"Malilintikan nanaman ako nito kay Daddy." reklamo ni Yna habang ibinababa ang stroller ng pamangkin sa trunk ng kotse. Nasa isang parking sila ng mall kung saan sila magkikita ni Diego. "Basta sabihin mo lang nagkahiwalay tayo sa loob ng mall ng 'di mo namalayan tara na." ngisi ni Klary habang isinasakay sa stroler ang anak na panay na ang sigaw dahil tuwang-tuwa na gagala. Umay na umay na siguro ito sa puro puno ang nakikita kaya ngayon e kung ano ano ng language ang lumalabas sa bibig nito habang nag wawala sa loob ng stroller at panay ang turo sa mall. "ginawa mo pa akong sinungaling." "Sus naman kala mo naman e 'di ka nag sinungaling dati nag panggap ka ngang negrita matagal din yun ha, kaya please balato mo na sa akin to." "Mukha ka ng balato lagi ako ang nasesermunan sa ginagawa

