Pakiramdam ni Diego hinang-hina s'yang humiga sa kama at mahigpit na yumakap sa likuran ng asawang mahimbing na natutulog. Gusto n'ya itong gisingin at humingi ng tawad dito dahil sa ginawa ng mama n'ya. Hindi s'ya makapaniwala sa lahat ng pinag tapat ng Ina. Yung dating mapagmahal at ulirang Ina na kilala n'ya bigla parang hindi na n'ya kilala after ng mga revelation nito. Ang mga revelation na kahit Papa nya at si Dennis walang alam ganun din mismo ang Ina ni Klary. All this time akala n'ya isa silang perpektong pamilya. Kaibigang matalik ng Papa n'ya ang ama ni Klary. Ganun din naman ang mama n'ya at ninang aurella nya noon. Walang ka alam-alam ang lahat na meron palang affair ang mama n'ya at papa ni Klary noon. Naputol lang daw iyon ng mismong si Klary ang makahuli sa mga ito sa hind

