chapter 4

1028 Words
Di ako pwedeng magkamali. Ang lalaking iyon ay ang lalaking nakasama ko sa party! Teka, dito din siya nag-aaral? Sa kagustuhang makausap ito ay nagmamadali akong lumabas ng sasakyan upang habulin ito. Medyo malapit na magtime kaya dumadami na ang mga students kaya medyo natatabunan na ako at ang malapad nitong likod nalang ang natatanaw ko! Gusto ko siyang tawagin pero di ko naman alam ang pangalan niya. Nasaan na iyon? Kanina tanaw ko lang siya pero bigla nalang itong nawala. Nakakainis naman! "Luchille?" Nanigas ako ng marinig ko ang tumatawag sakin. Napahinga ako ng malalim bago nakangiting bumaling sa dalawang taong kanina lang ay iniiwasan kong makaharap. " Hi hon!" bati ko sa nakatulalang si Josh sabay halik sa pisngi niya tulad ng dati kong ginagawa. Napansin ko rin ang pag-iba ng timpla ng mukha ni Irene nang mapansin nitong nakanganga sakin si Josh. "Hi Irene, kumusta ang bible study?" nangangiti kong baling sa kanya kaya agad din siyang ngumiti ng pabebe. Kung noon ay nadadala ako sa kahinhinan mo malandi ka, di na ngayon oy! " It's great!" "Ano namang natotonan mo doon?" Natuto ka siguro kung paano umungol nang umungol higad ka! " Ahm...actually marami-" medyo tumabingi na ang ngiting sagot nito. Alam ko gaga nataranta ka na dahil santa- santita kang higad ka pero tiyak masusunog ka kung hahawak ka ng bible. "Like what?" excited ko pa kunwaring tanong. Mag-isip ka ng alibi higad dahil diyan ka naman magaling. " Hon, wag mo ng tanungin nang tanungin si Irene. Ako nalang ang pagtuunan mo ng pansin." To the rescue naman ang magaling kong boyfriend. Parang gusto kong mandiri sa ginawa nitong pag-akbay sakin at kunwari ay paglalambing nito. Halatang iniiba ang usapan. "You look different today," malambing nitong bulong sakin. Nang sulyapan ko si Irene ay kitang-kita ko ang pag-ismid nito. " Alam mong nagpaganda talaga ako para sayo," malambing kong sabi sabay kurot ng pisngi niya. "Ouch! Hon! Ang sakit" reklamo nito. Siguro dahil sa inis ko ay di ko napigilang diinan ang kurot. " Sorry...hon! Ang cute mo kasi, nakakagigil." Ang sarap balatan ng makapal mong mukha, hayop ka! "Eherm," agaw pansin ni Irene sa kunwari ay paglalambing ko ss boyfriend ko. "Mauuna na ako sa inyo. Mas malayo pa kasi iyong building ko." Kunwari mahinhin ulit ito. " Gusto mo ihatid ka ni Josh?" nakangiti kong tanong! Higad ka! Alam ko gusto mo. "Hon, ikaw ang gusto kong ihatid," malambing namang reklamo ng boyfriend ko. " Awww, ang sweet mo talaga hon. Malapit lang naman iyong building ko kaya si Irene nalang ang ihatid mo." Bwesit! Paayaw-ayaw pa kunwari pero deep inside ay gustong-gusto naman nila. "Ok lang ako Chille. Ma-out of the way pa si Josh kung ihatid niya ako." " Ano ka ba Irene, sanay naman iyang si Josh eh!" Alam kong sanay iyan maout of the way dahil matagal niyo na akong niloloko. "Hah?" napakurap nitong tanong sakin na parang kinabahan. " Iyong bahay namin out of the way pero hinahatid niya pa rin ako di ba?" "Ah," hilaw na mahinhing tumawa ito. "Ok lang ba talaga sayo hon?" Isa pa 'tong Josh na ito oh, sarap hambalusin ng pader sa mukha upang mabawasan ang kakapalan. " Ou naman. Pinsan ko si Irene kaya ok lang IPAPAHIRAM kita sa kanya." Napansin kong kapwa natigilan ang dalawa. Halatang may kasalanan ang mga hayop. "Ano ba kayo? Masyado kayong seryoso. Nagbibiro lang ako noh!" tumatawa kong sabi. " Huwag kang mag-alala hon, never kitang ipahihiram sa iba ok? I love you!" malambing kong sabi pero tinitingnan ko sa gilid ng mga mata ko ang magiging reaksyon ni Irene. "I l-love you too," alanganing sagot ni Josh at gumanti ng yakap sakin. Kitang-kita ko ang dumaang sakit sa mukha ni Irene dahil sa sinabi ni Josh. Magdusa kang babae ka. Simula pa lang iyan, sige magselos ka at masaktan! Kulang pa yan sa ginawa ninyo sakin. Di lang dapat ako ang magdusa, dapat damay -damay tayo. Habang pinaanood na papalayo sina Josh at Irene ay napakuyom naman ako ng kamay. Ang sarap talaga nilang sumbatan pero kung gagawin ko iyon ay ako parin ang magmukhang kaawa-awa. Tama nang harap-harapan nila akong niloloko, ayaw kong lalabas na naghahabol ako. " Chille!" matinis na tawag sakin ng boses na kilalang kilala ko. Isang totoong ngiti ang gumuhit sa labi ko ng makita ang dalawa kong kaibigan na patakbong palapit sakin. "Wow! Magkasingganda na tayo! Di na nakakahiyang katabi ka!" umiirit na sabi ni Jiro. " Grabe siya oh! Siya pa ang nahihiya," ingos naman ni Yen. "Tse, shaataap ka nalang! Halikayo closer girls! Maganda pa kami sa umaga selfie!" nakangiting sabi ni Jiro sabay taas ng cellphone niya upang makapagselfie sila. Ganito talaga si Jiro, mahilig sa selfie. " Malelate na tayo selfie!!" panggagaya ni Yen sa tono ng boses ni Jiro. Pare-pareho kaming tatlo ng course at schedule ng classes kaya magkadikit kami palagi. Kahit pa noong baliw na baliw ako kay Josh ay lagi ko paring kasama ang dalawang ito at maghihiwalay lang kami dahil ayaw ng mga ito kay Josh. Maging si Josh din ay pasimpleng sinisiraan sakin sina Yen at Jiro. Mabuti na lang talaga at di ako nakikinig sa paninira ng lalaking iyon dahil ngayon nakikita ko na kung sino talaga ang mga totoo sakin. Siguro malakas ang instinct ng mga totoo kong kaibigan kaya ayaw nila kay Josh dahil naamoy nila ang baho nito. "OMG!! Takbuhan na selfie!!" tawanang nag-unahan ang dalawa kong kaibigan. Napapailing naman akong napapasunod sa kanila. Hindi naman pala ganun kalungkot ang buhay ko, I have my true friends beside me. Papasok na ako sa building namin nang may kung anong nagpalingon sakin at nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na anyo ng isang lalaking parang nagmamay-ari ng mundo habang naglalakad paunta sa dereksiyong palayo sakin. Napapailing na lang ako! Dahil sa lalaking iyon ay nagising ako mula sa pagluluksa ng puso ko sa isang walang kwentang tao. Sinu man siya, sana makilala ko siya. Nang maalala ko ang namgyari sa loob ng closet ay di ko mapigilang pamulahan ng mukha! Lord, nakakahiya iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD