7

2025 Words
Mitch Villamor ‎ ‎ ‎ "Sandali nga! bakit ka nanghihila? Pinapatawag pa ako ng principal!" Nakita ko na lang siya na nakatayo sa labas ng principal's office, pinapunta ako ni madam dahil may sasabihin daw siya sa akin, pero ito hinihila pa ako pababa ng school kung saan sa office ni madam kami nanggaling. "Ace!!" "Wala kang trabaho ngayon, You're on your leave." Ha? leave? e wala akong natanggap na note na pinaleave ako ng principal. Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya na masakit na sa kakahila ng gongong na 'to. he looked at me like asking me question. "Leave? wala ni note wala akong natanggap sa principal?" "Here." Inabot niya sa akin ang isang nakatuping papel, binuksan ko at binasa. agad nanlaki ang mata ko nakita ang araw ng leave. "Two months!! is she out of her mind? Hindi, No. Hindi ako magle-leave ng dalawang buwan. Sayang ang skweldo ko." Agad akong napatingin sa kanya na pinagtataka kung bakit siya nandito. Nakakahalata ako sa lalaking ito ah, bawat punta niya dito palagi na lang nasisira ang araw ko, dami pang palabas na ginagawa. "Anong ginagawa mo dito? ano sa tingin mo sa school na to? police station? para araw-araw nandidito ka?" "Masama bang dalawin ang baby ko?" "Baby? Sa pagkakaalam ko wala akong tatay. Tatay ba kita?" "Father of our future children." Napatigil ako sa sinabi niya. Does he know? Pero di naman siguro sasabihin ni mama ang kalagayan ko? Diba? "Baliw." Naglakad na kang ako total siya na nkumuha ng letter. Di ko na pinansin king anong ginagawa niya dito, halata naman na may kalandian ang pulis na'to. Asa ka naman na wala, may paligaw ligaw pang nalalaman, pero wala man lang nagawa, halatang di marunong manligaw. "Saan ka pupunta?" "Uuwi.. ano naman gagawin ko dito? Two months? Walang trabaho di ko yata kayang magmukmok sa bahay lang." "Then go to my house, I'll give you a job. Para naman may tao sa bahay ko." Aba ginawa pa akong katulong. I crossed my arms at humarap sa kanya. Lakas talaga ng tama nito, ano bang meron at palagi na lang kami nagkikita? Ayaw ko na nakikita pa siya dahil nadadala na ako e sa ginagawa niya. "If I won't?" "Well..." He come closer me, di ako nagpatinag sa pagtitig niya at may pang-akit na tingin na may pagakagat pa sa labi. Medyo na babahala ako pero sige lang makipagtigasan tayo. Lalaki lang siya, Mitch walang mapapala yan. "If you won't, pasensya na tayo dahil di ka na makatanggi pa, your mother allow me to bring you home, malaki na ang tiwala ni tita sa akin." "Bakit ako? Ayaw kong pumunta doon, lalo na sa Village ng mga Grayson. Alam mo bang isang galaw mo lang issue na agad?" Marahan lang siya tumawa sa sinabi ko. Paano ko ba layuan ang asong ito, balik ng balik wala naman binabalikan. "Di ako sasama sayo." "What? So kanino ka sasama? Kay Leo? Where the hell that guy, ipakulong ko siya!" Leo? Paano naman nadamay dito si Leo? Abnoy ng lalaking ito, si mama dinamay na pati ba naman si Leo. "Hoy!! Subukan mo lang, bakit ang init ng ulo mo kay Leo?" Para na kaming sira dito sa daan, nagsisigawan na napapatingin naman ang mga tao sa amin, para kaming mag-asawa na may malaking problema. "He's stealing you from me; tell me where the house of that guy is. Uupakan ko s'ya." Di ko alam pero natutuwa ako kapag nakikita siyang nagkakaganon. Pulang pula na ang tenga sa inis. Hindinko pigilang mapangiti na ikna tigil niya at napatingin sa akin, yes I'm widely smiling at him. "A-anong nakakatawa?" "Bakit ka kasi galit kay Leo? Wala namang ginagawa ang tao sayo." Tumikhim pa siya at napahawak sa bewang habang kinakagat ang mga labing nakatingin sa akin. His handsome the way he bite his lips. Lalo na at kapag naiinis siya ay di ko mapigilan na sabihing cute siya. Ee? My God!! Mitch!! Utak mo! "You called me Leo for the first time I contacted you. Masakit yun, you know that? It would have been okay for you to call me a scammer but I will not accept the Leo you mentioned." Paliwanag niya sa akin, naalala ko na. Ganon? Big deal na pala ang pagtawag kong Leo sa kanya? Napaka isip bata naman ng lalaking ito. "Ang OA mo, alam mo yun?" Ngumuso pa s'ya sa harap ko dahilan para mapatili ang mga tao sa paligid namin. Agad ko namang tinakpan ang bibig niyang nakanguso, nanindig ang balahibo nang dilaan nila ang palad ng kamay ko na nakatakip sa bibig niya. Na agad kong inalis dahil napapikit pa siyang nalalaman. "Aaah!! Bastos!" Nakangisi pa itong inakbayan ako at hinila ang bagpack na suot ko para bitbitin niya iyon. "Sarap ng kamay mo, baby." With matching pervert look na iginawad sa akin. Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko sa sinabi niya. Sana may germs ang kamay ko para magkasakit ang gunggong na ito. ‎ ‎ ‎ "Oh ayan pa, magbalot-balot ka na dahil kukunin ka na ng magiging asawa mo." "Ma!! Ibalik mo yan! Sira ka ba walang kami ni Ace! Ma naman e!" Pagkadating ko sa bahay lahat na ng gamit ko nakatupi na at nakapasok sa travel bag ko. Pati na rin may maliit na bag kung saan nakalagay ang underwear ko. "Nanliligaw ang tao, anak at gusto ka nang ibahay kahit nanliligaw palang. San ka pa? Bigas na ang lumalapit sa manok, oh! Aarte ka pa?" "Di ka ba nag-iisip ma? Nakalimutan mo na bang ikaw pa nagsabi sa akin na umiwas sa mga lalaki?" Wala pa naman akong tiwala sa Ace na iyon. Mukha pa lang niya parang may balak nang di maganda. Baka maaga pa ako magkakaroon ng malaking pakwan na nalunok. Char lang. "Kalimutan mo na yun anak. Alam ko namang mabait si Ace kaya, kampante ako na di ka niya pababayaan." "Anong binayad sayo?" Napatigil siya at isang nakakalukong ngiti ang ibinigay sa akin. Harooo! juskoo!! Pinagkanulo ako ng sarili kong inaa!! "Supermarket lang naman anak. Bilisan mo na d'yan naghihintay ang Manugang ko sa labas." Bagsak ang balikat ko sa kanyang sinabi. Nakakatuwa naman pinagtulungan ako ng dalawa. Wala na talaga akong kakampi dito? "Ma anak mo ba talaga ako? Dapat sa akin ka kumakampi." "Bilisan mo na, dami mo pang drama. Matanda ka na dapat bigyan mo na ako ng apo. Ano mamatay na lang ako ni apo wala? Masaya nga ako at kaya mong magdalaya ng bata d'yan sa tiyan mo, mapapakinabangan pa ang lahi nating maganda." Mahabang paliwanag ng magaling kong nanay. Lord! Bakit ito ang binigay mong nanay sa akin? Charot lang. Tinulak na niya ako palabas ng kwarto at hila hila ang travel bag. Nakita kong nakaupo doon si Ace sa sopa na naghihintay, may patingin-tingin pa sa orasan niya at agad na lumingon sa aming pwesto. "Ayan Ijo. Ingatan mo ang dalaga ko ha, at ikaw Mitch sunggaban mo na para naman may makabuo na kayo. At isa pa pupunta dito ang pinsan mo para dito na rin mag-aaral kaya wag kang mag-aalala sa magiging kasama ko. Enjoy lang kayo at sana maka tatlo na kaagad kayo!!" Masaya pa siya sa sinabi niya habang ako ay nahihiyang tignan si Ace dahil sa malalaswang habilin ng nanay ko. Gosh!! This is embarrassing!! Aga naman niyang dinala ang mga gamit ko at hinila ako. Ganon lang yun? Wala na? Hanggang supermarket lang ba talaga ang halaga ko? Nakakasama ng loob mama!! Sa taglay kong alindog supermarket ang kapalit? Hyst!! "Stop thinking deeply, It makes me worried." "Paano mo nauto ang nanay ko?" Magaling mang-uto ng tao ang animal na ito. Wal talagang di kayang gawin. So ano na? Magiging katulong na ako sa bahay niya ng dalwang buwan? Mula sa pagiging guro nabagsak sa katulong? Sayang naman yata degree ko, biro lang, di ko minamaliit ang mga katulong, trabaho din yan malaking kita din ang paglilinis. "Di ko siya inuto, I bought her a supermarket because I knew she didn't have a job and she only expected you. She also told me that she did not want to be a burden to you. Dahil sa likas akong mabait binigyan ko siya ng supermarket." Mahabang paliwanag niya sa akin, walang sinabi si mama sa aking ng ganong bagay. Bakit di na niya sinabi? Wala namang mali kung aamin siya sa akin, it's my obligation to take good care of her, she's my mother after all. Pina-aral niya ako ng college, ginapang niya iyo ng mag-isa. Dahil nanatili lang si papa noon sa higaan habng nag-aaral ako kaya doble kayod si mama nun. "Don't worry, ayaw lang niya na mag-aala ka sa kanya. And she's thinking about your future when she already passed away." "So, niligawan mo ako dahil sa sinabi niya sayo? Tell me, sigurado ka ba sa nararamdaman mo Ace? Dahil ayaw kong magsisisi ka sa huli o ako man kung sakaling umiba ang ihip ng hangin." Agad siyang napatahimik sa sinabi ko. Pero nabawi ang katahimikan na iyon nang sumagot agad siya sa tanong ko sa kanya. "Oo, and I will prove it. Don't hold on just fall for me." Iba ang dating mga mga salitang iyon sa akin. Parang may kung anong pakiramdam na nagsasabing 'manatili ka lang nakakapit dahil di mo alam ang iniisip ng taong magsasalo sayo'. May tiyansang bumitaw ka nga at handa kang mahulog sa kanya. Pikit matang nagpahulog sa hangin dahil malaki ang tiwala mo sa taong sasalo sayo pero mararamdaman mo na lang ang sakit ng pagkakabagsak mo nang umalis ang sasalo sayo at iba na ang buhat buhat nito. Ayaw ko ng ganong pakiramdam. Ang maiwan sa ere at pababayaan na lang.ganon ang laki ng takot ko amg magmahal pero ang takot na iyo ay unti-unting nawawala kapag sa tabi ko si Ace. Komportable na ako kapag sa tabi siya, oo minsan naiinis ako dahil sa mga pang-aasar niya. But there's a feeling na ayaw kong malaman niya. Di na ako nagsalita pa tumahimik na lang ako sa buong byahe namin. Pumasok ito sa isang subdivision kungsaan ang tinatawag niyang RGG village. Maganda ang paligid, puno ng mga hardin na halata mong inalagaan pa ng mga tao dito. I heard about this Village na pagmamay-ari ng Grayson ma sila lang ang pwedeng pumasok. Marami na ring nagtangkang pasukin ito pero dahil sa mahigpit ang seguridad at ang nagtataasang gate, wala silang mapapasukan. Dumaan pa kami sa iilang bahay hanggang sa lumiko kami at humnto sa isang malaking gusali ng bahay katabi pa jito ang kasinglaki din ng bahay niya. Bali nasa pinakadulo nakatayo ang bahay ni Ace. Ang katabi ntio ay ang bahay daw ng kapatid niyang Doctor sunod naman ay ang bahay ni Dylan ang pinakabatang Billionaire in whole world. At kasunod ang pinakauna ay kay Greg ang Governor ng katabing bayan nito. "Come here, let's get inside." Siya na ang nagbuhat ng mga dala ko, nakasunod ako sa likod niya, at isa paring malaking katanungan ang pumasok sa isip ko na siya lang ang makakasagot ng maayos. Bakit ako? There's a lot of woman out there, na siya lang ang pantasya at hangad na makama pero bakit ako? Ano ba talaga ang dahilan mo Ace at pinagpipilitan mo ako sa buhay mo? Kung mag papatuloy pa ang ganito ay baka di ko na kayanan at mahulog ang loob ko sa kanya. Dahil ngayon palang ay unti-unting ko nang nararamdaman. The way he care for me and effort to give me a flower, oo palagi ko siyang sinisigawan at di pinapansin dahil sa isa akong marupok na nilalang. Madaling bumigay, iyon ang pinaka iinisan ko sa lahat. Maraming beses na rin akong pina-asa at maraming beses na rin ako niluko that's why it's hard for me to give trust, marupok pero mahirap magtiwala. Ang gulo diba? Kasing gulo ng nararamdaman ko. Habang tinitingnan ko siya sa likod na binubuksan ang pintuan ng kanyang bahay, nahihirapan pa siya dahil sa dami ng susing hawak niya. At isang salita ang bigla ko na lang binitawan. "Sana ikaw na nga." ‎ ‎ ‎ To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD