17

2470 Words
Mitch Villamor ‎ ‎ ‎ Sabado... Lumabas ako ng bahay kung saan din si Ace. Nakita ko siyang malalim ang iniisip, I don't know what happened to him.nakaupo lang siya sa ilalim ng puno kung saan malapit lang ang mga hardin na inaalagaan ko. "Ace?" Tawag ko sa kanya, pero nang makalapit ako ay mabilis iyang gumalaw para itago ang hawak niya. Iwan ko kung ano yun. "Baby." Naging masigla naman ito nang makalapit na ako, di ko parin maiwasan na isipin kung ano ang tinatago niya. "May dapat pa akong malaman?" Tanong ko sa kanya pero hinila na niya ako para maupo sa pagitan ng hita niya. At pumulupot na naman ang mga kamay sa akin. "Wala ka namang dapat malaman baby." Saad niya pero pakiramdam ko meron e. Tiningnan ko ito sa mukha at nakangiti na. "Alam kong meron pero di kita pipilitin, just remember I'm here to help." Ngiti kong saad na ikinangiti din niya sa akin. Nagsimula na naman niyang pakpakin ang leeg ko. Mannerism na yata niya ang leeg ko. "Ace, tama na at baka kung ano na naman ang gagawin mo. Baka nakakalimutan mo aalis tayo ngayon diba?" Saad ko iwan kung saan kami pupunta. May sisiguraduhin lang daw siya sa akin, kung tama daw ang hinala niya. "Nahihilo ka pa ba?" Tanong niya sa akin. Three days na akong nahihilo. Umiling na lang ako sa tanong niya. "Wala ka bang trabaho? Diba kapag sabado meron parin?" "Wala. Sasamahan kita ngayon, nag aalala na ako sa gabi gabi mong pambubugbog mo sa akin. Alam mo bang di na ako nakaka-score sayo dahil sa pabago-bagong panahon ng utak mo?" Hinampas ko na ang balikat niya dahil sa sinabi nito. "Pinapaalis ka dahil masakit sa ilong yung pabango mo." Inamoy naman niya ang sarili niya sa sinabi ko. "Di naman baby ah. Gusto mo bili ako ng bago? Ikaw ang pipili kung saan ang mabango." "Wag na gagastos ka na naman." He hold my hand habang naglalakad kaminpabalik sa bahay. Pinaglaro- laruan niya iyon na para bang ayaw niya na talagang bitawan ang kamay ko at inilagay sa bulsa ng salawal niya. "Ace, anong binabalak mo? Sige kapag di ka tumigil tutuluyan ko na talaga yang kaligayahan mo." "Wala... Kung gagawin mo yun wala ka nang malalaruan kung sakali." Siniko ko na tagiliran niya gamit ang kamay ko na hawak niya. "Dami mong alam, bilisan mo na nga at may bibilhin din ako." Sabi ko at masayang naglakad papasok. Sa kwarto ko ay habang nagpapalit, dalawang beses na tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito. Same number nung una, di ko alam kung matatakot ba ako o magiging kampante dahil araw araw na lang ako nakakatanggap ng threatening message at pareho lang ang message na ipinapadala niya. ‎ ‎ ‎ From:Unknown Live like a Queen as long as you can, dahil babawiin ko ang dapat ay akin lang!! ‎ ‎ ‎ Di ko na lang sinasagot baka may ibang tao ang gustong padalhan niya at nagkamali lang siya ng pagpadala. Na delete ko na rin ang mga ito kasi di ko alam kung paano ang gagawin sa ganitong bagay. Di naman ako pulis o investigator para alamin ito. Then kay Ace naman, alam kong may problema ito kaya ayaw konh makidagdag sa mga problema na iniisip niya. Kung kaya kong iwan ay gagawin ko, kung kaya kong baliwalain, babaliwalain ko na lang. Ayaw kong magiging pabigat lalo na kay Ace. "Babe? Are you done? O hinihintay mo akong papasukan kita." Di ko alam kung ano ibig niyang sabihin kasi dalawa ang pumapasok sa isip ko e. Dahil sa kagaguhan ng lalaking ito ang inosenteng utak ko ay nawala na. "Lalabas na!!" Sigaw ko at nagmadaling nagbihis saka lumabas na sa kwarto, nakita ko si Ace. Nakatayo lang sa labas ng kwarto at may ngiti nang makalabas ako. Iba ang ngiti na yun. Pinuntahan ko sya at niyakap dahil sa taas niya ay sa matigas na tiyan niya lang ako nakayakap. "Bakit baby?" Gusto kong maiyak iwan kung bakit dahil siguro sa may tinatago siyang gusto kong malaman o di kaya gusto ko siyang makita araw araw at saka minsan ay hinahanap ko siya kung sa trabaho siya at tinitiis ko na lang dahil sa ayaw kong istorbohin siya sa mga gawain niya. Si Lilia na lang ang nakakasama ko at umaalalay minsan nga may sinasabi pa siya sa akin na alam niyang imposible daw, ako nan ay naisipan ko na baka nga meron na dahil sa mga pagbabago sa akin. Posibleng mangyari yun dahil matagal ko nanag alam ang kundisyon ko at alam kong alam ni Ace. Pero di niya mapapansin dahil di naman siya nakakaramdam nun di naman siya ang nagdadala. Tuhog lang ng tuhog di naman nakaramdam. "Wala, nagugutom na ako." He just smiled, and hinawakan ang mukha ko at humalik pa. "Then let's go,. May dadaanan pa tayo." Saad niya sa akin. Lumabas na kami ng bahay saka sumakay ng kotse as always pinagbuksan na naman niya ako at siya na nag ayos ng seatbelt, bago umikot at pumasok sa driver seat at pinatakbo na ang sasakyan. Sinabi pa niya sa akin na may dadaanan muna kami bago ako bibili ng nga bibilhin ko. Tumango na lang ako dahil wala na akong magawa siya nag da-drive e. Huminto kamo sa tapat ng ospital, tinignan ko siya kung anong ginagawa namin dito. "Checking you up. Madalas ka nang nahihilo at sumusuka, kala mo lang di ko nakikita, remember I have a lot of eyes in our house." Sabay wagayway sa harap ko ang cellphone niya, tinignan ko ito at alam kong bawat sulok ng bahay ang nakikita ko. "Kailan ka nagpakabit ng cctv?" "Matagal na yan Baby, at dahil sa bahay ka, pinagana ko na para kahit malayo ako ay mamonitor kita." Sagot niya sa akin. Kaya pala umuuwi ito ng maaga at minsan ay di na pumapasok dahil sa alam na niya ang nararanasan ko sa bahay. "E paano kung -" "No more words babe. Jan ka lang, wag ka munang lumabas." At mabilis na bumaba saka umikot ulit papunta sa akin. Kailngan ba atalaga na pagbuksan ako? Kaya ko naman. "Just be careful." Wala na para na akong may sakit sa ginagawa niya. Para ma akong lumpo na aalayan pa niya. "Ace! Hindi ako pilay, wala akong sakit para alalayan mo." "Wala nga pero dala mo ang anak natin." "Di ka pa nga nakakasiguro kung meron nga. Ang bilis mo, check up muna kasi bago maging OA, Ace." Ginulo naman niya ang buhok ko at mas nainis pa ako dahil sa ginawa niya. "Kaya ako nagkakaganito dahil sa mga mapanahong ugali mo, halika at excited na ako kung ilan ang nasa loob niyan." Aba ang gago ano akala nito sa akin aso? Manganganak ng marami? "Umayos ka Ace, baka nakakalimutan mo tao parin ako hindi aso." Tumawa pa ito sa sinabi at sisipain ko pa sana kaso dumating si Nathan. "Kuya? Anong ginagawa mo dito?" "Checking my partner's condition, and I want you to do it?" Lumabas ito na may hawak na phone may katawagan yata kaya ganon. "E may ibang doktor don." Angal ni Nathan, oo nga naman bakit siya pa? Mah kausap ang tao e. "You will do it or not? Ayaw kong iba humawak sa kanya." Saad ni Ace. Napaka arte naman. Wala na nagawa si Nathan kunfi ang sumunod na lang sa walanghiya niyang kapatid. Napilitan pa itong ibaba ang tawag. "Alam mo ang sama mo sa kapatid mo. Napaka arte mo talaga. May kausap ang tao nang-iistorbo ka." "Para naman sayo e.. at ayaw kong iba ang humawak sa maganda mo tiyan." Sagot niya sa akin. Hindi ko na pinansin pa at lumakad na alang papasok sa ospital at sinundan si Nathan. Nakarating kami sa isang kwarto ng ultrasound. Pinahiga ako doon sa kama at nilagyan na ni Ace ang tiyan ko ng malamig na jelly, kinulit pa si Nathan at ayaw naman pala ako ipahawak. Diniin na ni Nathan at nag salita pa ito. "Here. Baka gusto mo ikaw din ang maghanap sa anak mo." Sabay abot kay Ace ng transducer. Sinamaan siya ng tingin ni Ace. "Go on. Gawin mo na gusto mo pero binabalaan kita Nathan -" "Tumigil ka nga! Napakapraning mo talaga, hayaan mo na kapatid mo o umalis na lang kaya tayo." Tumahimik na ito dahil sa sinabi pero di parin nakaligtas sa mata ko ang panlalaki ng mata niya kay Nathan na walang ibang ginawa kundi ang kibit balikat na lang sa pagiging isip bata ng kuya niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumahimik na ito at nang makita ang ultrasound. "Ilan? Basketball team ba?" Binatukan ko na dahil sa kagaguhan niya. Humawak na lang ta ulo niya nang matamaan ko yun. "Ace!! Ano satingin mo sa akin baboy? Manganganak ng marami, paulit-ulit na lang?" "Sorry na baby, naninigurado lang." Nakita kong may ginagawa si Nathan, kinukuhanan ng larawan ang ultrasound. "2 weeks and five days old na ang bata sa loob mo. Malakas nan ang kapit niya, pero sana mag-ingat ka palagi para di madamay amg bata kung sakali na babagsak ka, may chance na hihinanang kapit nito." Saad ni Nathan. "Kambal ba? O apat?" Pangungulit ni Ace. "Sorry bro, mukhang kailangan mo pa yata ng maiging pagiinsayo para makabuo ka ng apat, isa lang nakita ko." Nakita ko si Ace na parang natigilan at nang makabawi at malakas na tinulak ang kapatid dahil sa sinabi sa kanya nito, di ko mapigilang mapataw dahil sa inaasar itong mahina daw ang performance ni Ace. Mga baliw. "Baby... Bakit? Ginawa ko naman ang lahat ah? Gusto mo ulitin natin?" "Wag ka na mag drama, di ka pa ba masaya may isa kang nabuo? Malay mo napagod lang ang iba kaya isa na lang ang nagtangkang magpatuloy at anong uulitin? Nag-iisip ka ba? Paano mo uulitin yun ha?" Saad ko pa. Pero di nan nag laon ay masaya siyang nilagay ang ulo niya sa puson ko at hinawakan ang buhok nito. "Kahit ganon ay masaya parin ako. Baby... Be healthy, dada is here for you." Kausap niya sa tiyan ko. Hinalik-halikan pa niya ito na nagpapakiliti sa akin. "Ace..haha ano ba nakikiliti ako." "Gusto mo dagdagan pa natin baby? Para naman makuha ko na ang gusto kong dapat ay apat." "Ace, mahaba pa ang panshon, magagawa mo din yan, isa isa na lang muna." "Okay, sabi mo yan ah." At nakangiti ng nakakaluko, pumasok ulit si Nathan at dala jito ang reseta ng magiging vitamins ko daw at papel kung saan ang ultrasound kanina bago kami lumabas. "May pupuntahan ka pa?" Tanong ni Ace sa akin at naisipan ko si mama. "Mamaya na lang ang groceries, ounta muna tayo kay mama, matagal ko na siyang di nakakausap and she'll be happy to know na magkakaroon na siya ng apo." Masayang saad ko. Kaya tumango na lang si Ace, at pinagpatuloy ang pag punta sa bahay. Mga ilang ilang oras pa bago ko nakita ang gate ng bahay namin at may naka-park na kulay puting sasakyan sa harap nito. "May bisita ba si mama?" "Don't know, alam mo naman na lumalago na ang Supermarket ng mama mo. Baka may business partners na s'ya." Oo nga pala nakalimutan ko, matagal na rin pala na binugaw ako ng baliw kong nanay. Kaya bumaba na ako at naging mabilis ang galaw ni Ace para lumabas at puntahan ako. "Baby naman, magsabi ka nga na lalabas ka." "Oo na.. di naman ako mapapahamak e." "Oo di nga, pero narinig mo naman ang sinabi ni Nathan diba? Kaya hayaan mo na ako, ayaw kong mapahamak ang mag-ina ko." Di ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil pinagtitinginan na kami dito ng mga kapit bahay naming chismosa. Lumakad na kami papasok ng gate hangang sa harap ng bahay namin. "Ma?" Tawag ko at agad akong nakarinig ng isang iyak, at alam kong si mama yun kaya dali-dali akong pumasok ng bahay sumunod na lang si Ace at nakita ko si mama na umiiyak sa nakaupo sa sopa kaharap ang dalawang tao. At sa tingin ko ay mag-asawa ito sabay pa itong napatayo nang makita ako. "Dad! Mom! I'm right he's my -" Napatingin ako sa lalaking bumaba mula sa ikalawang palapag, at kilala ko ang lalaking ito, kilalang kilala. Lalo na ang paghakbang ni Ace na pupuntahan sana ang lalaki pero pinigilan ko na agad. "What are you doing here, Jaycob?!" Ma-awtoridad na saad ni Ace. Yes it was Jaycob, anong ginagawa nila dito? Paano nila nalaman ang address ng bahay namin at ilang beses na sila pabalik-balik sa bahay na to? "Ma?" Nilapitan ko si mama na umiiyak. "Anong ginawa n'yo sa mama ko?!" Galit kong saad sa kanila isa-isa ko silang tinignan, I saw on their eyes na parang masaya sila sa nakikita nila. "Mitch, listen first." Saad ni Jacod. Si mama naman ay hinawakan ang pulsuhan ko. "Anak, wag mo silang sigawan." Saad niya sa akin at inasikaso ko kuna, agad na dapat ay lalapit sa akin si Jacob nang humarang si Ace sa kanya. "Don't you dare to come near on my wife." Saad ni Ace, na kita ko naman sa mag-asawa na nagulat sa sinabi ni Ace. Napahawak ang babae sa kanyang asawang lalaki at pinaupo na lang muna. Ano bang nangyayari? "Di kayo kasal, Mr. Grayson. Kaya wala kang karapatan na harangin ang daan ko." Galit na saad ni Jacob. Si mama naman aligaga na. "Sandali! pag usapan muna natin ito. Mrs. Villamor, nakikiusap ako sabihin mo na ang lahat." Pagpipigil ng babae sa dalawang lalaki na nagsasagutan, hinila ko si Ace at sinabing maupo na lang at makinig, at tumalima naman ito at umupo sa sopa. Sa gitna ako na inaalalayan ang mama na indi alam ang sasabihin. "Ma anong dapat kong malaman?" Pilit kong tanong. Tumingin muna ito sa akin bago sa tatlong tao nakaupo sa supa, kita ko pa si Jacob na nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Ace at ganon din si Ace. Bago ko binalik ang tingin kay mama na nakayuko na. "Sabihin mo na ang katotohanan, Helen! Nagmamakawa ako.." Umiiyak na pagmamakaawa ng babae kay mama. Masama ang pakiramdam ko dito, parang may isang bagay na tinatago si mama sa akin. "Mitch, anak. Sana pagkatapos nito ay mangako ka na huwag mo akong pagkamuhian... Anak." Naiiyak na sabi niya. Ako naman ay parang naiiyak na rin at nahahawa na but Ace is in my back trying to say na nandiyan lang siya sa likod na umaalalay. "Pa-pangako ma.." Utal kong sagot at tumingin muna siya sa mag-asawa bago sa akin at ang katagang binitawan niya na nagpatigil sa pag iisip ko at parang nagpahinto ng oras ko. "Sila ang totoo mong pamilya, anak." ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ ‎ To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD