“REALITY LIES” EPISODE 11. ◆General's POV.◆ Kasalukuyang nasa bahay si Yakiro. Nakaupo sa may sala at naka-de-kwatro habang umiinom ng wine. "Any progress regarding on my father's hitman?." Tanong ni Yakiro sa mga tauhan niya. "None, sir." Napahigpit ang hawak niya sa baso nang marinig ang sagot ng isa sa mga tauhan niya. Napapagalaw pa ang jaw niya dahil sa pinipigilang emosyon. "Aahhrrrggghhh!!!." Galit na sigaw niya sabay tayo at tapon ng basong hawak niya. "Find him! Or else all of you will die!!." Malakas na sigaw niya pa sa mga tauhan niya. Takot na napatango-tango naman ang mga ito. "Ye-Yes sir." Kandautal-utal na sagot ng mga ito. "Get out!!!." Sigaw niya pa sa mga ito. Agad namang tumalima ang mga ito dahil sa nakikitang galit sa mga mata ng kanilang boss. "Sir." Yukong

