Umasim ang mukha ni Tanya na pagbuksan ng pinto ang 'di inaasahan bisita na basta na lang tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng condo n'ya. Kaya wala na s'yang nagawa kundi isara na lang ang pinto at sumunod sa Ina ni Diego na derederetsong pumasok sa loob ng unit n'ya na bahagya pang nagulat ng makita si Jessy na naka-upo din sa sala ng condo n'ya. "Anong ginagawa mo dito?" pagalit na tanong ni Lorin. Ngumisi naman si Jessy. "Kung ano pong dahilan ng pag punta n'yo dito tingin ko iyon din ang dahilan ko." Ngisi ni Jessy sabay uniom ng coke in can na hawak nito. "Paalisin mo ang lalaking ito, may pag-uusapan tayo." utos ni Lorin kay Tanya na pagak na tumawa. "Puwede n'yo naman sabihin ang mga gusto n'yong sabihin kahit nandito si Jess dahil parehas lang naman kayong gustong pag hiwalayain

