang hinila niya hindi ako na nanahimik lang sa bahay.
"Talagaa? Wow how sweet naman!!"
Di ko na talaga mapigilan kaya nagsalita na ako ayaw ko talaga na iniistorbo ang pananahimik ko sa bahay at dahil dito para gawing alalay ng dalawang ito.
"So ano? Tapos na ba kayo? Dahil ako pagod na sa pagbitbit nito. At ikaw mamang pulis, hinila mo lang ako sa bahay para gawing alalay sa mga gamit niyong dalawa? So ngayon nandito na siya pwede na ba akong umuwi? Kasi umiinit ang ulo ko na ginagawa niyo akong tanga dito! Mga istorbong nilalang! Hmm!"
At tumalikod sa kanilang iniwan ang paper bag, uuwi na talaga ako at ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha ng dalawang iyon. Sumabay oa sa pagkulo ang tiyan ko tiningnan ko ang orasan pasado 10:40 na pala at magtatanghalian na.
"Mitch!! Wait!"
Sigaw ni Ace na mabilis lumakad palapit sa akin, gago iniwan ba naman ang girlfriend niya, bwisit!! Pumara na ako ng taxi mabuti na lang talaga at may pera akong dala kung wala siguro naglakad na ako papauwi. Binuksan ko ang pinto ng taxi nang pigilan niya ang braso ko nng makalapit sa akin.
"Hey!! Mitch stop!"
"Ano ba!! Uuwi na ako, bitawan mo nga ako!"
"No! Look I'm sorry.."
Saad niya at di pinansin ang pagsosorry.
"Sorry? Halos mabalian ako ng buto, sorry? Ginawa mo akong alalay ng mga gamit niyong dalawa, I am a teacher Ace hindi butler n'yong dalawa! Let go! Ano na lang sasabihin ng girlfriend mo na nang hahabol ka ng isang bakla."
Malakas kong tinapik ang kamay niya at nagawang bitawan ang kamay ko, saka pumasok sa taxi at sinarado ng malakas at nilock, pilit niyang buksan iyon at sinabing umalis na kami.
May isang parte ng puso ko na nasaktan sa pagkaakbay niya sa babae kanina at sinabing para sa babae ang pinamili niya, kaya pala may binili siyang maraming sapatos na pwedeng magkasya sa akin at ginawa pang pangsukat ang paa ko at para naman pala sa babaeng yun!! Masakit pala ang mag-expect no?
Naka-uwi na ako sa bahay ng bagsak ang balikat dahil sa pagod at nangangawit ang mga balikat ko. Tinanong pa ni mama na kamusta lakad naming dalawa ni Ace sinagot ko na lang na isang malaking pagkakamali na sumama pa ako. Bwisit lang.
°°End of Flashback°°
"Na scam ka gurl!!"
"Tumahimik ka na Angie."
Nag-act naman si Angie na zinizipper niya ang kanyang bibig. Kapag naalala ko talaga ay gusto ko silang pabanggaing dalawa. Huwag lang magkakamaling magpakita yang lalaki na yan sa akin dahil makakatikim siya ng sipa kapag ginawa niya.
"Pero teka nga? Paano nalaman ni General ang bahay n'yo?"
"Iwan.. lumutang lang yun sa bahay na parang kabuti."
Sagot ko, at lumapit pa lalo sa akin.
"So... nagseselos ka?"
"No!! Am not!!". Mabilis kong sagot sakanya. Baliw ba to?
"Oh e... bakit ka galit?"
"Di ako galit! Kasi naman - teka kakasabi ko lang ah? Paulit-ulit tayo dito ha?"
Humawak pa siya sa kanyang baba na akal mo ay inimbistigahan sa bawat salita ang akto ko.
"Halata sis. Nagseselos ka."
"H-hindi ah!!". Nauutal kong sagot sa kanya, at medyo lumayo dahil parang di ko kaya ang pagtitig ni Angie. Malakas pang-amoy nitong babaeng ito.
"Okay sabi mo e."
Ano ba dapat? Nagseselos ba ako? Eh... galit ako dahil sa ginawa niya akong taga bitbit, yun lang wala na! Pero yun lang ba talaga? Hyst!! Ano ba yan!! Tumayo na ako dahil otas na para sa klase ko sa mga estudyante ko nagpaalm ako kay Angie na inaasar akong nagseselos daw, sinamaan konlang siya ng tingin bago lumabas at pumunta sa classroom.
Sa pinto palang ako ay lumapit ang isang estudyante sa akin na may dalang rosas at ibinigay sa akin.
"Sir, para po daw sayo."
Tinanggap koniyon at nagpasalamat at bumalik siya sa kinauupuan niya. Pumasok ako at nilagay ang isang rosas sa gilid ng lamesa saka umupo magsasalita na sana ako nang di ko inasahan na lahat ng estudyante ko ay nakatayo habang may isa isang rosas na hawak.
Nagtataka ako sa kanila na may malaking ngiti pa sa kanilang mga bibig iwan ko di ko naman birthday o walang okasyon para gawin nila ito.
"Class anong meron? Why each of you are holding a stem of roses?"
Tanong ko walang sumagot, at isa isang lumapit sa lamesa para ibigay ang rosas at sabay sabing 'sorry' di ko man alam kung anong ginawa nilang kasalanan kung bakit sila nag effort para mapatawad ko sila ay nakangiti lang akong tinanggap iyon. Para tuloy akong isang magandang dilag sa kanilang ginagawa.
Nakangiti akong hawak ang mga rosas at inamoy iyon habang nakatayo na ako, napapikit ako sa mabangong amoy ng bulaklak gusto ko tuloy kainin dahil aa bango nito.
Inilagay ko ang mga bulaklak sa gilid ng lamesa at papasalamatan sana ang mga estudyante ko sa bulaklak na di ko naman alam na may okasyon na ganito pero nakita kong isang lalaki na nakatayo sa dulo ng classroom.
He's wearing a smile on his face habang hawak ang isang bouquet of flowers, nakasuot pa siya ng police uniform niya pero sa ngayon parang umiba yata ang kanyang pustura sa aking paningin, mas lalo siyang naging gwapo ngayon kahit na nakita ko na siyang nakasuot ng uniporme na iyon.
He's slowly walked towards me na nagpakaba sa akin sa kadahilanang di na ako makagalaw ialang beses na rin ako napalunok ng laway dahil doon. Di ko alam kung bakit nandito siya at kunga nong palabas na naman ang gagawin niya.
Nakalapit na siya sa akin sa table habang ang mga estudyante ko ay himihiyaw na, may jowa na siyang tao bakit parang masaya pa ako sa ginagawa niyang ito? He put the bouquet in my table and isang salitang di ko inaasahang sabihin niya sa isang katulad ko.
"Sorry for what I did yesterday, I'm here to ask you, I know it's too fast but I can't stand how I feel about you anymore... Mitch, can I court you?"
To be continued...