“REALITY LIES” EPISODE 20. ◆General's POV.◆ Nang makaalis si Pauleen ay tila nawala din ang kalahating pagkatao ni RJ. Kung kailan kasi natutunan niya na itong mahalin ay saka naman ito kinuha. Naghihirap ang kalooban niya. Lagi na rin siyang nakasimangot at seryoso. “Kumain na kayo.” Seryosong saad ni RJ sa mga bata. Kasalukuyan silang naghahapunan. “Ano? Hindi kayo kakain?.” Tanong ni RJ nang hindi kumibo ang mga ito. Ganito din ang lagi nilang eksena sa tuwing kainan. “Kumain na kayo!.” Nagulat ang mga bata sa biglang pagsigaw ni RJ. Napayuko din si Rom2x na malapit ng umiyak. “P-Pare, ako na ang bahalang magpakain sa kanila.” Saad naman ni Joe saka inasikaso na si Rom2x. Dahil sa inis ay tumayo nalang din si RJ ng walang pasabi at naglakad papuntang kwarto. “Kuya Joe, kailan ba

