Tuluyan ng di napigilan ni Athena ang pag-iyak dala ng bugso ng damdamin na sa tinagal tagal ng panahon ngayon lang nya nagawang sabihin lahat ng laman ng puso nya. “I’m sorry for making you feel like that.” napasinghot si Klary na agad naman na inabutan ni Diego ng tissue ang dalawang babae. Hinimas himas pa ni Diego ang likod ng asawa. “Don’t be, mas lalo lang akong nag mumukhang pathetic.” huminga ng malalim muli si Yna kasabay ng pag punas ng kanyang mga luha. “Parehas lang naman tayong anak, biktima lang tayo ng pagkakataon. Sino bang may gusto na mangyari to diba wala naman. Alam ko naman mahal din ako ni Daddy. Kailangan lang talaga n’yang mamili kung kanino s’yang pamilya sasama. And obviosly kayo ang pinili nya.” pagak pang tumawa si Yna. “Athena.” sabay sabay silang napalingo

