China
"Can we talk for a while?" He asked that made my eyes grew wide. Panandalian lang naman bago ako muling nakabawi. Nagulat lang dahil hindi ko iyon inaasahan mula sa kaniya.
Napatigil ako dahil sa tanong niyang iyon. I also don't know why he want to talk to me.
"Sure, Sir," I agreed. Siguro naman ay sandali lang iyon dahil alam niyang nagtratrabaho ako.
He sighed and looked away. He gently massaged his temple before throwing a glance at me.
"Nevermind. Go back to work," he ordered that made me a bit calm.
Hindi rin kasi ako marunong makipag-usap sa ibang tao. Lalo na kung hindi pa naman namin ganoon kakilala ang isa't-isa.
Tumango ako at bumalik na sa counter para kuhanan siya ng tubig na kanyang hiniling kanina.
Abala ako sa paglalagay ng tubig sa baso nang marinig ko ang katrabaho ko.
"Hay nako...oras ng trabaho, nakikiharot pa sa customer," dinig kong sinabi ni Zenh habang nagpupunas ng kung ano man ang natapon sa may counter.
For a moment, I stopped. Binalingan ko siya habang patuloy sa pagpupunas pero nakataas ang kaniyang kilay.
Ibinalik ko ang atensiyon ko sa basong pinupuno ko ng tubig na muntik pang matapon ang laman. Umiling nalang ako at nagtungo na ulit kay Sir North para ihatid na ang tubig niya.
"Here's your water, Sir," dahan-dahan kong inilapag ang baso ng tubig sa kanyang harapan habang siya ay pinanonood lang ang bawat kilos ko.
Nakakailang pero kailangan ko ng masanay dahil hindi lang naman siguro siya ang ganoon sa mga darating pang araw.
Hindi naman niya ako binabastos o ano. Sadyang naiilang lang talaga ako.
"Thank you," he said.
I nodded and left to proceed on Israel's table.
Palapit pa lang ako ay nakamasid na siya sa akin. Noong una ay nakakunot pa ang noo dahil na rin siguro sa research nila na itinitia niya ngunit nang makita ako ay unti-unting umangat ang magkabilang gilid ng kaniyang labi.
"Kamusta naman ang ginagawa mo riyan? Kaya pa ba?" Pabiro kong tanong sa kaniya.
"Oo, Ate. Kaya pa naman," nag-thumbs up pa siya.
"May kailangan ka ba? Pagkain?" I asked.
"Four seasons nalang Ate ganda, salamat!" he cheered.
"Sige, baka magutom ka ha? Hindi ka pa ba kakain ng kanin?"
Umiling siya.
"Hindi na muna Ate ganda. Hihintayin ko na lang muna si kuya. On the way na raw s'ya eh," he explained that made me nod.
"Kain ka na rin Ate ganda. Baka magutom si baby. Ikaw din." He pointed at my belly. Kaya naman napahaplos ako roon.
"Oo. Kakain narin ako." I smiled to him once again.
Iniwan ko na siya roon. May nadaanan akong isang table na puwede nang ligpitan kaya naman iyon na lang ang inasikaso ko.
Medyo mainit sa kitchen dahil sa mga niluluto kahit na may filter naman. Minadali ko na lang ang paglalapag sa mga utensils na kailangang hugasan para makalabas na roon.
Nang makalabas ako ay mas dumami pa ang tao. Aligaga ang lahat at hindi magkamayaw na mga orders ang dumating.
Nakadagdag pa ang order for deliveries kaya mas lalong umingay at naging paspas ang mga trabahante.
"Ako na niyan, Miss uhm..." sinipat ko pa ang name tag ng isang katrabaho dahil nga sa bago pa lang ako rito kaya hindi ko pa kilala ang mga iba.
"Ako na po ang maghahatid niyan," alok ko pa na kaagad niya namang tinanggap.
"Salamat, China. Sige at may aasikasuhin pa akong iba," bahagya pang humaplos ang kamay niya sa likod ng palad ko bago siya makaalis doon.
Ihinatid ang order sa table number sixteen. Pamilya ang nakapuwesto roon at ang inihatid ko ay iyong order nilang pineapple fried rice.
"I think I saw you before," nagulat ako sa sinabi ng batang miyembro ng pamilyang iyon. Nagkasalubong pa ang kilay niya at ang mga mata ay tumingin sa kisame na para bang nag-iisip.
I laughed awkwardly habang maingat na inilalapag ang order nila. "Baka po hindi ako iyon," pagtatanggi ko kahit na may hint na ako kung bakit niya ako nakikilala.
"Hmm..." mas sumingkit ang kaniyang mga mata. Sa huli ay nagkibit-balikat na lang.
Nawala ang kaba ko at nakahinga ng malalim dahil doon.
Siguro ay nakilala niya ako roon sa pinaka-recent na party kung saan nag-imbita si Mommy na media para sa grand opening ng isang hotel na binuksan niya. May parte kasi roon na nagkaroon ako ng kaunting pagpapakilala. This kid probably saw that video file.
"Is there anything else you want to add, Ma'am, Sir?"
"Wala na. Thank you," iyong lalaki na nakaupo sa kabisera.
Tamang-tama naman na may batang umiyak sa kabilang lamesa dahil natapon ang tubig at nabasag na baso.
Kaagad akong dumalo doon. Inaalu na siya ng Mommy niya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak.
"Ako na po rito, Ma'am. Baka po masugat pa kayo," pagprepresinta ko nang makitang sinusubukang pulutin ng ginang ang basag na baso sa ilalim ng lamesa.
"Naku, salamat, hija! Pasensiya ka na sa anak ko, ah? Babayaran na lang namin ang nabasag na baso." Anang ginang.
Hindi ko naman alam kung paano ako mag-re-react. Isinusuot ko pa ang gloves para hindi ako masugat sa paghawak sa baso nang pigilan ako ng isang baritonong boses.
"Move, China. Ako na ang gagawa niyan," it was sir Josiah na nakasuot na ngayon ng apron.
Inayos niya ang pagkakasuot ng kaniyang gloves at mabilis na yumukod para gawin ang gawaing ako dapat ang gumagawa.
"P-Pero Si—"
"Just go and do something else, China," halos bulong iyon para kaming dalawa lang ang makarinig.
Napangiwi pa ako at napalunok dahil sa talim ng pagkakasabi niya sa bawat salita pero sinunod ko rin naman ang gusto niyang mangyari. Umalis ako roon at naghanap ng panibagong gagawin para kahit paano ay hindi ako ma-blangko.
"Bill please!" Senyas noong isang Koreano sa gilid na parte ng restaurant.
Tinahak ko na kaagad ang direksyon ng counter para kunin ang bill niya pero nakakailang hakbang pa lang ako ay umikot na ang paningin ko.
Napahawak pa ako sa likod ng upuan kung saan ako huminto bilang suporta.
I shut my eyes tight sa pag-aakalang guni-guni ko lang iyon pero habang tumatagal ay nagiging malabo na ang lahat. The noise from the people inside was intolerable. Halo-halo na. Sinubukan ko pang maglakad habang nakasapo sa ulo pero ilang hakbang na lang ang layo ko sa counter nang mawala ang balanse ko.
The next thing I knew, everything went black.