Kabanata 3

1008 Words
China "Ate Ganda? Gising ka pa ba?" Napabangon ako nang marinig ko ang katok sa pinto ng kwartong tinutulugan ko. "Sandali lang pupunta na," I uttered as I walked towards the door. "Good evening Ate ganda, uhm..." hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin at napakamot pa sa kanyang batok. May kung ano pa siyang ibinubulong ngunit 'Josiah' lang ang narinig ko. "May...sasabihin ka ba?" Ako na ang nagtanong dahil mukhang kinakabahan siya sa kung anong itatanong niya. "Kasi Ate, manonood kami ng movie. Gusto mo bang makisama?" Kinagat niya pa ang kuko niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Ngumiwi pa siya pagkatapos ng tanong niyang iyon. "S-sige, maaga pa naman eh," pagpayag ko. Alas-sais palang naman ng gabi kaya pumayag narin ako. Though, I can't really sleep late. Masama kasi iyon lara sa baby ko. "Sige Ate. Tara na, o may kukunin ka pa?" He laughed awkwardly. Umiling ako. "Wala na. Tara na?" Ako na mismo ang nagyaya. Mukha kasing hiyang-hiya siya kapag kinakausap niya ako at hindi ko naman alam kung bakit gayong ako nga ang dapat na mahiya. Isinarado ko ang pinto at sinundan siya. Niyakap ko pa ang sarili ko dahil buong bahay yata ay sobrang lamig. Hindi ko naman puwedeng sabihin na naiwan ko ang jacket ko sa loob ng kwarto dahil wala naman talaga akong jacket. Bibili nalang siguro ako kapag nagkasahod na ako o nakaluwag-luwag na. "Dito po Ate." He stopped in front of wooden door, kagaya lang din noong sa silid kung saan ako pansalamantalanf namamalagi pero mas maluwag nga lang itong pinto na ito kumpara roon. "May bisita rin kasi si Kuya Josiah, eh. Baka mahiya ka pero huwag kasi mabait din naman 'yon," dagdag pa niya sa mga sinabi niya kanina. Tumango nalang ako. Inisip ko rin na hindi na lang sana ako pumayag pero baka kasi isipin nila na hindi ako marunong makisama gayong nakikitira na nga lang ako sa bahay nila. "Pasok ka na Ate ganda. Nariyan sina Kuya Josiah at Kuya North. Kukuha lang ako ng popcorn sa baba," paalam niya sa akina at mabilis na umalis. Tatawagin ko pa sana siya para samahan ko na lang dahil nakakahiya pero naisarado niya na ang pinto. Naiwan akong hindi alam ang gagawin doon. Ni hindi ko nga alam kung paano harapin si Josiah kapag kami lang tapos ngayon ay madadagdagan pa ng isa. May narinig akong ingay kaya naman sinundan ko nalang din iyon. I also saw a beem of light. Ginawa ko iyong guide para bang nasa isa akong maze, hinuhulaan kung saan ang tamang daan. "That's not my problem anymore, dude," dinig ko mula roon sa pinanggagalingan ng sounds at ilaw na hinuha ko ay mula sa screen ng TV. Nilakad ko hanggang sa makarating sa isang pasilyo. There, I saw Josiah holding a wine glass. Inaalog-alog niya pa iyon habang nakikipag-usap sa kasama niya. Then the other one turned to see me when he saw Josiah's eyes bore into me. Tumikhim ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nangapa ako ng salita pero parang nakaka-pipi lalo na noong silang dalawa na ang nakatingin sa akin. "M-may kinuha lang sa baba si Israel...popcorn daw," sabi ko nang makakuha na ng lakas ng loob at kapal ng mukha. Itinuro ko pa ang pinaggalingan ko at bahagyang napapikit. Isa rin siguro ang pagiging mahiyain ko sa pinakaayaw ni Mommy na ugali ko kaya niya ako nagagawang ipahiya kung minsan kahit pa sa harap ng maraming tao. She would always remind me to ve confident. Ang sabi pa niya ay walang mararating ang isang taong inuuna ang hiya kaysa sa mga oportunidad na dumarating. Sometimes, I just can't control myself to think that maybe, I am destined to be this way. To keep a low profile kahit pa galing ako sa mga may kayang angkan. Nakita kong muling inalog ni Josiah ang kanyang wine glass. He motioned his hand as if he's trying to make me sit on a single sofa that's beside me. "Sit there. Let's just wait for Israel then we'll start watching. By the way this is North Delacroix," itinuro ni Josiah ang kasama niyang kanina pa seryosong nakatingin sa akin. "Nice to meet you. I'm C-China Li-" I paused when I remember something. "Just China." I just forced a smile to them. Ang dapat na buong pangalan kong sasabihin ay hindi ko na itinuloy dahil ayokong may makakilala sa akin. My clan are well-known because of their businesses. Isa sa mga pinakamalaking pangalan sa insdustriya. It is also an advantage for me now that I seldom appear on TVs. Tumango lang siya sa akin at umiwas ng tingin. I also noticed the way his jaw is tightly clenched. Nilagok niya din ang lahat ng laman ng kanyang wine glass. "Nandito na ako! Let's watch?" Boses iyon ni Israel. I turned obly to see him struggling to carry all the popcorns. Tumayo ako para tulungan siya pero bago pa man ako makahakbang ay may pumigil na sa akin. "Let him do that, China. He can do that. Malakas 'yan," tumawa pa si Josiah habang ako naman ay gustong-gusto na talagang tumayo para daluhan si Israel na hindi man lang nakikitaan ng pagrereklamo sa mukha. Napatanga pa ako doon ng ilang saglit bago dahan-dahang umupo na lang. "Kaya ko naman Ate ganda. Thank you na lang. Maganda na mabait pa," bulong nalang ang huli niyang salita ngunit narinig ko parin iyon. "What are we gonna watch?" asked Israel habang namamahagi ng popcorn. Walang sumagot. I-sine-set up naman na kasi iyon. Inilagay ni Josiah ang disk sa DVD player at iilang mga kalikot pa bago sa remote bago siya humilata sa paanan ni Israel na nakahiga na ngayon sa mahabang sofa. North, on the other hand, sat beside the sofa where I am seated. Tahimik lang siya habang paisa-isang nilalantakan ang popcorn niya. Umayos na ako nang upo at ibinaling na lang ang atensiyon sa TV. Medyo naiilang nga lang sa tuwing gumagalaw ako ay parehong napapalingon sina North at Josiah sa banda ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD