"Klary wag matigas ang ulo kami na ang bahala dine kay Diego." wika ng ama habang inuutos sa mga tauhan na buhatin si Diego na pinag titingnan na ng mga bisita nila. "Ano ba kasi Jessy, papatayin mo ba si Diego." sigaw ni Klary sa lalaking nakatayo sa likuran n'ya. "Ginawa lang ng mga tauhan ko trabaho nila wag kang magalit, tingnan mo nga halos lahat ng tauhan ko pinabagsakan n'ya dapat ako pa nga ang magalit." wika ni Jessy habang itinuturo ang mga bodyguard nitong nakahandusay. "Tara na Klary, naiyaka na si Andrew. Hayaan mo na ang papa mo mag-asikaso sa kanya, hila pa ng mommy n'ya pero di s'ya pumayag kunuha ang anak sa isang katulong. "Dalahin n'yo sa kuwarto ko." "Tsk! Klary." halos sabay na wika ng parents n'ya. "May party tayo, uunahin mo pa ba ang lalaking yan. Iuutos ko

