Law with no justice

3573 Words
Habang may hinahanap si Raphael sa kanyang mga lumang gamit, biglang nalaglag ang isang file. " Madrigal - Dizon Case" RAPHAEL'S POV Naka upo sa harap ni Raphael ang isang babae na nasa edad disiotso. Maamo at maganda ang mukha ng babaeng kaharap nya. Maganda din ang katawan nito. Nakayuko at hindi nagsasalita ang babae. Hawak ni Raphael ang file na naglalaman ng detalye ng pamilya ng biktima na inabot sa kanya kanina ng secretary ng kanyang ama. Lyna Marie Castro Dizon. 1st Year College In Assumption University taking BSBA Marketing Management Nag iisang anak nina Leonardo Dizon At Leonila Dizon. Si Atty Raphael Marcus Andrade baguhan na abogado. Kliyente nya ang noo'y nililigawan na si Elise Madrigal. Reckless imprudence resulting to homecide. Dead on the spot ang mag asawang sakay ng nabanggang sasakyan ni Elise. Habang ito ay nagpapagaling sa ospital sa mga tinamong bali sa katawan at mga sugat. " Ms. Dizon Wala ka bang mga kamag na buhay pa? Tanong ni Raphael sa babaeng kaharap nya . Iling lamang ang sagot nito. " Wala ka bang dila para hindi ka makapagsalita?" Sarkastikong wika nya sa babae. Saglit lang na tumingin sa kanyang mga mata ang babae at yumuko ulit ito. Tagos sa puso ni Raphael ang pagtitig ng babae sa kanya. Parang gusto nyang yakapin ang babaeng kaharap upang aluin at mabawasan ang sakit na kanyang nararamdaman sa mga oras na ito. Tumayo na si Raphael. Napipikon sya sa babaeng ito na hindi kumikibo. " Pag isipan mo muna Ms. Dizon ang inaalok ng kliyente ko sayo. 5 million. malaking tulong sayo at sa pag aaral mo ang halaga na binibigay ng kliyente ko para wag ka ng magsampa ng kaso. Kung Ipagpapatuloy mo ang kaso, malaki ang posibilidad na matalo ka din kung wala kang magaling na abogado. Mag usap nalang ulit tayo kapag may desisyon kana." Tsaka ito dire-derechong lumabas. Naiwan sa loob na nakaupo ang babae. Hindi nya alam kung papaanong desisyon .. Nakahiga na si Raphael ngunit hindi pa din maalis sa kanyang balintataw ang mukha ng dalaga na nakaharap nya kanina. Ang anak ng mga naaksidente ni Elise. Napakaamo ng mukha nito. Mas maganda sya siguro kung nakangiti. Parang ang lambot lambot ng hugis pusong labi nito. Napaka inosente. " F**k Raphael.... Kailangan mong maipanalo ang kaso na ito. Nakasasalay dito kung sasagutin ka ni Elise o hindi." Isang linggo na ang nakakaraan ng huling pagkikita ni Raphael at ng anak na babae ng na aksidente ni Elise. Kung hindi nya makukumbinse ang babae itataas na sa korte ang kaso. Maaaring makulong si Elise ng habang buhay.. at hindi nya hahayaan na mangyari ito sa babaeng pinaka mamahal nya. Ang pangako ng ama ni Elise, kung maipanalo ni Raphael ang kaso ipapakasal sya nito kay Elise pag ka graduate nito sa kursong medisina. " Ipapanalo ko ito. ok lang maghintay ng 3 pang taon bago kami makasal ni Elise ang mahalaga sa akin na sya" Sa isip ni Raphael. Halos 2 taon na din nyang nililigawan si Elise pero hanggang ngayon ay hindi pa sya nito sinasagot. Humugot ng malalim na hininga si Raphael bago pumasok sa ailid kung saan naghihintay ang anak ng biktima. Muli, nakayuko lang ang babae. " Ms. Dizon" Tawag nya dito at dahan dahan namang nagtaas ng mukha. Muling nagtama ang kanilang paningin. Parang kinokuryente si Raphael. Ibinaling ni Raphael ang kanyang tingin sa file na hawak nya at muling nagsalita. " Kung sakaling matalo kayo sa kaso, sigurado wala kang makukuha kahit isang kusing sa aking kliyente. Sa palagay mo kung hindi ka makakatapos ng pag aaral ay matutuwa ang mga magulang mo? Syempre hindi. Sino ba namang magulang ang sasaya kung makikita nila na nahihirapan ang kanilang anak. Gusto ko lamang ipaunawa sayo na ang perang matatanggap mo kapalit ng pag urong mo sa kaso ay malaking tulong hanggang makatapos ka ng pag aaral. Hindi mo din po problemahin ang buwanang pagbabayad ng renta ng bahay dahil mababayaran mo ang buong taon na pagtira mo sa apartment gamit ang pera na ibibigay ng kliyente ko sayo hanggang makatapos ka ng pag aaral. Ngayon ikaw lang ang maka kapag desisyon kung itutuloy mo ang kaso o hindi." Mahabangb paliwanag at pangungumbinse ni Raphael sa kaharap na babae. Nakayuko pa din ang babae. Maya maya ay nag angat ito ng ulo at nagsalita. " Saan ko po ba pipirmahan Atty " Tila musika sa pandinig ni Raphael ang tinig ng babaeng kaharap nya. Napaka lumanay at napaka lambing. Halos magliwanag ang mukha ni Raphael ng marinig ang mga sinambit na kataga ng babae. "Ipalaalala ko lang sayo Ms. Dizon, kusang loob ang iyong desisyon at walang pumilit sa iyo na gawin ito. At isa pa nasa hustong gulang ka na" Muling paliwanag ni Raphael Tumango lang ang babae. Masayang itinuro ni Raphael ang linya kung saan kailangan pumirma ang babae. " Susunduin kita bukas upang maka pag open tayo ng bank account mo para maipasok ang 5 milyon na bayad ng aking kliyente" Masayang bigkas ni Raphael tsaka muling nag paalam sa babae. Kinabukasan, maagang bumyahe si Raphael papuntang Pampanga upang tulungan na magbukas ng Bank account ang babae na ka meeting nya kahapon. Agad nyang namataan ang babae na nakatayo sa waiting shed kung saan sila nagkasundo na magkita. Pinagmasdan muna ni Raphael ang babae. Umuulan ng nga araw na iyon. Tahimik lang na nakatulala ang babae at matyagang naghihintay. Naka floral dress ito na hanggang hita at naka white sneakers. May dala din itong maliit na backpack. Marahan itong lumakad at isinahod ang isang kamay sa tubig ulan na umaagos sa bubong ng waiting shed. Mula sa pagmamasid sa malayo pansin ni Raphael ang mapuputi at bilugan na hita nito. " Napaka simple pero hot" isip niya. Unti Unting sumilay ang ngiti sa mukha ng babae na kanina pa pinagmamasdan ni Raphael ng unti- unting tumatalsik dito ang tubig ulan na pinapadaloy sa kanyang kamay. Linapit na ni Raphael ang kotse sa harap ng babae at binaba ang bintana ng passenger seat. Nahinto sa kanyang ginagawa ang babae at muling nagseryoso ang mukha. Sumakay sa kanyang sasakyan ang babae gunit di maiwasan na nabasa pa din ito ng ulan na umaagos sa bubong ng shed. Ang tubig ulan na pumatak sa ulo ng babae ngayon ay nag uumpisang dumaloy sa dibdib nito. Napalunok si Raphael, pilit na pinupunan ang nanuyong lalamunan. Niluwagan pa nya bahagya ang kanyang kurbata. Nilakasan nya rin ang aircon ng sasakyan. Napakainit ng kanyang pakiramdam kahit umuulan. Inabutan nya ng tissue ang babae. " Hmm... mag punas ka nabasa ka yata ng ulan" Pasupladong wika nya sa babae. Hindi sinasadyang maidikit ng babae ang daliri nito sa kanyang daliri ng iaabot ang tissue. Halos may gumapang na kuryente sa buong katawan niya sa pagkakadikit ng kanilang mga daliri. Matapos pumirma ng babae sa bangko, Inabot agad ng teller kay Raphael ang passbook nito na naglalaman ng 5milyon. Ibinigay nya ito sa babaeng kasama nya tsaka nag aya na na lumabas. " Atty. wag nyo na po akong ihatid kaya ko na pong mag isa" Wika nito sa kanya sabay talikod sa kanya at nag umpisa ng lumakad. " Ms. Dizon" Tawag nya sa babae na agad naman huminto. Nilapitan nya ito. " Mag iingat ka at sana ay makatapos ka ng pag aaral mo at magtagumpay ka sana sa buhay mo." Nakangiting wika nya sa babae na hindi man lang nakatingin sa kanya ." Kapag dumating yung panahon na magkita ulit tayo, liligawan kita" Dugtong pa nya. Tumingin lang saglit sa kanya ang babae at tuluyan ng lumakad palayo sa kanya. Patago nyang sinundan ang babae kung saan man ito pupunta. Nakita nyang pumasok ito sa isang Pancake house. " Sigurado nagdidiwang ang puso nito ngayon sa nakuhang 5 milyon mula sa mga Madrigal" bulong ng isip nya. iiling -iling na muli nyang binuhay ang makina ng sasakyan. Ng muli nyang titigan ang babae... Hindi niya alam kung bakit nakadama sya ng awa dito.. Sa bawat subo nya ng pagkain ay ang syang pag patak ng kanyang luha. Tuluyan ng linisan ni Raphael ang lugar. Hindi nya kayang makita na may umiiyak na babae. " Amanos na tayo Ms. Dizon.. Naibigay ko ang pera na makakatulong para sa kinabukasan mo at naibigay mo naman ang kailangan ko... Ang maipanalo ang kaso at magpakasal kay Elise. Dalangin ko na sana magtagumpay ka sa buhay mo. Sana sa susunod na mag krus ang nga landas natin mas maigi na ang buhay mo kesa ngayon.... Parang hindi makahinga si Raphael ng makitang muli ang kaso na hinawakan nya 10years ago.. " God .. dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Elise noon nakuhang kong saktan ang nagluluksang puso ng inosenteng si Lyna" Hinilot hilot pa ni Raphael ang kanyang sintido... Muli nyang pinasadahan na basahin ang file na hawak nya. Birthday; March 15, 1993 "S**t Birthday ni Lyna" Ganito ba talaga magbiro ang tadhana?.. ============================== LYNA'S POV: "Kausap ko ngayon ang abogado ng taong naka aksidente sa mga magulang ko. Dahil sa isang pagkakamali ng lady driver na yun sa isang iglap ulila na ako. Hindi ko kayang tingnan ang taong ito. Dahil pera lang ang sinasamba nila. Balewala sa kanila kung makasakit o makapatay sila. Kaya nilang maglabas ng kahit ilang milyon kung gugustuhin nila." Mga katagang naglalaro sa isip ni Lyna habang kaharap ang isang bagitong abogado. Nabasag ang katahimikan ng bigla syang tanungin nito "Ms. Dizon Wala ka bang mga kamag na buhay pa? " Papaano pa ko magkakaroon ng buhay na kamag anak e pinatay na ng kliyente mo yung mga magulang ko" Ito ang sigaw ng isip ni Lyna sa tanong sa kanya ng abogado. Ngunit ayaw nyang ubusin nag kanyang lakas upang makipagtalo pa sa ganitong klaseng mga tao. Kaya tanging pag iling lamang ang binigay nyang sagot sa abogado. Bahagya pa syang nagulat sa pagsigaw ng abogado sa harap nya. Malamang hindi nito nagustuhan ang kanyang pag sagot "Wala ka bang dila para hindi ka makapagsalita?" Parang gustong sumabog ng puso at luha ni Lyna. " Napaka unfair ng mundo, sino pang biktima siya pa ang dapat sumunod sa gusto ng akusado" Tumingin lamang si Lyna sa mata ng bagitong abogado. Gusto nyang sumagot ngunit walang lumalabas kahit isang salita sa mga labi nya. Nang walang makuhang kahit isang sagot mula sa kanya ang abogado, tumayo na ito.... Ngunit bago tuluyang umalis nag iwan muna ito ng salita sa kanya: "Pag isipan mo muna Ms. Dizon ang inaalok ng kliyente ko sayo. 5 million. malaking tulong sayo at sa pag aaral mo ang halaga na binibigay ng kliyente ko para wag ka ng magsampa ng kaso. Kung Ipagpapatuloy mo ang kaso, malaki ang posibilidad na matalo ka din kung wala kang magaling na abogado. Mag usap nalang ulit tayo kapag may desisyon kana." Animo'y balaraw na tumarak sa puso niya ang mga salitang iniwan ng abogado. " Ang hirap pala maging ulilang mahirap, wala kang magawa. Gusto mo man makamit ang hustisya pero wala kang magawa. Wala kang lakas" Sigaw ng isip ni Lyna habang walang tigil ang pag agos ng kanyang luha. " Mama.... Papa..." Ang tanging nasambit nya habang patuloy ang pagluha. Nakasandal si Lyna sa nakapinid na pinto ng kwarto ni Bea habang pinakikinggan ang pag uusap ng mga magulang nito. Pansamantalang pinatuloy ng mga magulang ni Bea si Lyna sa kanilang tahanan matapos mailibing ang mga magulang niya. " Ben, baka hindi natin kayanin ang pag papaaral kila Bea at Lyna. Hindi naman natin pwedeng pabayaan si Lyna. Ulila na syang lubos" Pahayag ni Tita Carol kay Tito Ben. " Ibenta natin ang bahay at kumuha nalang tayo ng maliit na paupahan. Hihikayatin ko din si Bea at Lyna na mag working student sila para kahit papaano ay makatulong sa kanilang pag aaral" Sagot naman ni Tito Ben "Likas na talaga ang pagiging mabait ng nga magulang ni Bea. Pati ako na hindi naman nila kargo ay kasama pa sa mga plano nila" isip ni Lyna Makaraang marinig ang pag uusap ng mag-asawa nabuo ang isang malaking desisyon ni Lyna. Bago tumungo sa opisina kung saan kikitain muli ni Lyna ang abogado, dumaan muna sya sa puntod ng nga magulang. " Mama.... Papa.... Sorry po. Gabayan nyo po ako sa desisyon ko. Para sa ikagiginhawa po ng ilan at ikaka panatag ng iba. Miss ko na po kayo" Sambit ni Lyna sa harap ng ountod ng nga magulang. Pagkatapos mag muni-munj tumuloy na si Lyna. Halos 30 minutos syang nalate sa usapan. Pag pasok sa opisina matalim na tingin ang sinalubong sa kanya ng abogado habang sya ay tahimik lamang na naupo sa kaharap nitong upuan. Hinihintay nalang niya ang pag papaliwanag nito. Nakabibinging katahimikan..... Pinagmamasdan lang niya ang pagtipa ng mga daliri ng abogado sa ibabaw ng lamesa. Nakayuko sya pero alam nyang nakatitig ito sa kanya. Tumayo ang abogado at naupo sa lamesa malapit sa kanya. Langhap nya ang pabango nito na hindi masakit sa ilong. "Kung sakaling matalo kayo sa kaso, sigurado wala kang makukuha kahit isang kusing sa aking kliyente. Sa palagay mo kung hindi ka makakatapos ng pag aaral ay matutuwa ang mga magulang mo? Syempre hindi. Sino ba namang magulang ang sasaya kung makikita nila na nahihirapan ang kanilang anak. Gusto ko lamang ipaunawa sayo na ang perang matatanggap mo kapalit ng pag urong mo sa kaso ay malaking tulong hanggang makatapos ka ng pag aaral. Hindi mo din po problemahin ang buwanang pagbabayad ng renta ng bahay dahil mababayaran mo ang buong taon na pagtira mo sa apartment gamit ang pera na ibibigay ng kliyente ko sayo hanggang makatapos ka ng pag aaral. Ngayon ikaw lang ang maka kapag desisyon kung itutuloy mo ang kaso o hindi." Paliwanag nito sa kanya habang nilalaro naman ngayon ang hawak na ballpen. Hindi niya alam kung anong tamang salita ang kailangan gamitin upang sumang ayon sa gusto ng abogado at para matapos na din ang usapan. " Saan ko po ba pipirmahan Atty " ang tanging salita na nasambit nya. Biglang bumalik sa kinauupuan nya ang bagitong abogado at nagiba ang tono ng boses nito. Kung kanina ay baritong pautos ngayon naman ay punong puno ng kaligayan. Kulang na nga lang at mag tatalon ito sa kanyang pag payag na iurong ang kaso. Iniabot ng abogado ang ball pen sa kanya at itinuro kung saan sya dapat pumirma. Habang sya ay pumipirma, muli na naman itong nagsalita. "Ipalaalala ko lang sayo Ms. Dizon, kusang loob ang iyong desisyon at walang pumilit sa iyo na gawin ito. At isa pa nasa hustong gulang ka na" Gusto na nyang matapos ang usapan at ng makauwi na din kaya tanging tango na lamang ang kaniyang isinagot. Minsan pa ay nagbigay ng paalala ang abogado bago ito lumabas ng opisina. "Ipasusundo kita bukas upang maka pag open tayo ng bank account mo para maipasok ang 5 milyon na bayad ng aking kliyente" Sinundan na lamang nya ng tingin ang papalayong abogado. " Lyna hija, kamusta ang lakad mo? kumain ka na ba? Pag aalalang tanong ni Tita Carol. Lumapit lang sya dito at mahigpit na niyakap at bumuhos na naman ang kanyang luha. " Ben.... Ben..." Tawag ni Tita Carol sa asawa. Nagmamadali namang pumasok sa pinto si Tito Ben. Inalalayan sya na makaupo habang kumuha ng tubig si Tita Carol. "Ano bang nangyari hija? ". Tanong ni Tito Ben " Tito.. Tita tinanggap ko po ang pera" lahad nya sa mga ito " Lyna bakit mo tinanggap? ayaw mo bang mabigyan ng hustisya ang mga magulang mo?" naiiyak na tanong ni Tita Carol habang nagpupuyos sa galit si Tito Ben. " Tito, Tita gusto ko pong makatapos ng pag aaral. Gusto ko po makapag tapos kami ni Bea. Wag nyo pong ibenta ang bahay nyo para lang makapag aral si Bea at ako. Hindi nyo po ako obligasyon. Simula po ngayon ako na pong bahala sa sarili ko. Tatayo po ako sa sarili kong mga paa. Ibibigay ko po sa inyo ang 1 milyon para makapag umpisa po kayo at ipagpatuloy ni Bea ang pag aaral nya." Pahayag nya sa mga magulang ni Bea. " Lyna hindi mo kailangan gawin yan. Kung ang desisyon mo ay kunin ang pera na inaalok sayo para sa kinabukasan mo, hindi ka namin pipigilan. Pero hindi mo din kailangan na bigyan kami ng pera upang makapag aral si Bea." Mahinahon na sagot ni Tito Ben. " Tama Lyna. Malalampasan din natin ito hija. Hindi ka na iba sa amin. Tinuring ka na namin anak at higit sa kaibigan pa ang turing ni Bea sayo." Pag aalo ni Tita Carol. Mahigpit akong yinakap nila Tito Ben at Tita Carol. Nasa ganun kaming posisyon ng datnan ni Bea. Si Bea talag ang clown ng pamilya. Kahit gaano kalungkot ang sitwasyon, bumabanat pa din ito ng nga jokes para mag light ang moment " Hep hep... anong meron sa pamilya na ito?? Bakit may iyakan at pa group hug na nagaganap? Pwede ba akong sumali" Wika nito sa kanila. " Loka halika na dito" Sagot sa kanya ni Tita Carol. At lumapit ito sa kanila at nakiyakap na din.. " Ay rugo.... pangadagul da na reng babies ku... ( Ay sus ang lalaki na ng mga babies ko)" Biro pa ni tito Ben. Napaka swerte ko... Nawalan man ako ng magulang pinalitan naman ng isang buong pamilya... Kinabukasan, maagang nag handa si Lyna upang muling makipag kita sa abogado. "Pagkatapos nito buburahin ko ang lahat ng masasakit na ala-ala ng abogado na yun pati ng kliyente nya. Mag po focus ako sa buhay ko" Wika ni Lyna habang kinakausap ang sarili sa salamin. " Lyna mag almusal ka muna bago ka umalis" paalala ni Tita Carol. " Wag mo palang kakalimutan mag dala ng payong .. makulimlim sa labas baka abutan ka ng ulan" muling paalala nito. " Opo tita". Sigaw ko habang nag bibihis. Habang nag lalakad papuntang waiting shed kung saan sya susunduin ng abogado, unti unting pumapatak ang ulan. Patakbong sumilong si Lyna. Naupo muna sya habang naghihintay, walang tao sa shed tanging sya lamang. Lumakas na ang buhos ng ulan. Matyagang syang naghihintay habang pinagmamasadan ang buhos ng ulan. " Gusto ko ang ulan... kapag tumapat ka hindi nila malalaman na umiiyak ka. Gusto ko ang ulan.... Sinasabayan ka nya sa pag iyak" Itinapat ni Lyna ang kamay kung saan umaagos ang tubig ulan. " Ang sarap sa pakiramdam. Nakakakalma ang lamig na dulot pag dampi sa iyong balat" Napapangiti pa sya habang dinadama ang pagdampi ng patak ng ulan sa kanyang balat. Biglang may humintong sasakyan sa kanyang harap. Ang hambog na abogado pala. Sumakay siya sa sasakyan ng abogado. Malamig ang buga ng aircon ng sasakyan. Bahagyang nabasa ng ulan ang kanyang buhok kaya medyo basa din sya ng pumasok sa sasakyan. Sarkastikong inabot sa kanya ng abogado ang tissue. "Hmm... mag punas ka nabasa ka yata ng ulan" Marahil ayaw nitong mabasa ang loob ng kanyang magarang sasakyan. Nilakasan pa lalo nito ang aircon ng sasakyan kaya lalong lumamig. Nakayuko lang sya at di gumagalaw sa kanyang kinauupuan. Iniiwasan nyang madikit kahit saang parte ng sasakyan. Kahit nakayuko sya, alam nyang nakatitig ang abogado sa kanya. Nakarating sila ng bangko na walang imikan. Habang pinipirmahan nya ang mga papeles na iniabot sa kanya ng manager ng bangko, alam nya na ang abogado sa kanyang harapan ay matama syang pinagmamasdan. Ng matapos Ibinalik nya ito sa manager at pumila naman sa linya ng teller. Makaraan lamang ang ilang minuto ibinalik sa kanya ng abogado ang pass book. Sinilip nya pa ito. 5 Milyon.... 5 Milyon ang laman ng kanyang bank account. Sa edad na disiotso, Meron syang 5 Milyon sa bangko. Itinabi nya ang passbook sa loob ng dala nyang back pack tsaka lumabas ng bangko kasunod ang abogado. Ng makalabas na, marahan syang humarap sa abogado: "Atty. wag nyo na po akong ihatid kaya ko na pong mag isa" Sa wakas ay nasabi nya. Pahakbang na sana sya palayo ng muli syang tawagin ng abogado. "Mag iingat ka at sana ay makatapos ka ng pag aaral mo at magtagumpay ka sana sa buhay mo." ." Kapag dumating yung panahon na magkita ulit tayo, liligawan kita" Pahabol pa nito Sa totoo lang wala akong planong maki pag bolahan. Nakuha na nya ang kailangan nya ganun din sa akin. Amanos na kami. " Ang hiling ko lang sana hindi na muling nag krus ang landas namin" Dire-derechong naglakad si Lyna na para bang walang narinig sa sinabi ng abogado. Pumasok sya sa isang pancake house. Pagkatapos umorder, naupo sya sa sulok malapit sa malaking salamin na wall kung saan tanaw mo ang mga dumaraan. Nagpasalamat pa si Lyna sa crew na nagserve ng oder nyang pancake. Nag umpisa na syang kumain. Unang subo... Pangalawang subo... Hangang bumuhos ang masaganang luha na kanina pa nya kinikimkim.. " Mama... Papa... Ok lang po ako" Habang patuloy na naglalandas ang kanyang mga luha sa pisngi.... ============================ Tumunog ang cellphone ni Lyna. hudyat na may nag text sa kanya. Tita Carol; " Lyna hija, nagluto ako ng pansit. Pasyal ka sa bahay pag may time ka pa. Pinamisa nga pala namin sila mama at papa mo. Ingat" Napangiti si Lyna sa nabasa. Every year simula ng namatay ang mga magulang niya parati syang pinagluluto ng pansit ng ina ni Bea. Hindi rin nakakalimutan ng mga ito ang ipamisa ang kanyang mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD