"REALITY LIES" EPISODE 22. ◆General's POV.◆ Pagkatapos ng nangyari ay tila natrauma sina Pauleen at ang dalawa niyang beshy. Pilit naman silang inalo ni Ana na sinamahan pa sila pauwi sa kanilang bahay pagkatapos nilang magbigay ng statement. "Mukhang ako ang sadya ng mga yun. Hindi ko nga lang alam kung bakit." Nakatulalang saad ni Pauleen. Hinagod naman ni Ana ang likod niya. "Besh, relax okay? Ang mahalaga ay ligtas kayo. At wag kang mag-alala. Magpapadala ako ng mga pulis na siyang magbabantay dito sa inyo mamaya." Saad pa ni Ana. "Salamat besh. Kung hindi dahil sayo ay baka kung ano ng nangyari samin." Pilit na ngiti pa ni Pauleen kay Ana. Napapikit din si Pauleen ng mariin nang bigla niya na namang maalala si RJ, kung saan ay safe siya sa tuwing nasa tabi niya lang ito. "Nakak

