PROLOGUE:

921 Words
AUTHORS NOTE: All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanics means, including information storage and retrival systems, without permission in writing from the author, except by the reviewers, who may qoute brief passages in review. This is a work of fiction. Names , characters, businesses, places events and incidents are either products of the author’s imagination. Any similarity to real persons, living or dead or actual events is purely coincidential. Plagiarism is a crime: Under Philippine law, copyright infringement is punishable by the following: Imprisonment of between 1 to 3 years and a fine of between 50,000 to 150,000 pesos for the first offense. Imprisonment of 3 years and 1 day to 6 years plus a fine of between 150,000 to 500,000 pesos for the second offense. IT IS FORBIDDEN TO STEAL OR COPY ANY OF THIS STORY! PROLOGUE: Third Person POV “Melina!” napasigaw bigla si Dhalia sa kaibingan niyang si Melina nang makita niya itong humandusay na lang bigla sa sahig. Labis ang kaba niya kaya agad niya itong tinapik-tapik sa pisngi at niyugyog. “Are you alright?” tanong niya sa kaibigan ng magising ito. Nawalan ng malay si Melina kanina habang naglalakad siya sa hallway ng kanilang, paaralan upang pumunta sa susunod nilang klase. Nakaramdam siya ng kakaibang simoy ng hangin habang naglalakad siya. Dinala siya ng kanyang paningin sa isang lugar na hindi familiar sa kanya. Kakaiba ang lugar na nakita ni Melina. Napapalibutan ito ng maitim na ulap at halos puro kadiliman ang makikita. Totoo nga ang sabi ng kanyang lola sa kanya. kapag tumungtong siya sa edad na diese otso ay makakakita siya ng iba’t ibang uri ng mga nilalang. Hindi ‘yon pinagtuunan pansin ni Melina dahil bata pa lamang siya noon. Pero ngayon ay may kakaibang na siyang nararamdaman sa kanyang katawan at hindi ito pangkaraniwan. “Hey, Melina. Are you okay?” tanong ulit ni Dhalia kay Melina. “H-huh? Oo naman,” sagot naman nito. “Are you sure?” nag-aalalang tanong rin ni Wiella sa kaibigan. Tatlo silang magkakaibigan kaya labis ang kaba nila para sa kaibigan nilang si Melina na bigla na lang itong nawalan ng malay. “Yeah, I’m fine. Tara,” yaya ni Melina sa mga kaibigan. Habang naglakad silang tatlo ay may nakita silang mga babaeng estudyante na nag-uumpukan sa isang lugar na madadaanan nila. “Oh, my God!” tili at sigawan ng mga ito. Nakita pa nila ang pagtutulakan at paghahampasan ng mga ito. Bagay na hindi maintindihan ni Melina kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga kapwa nilang estdyante sa labas ng classroom. “Ano’ng meron?” tanong ni Dhalia sa isang estudyanteng babae na ro’n. “What? You don’t know? Prince Carlos and his friends were here in our Building,” mataray na sagot nito kay Dhalia. “Magtatanong ba ako kung alam ko?” mataray na ganting tanong rin ni Dhalia dito ngunit inirapan lamang siya nito at hindi pinansin. Nagulat naman si Melina sa sagot nito sa kanila. Tanging mga kaibigan niya lang ang may alam na may gusto siya kay Prince Carlos. At hindi niya ito pinapahalata sa iba na baka ito pa ang maging dahilan upang manipulahin siya ng mga kapwa niya estudyante. Kaya niyaya niya na ang ma kaibigan niya na umalis at pumunta sa susunod na nilang klase. Gustong-gusto niya mang mag-stay doon at baka sakaling makita niya si Prince Carlos. Ngunit hindi niya ginawa dahil baka masaktan na naman siya kung sinong babae na naman ang kasama nito. “Hindi mo man lang ba sisilipin ang prince charming mo?” panunuksong tanong ni Dhalia kay Melina. “Oo nga. Malay mo naman this time ay papansinin kana no’n,” segunda naman ni Wiella sa kaibigan. Nagpatuloy na lang si Melina sa paglalakad at hindi na tumogon pa sa mga kaibigan niya dahil alam niyang tutuksohin na naman siya ng mga ito. Nang makarating na silang tatlo sa kanilang classroom ay nagsimula na ang kanilang klase. Kahit late silang dumating ay pinapasok pa rin sila ng kanilang guro para makahabol sila sa aralin. Habang nagtuturo ang kanilang guro ay napahinto ito bigla ng makarinig sila ng mga tilian sa labas. Napadaan si Prince Carlos sa kanilang classroom pati na ang mga kaibigan nito habang nakasunod naman ang mga babaeng estudyante sa kanilang apat. Bahagya pang nagulat si Melina ng mapatingin ito sa gawi niya at nagtama ang kanilang mga mata na dalawa. Hindi malaman ni Melina ang kanyang gagawin ng huminto si Prince Carlos sa tapat ng kanilang silid aralan at taimtim siya nitong tinititigan. Natahimik naman bigla ang paligid ng pumasok ito sa kanilang classroom. Lumakad ito papunta kay Melina. At ng huminto ito sa kanyang harapan ay bigla na lang siya nitong hinalikan sa labi. Napasinghap naman ang mga estudyante sa paligid nila pati na ang kanilang guro. Nagulat si Melina sa ginawa ng prinsipe sa kanya kaya bigla na lang niya itong sinampal. Pero hindi ito natinag sa kanyang ginawa bagkos ay ngumisi pa ito at nilapit ang mukha nito sa kanya at binulungan siya sa tenga. “Thank me later, baby.” Sabay halik sa kanyang pisngi. Nag-init naman ang kanyang mukha sa sinabi nito sa kanya. Kumindat pa ito sa kanya bago ito tumalikod at lumabas ng kanilang silid aralan. Nagtilian naman ang mga kaibigan ni Melina at bahagya pa siya nitong hinampas sa kanyang balikat habang siya ay nakatulala pa rin sa ginawa ng prinsipe sa kanya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD