REMEMBER US

782 Words
I have a girlfriend named Raine. She's beautiful, respectful and God fearing. We're together since highschool so matagal tagal na rin talaga kami. Today marks our 8th Anniversary and I plan to surprise her by proposing because it's her dream to wear a wedding gown and walk in the aisle of the church, with me of course. "Ferrer pare, siguradong ito na ang magiging pinakamagandang araw mo. Maliban sa kasal at honeymoon!" pakindat kindat na saad ni Hiro. "Tumahimik ka nga Hiro, tulungan mo'ko rito nang matapos na. Sigurado din akong malapit nang matapos sa trabaho si Raine" sumbat ko sa kanya. "Sige pre sabi mo e. Oo nga pala, asan yung kambal mo? Si Felix?" "Hindi ko rin alam, baka gumala na naman. Ewan ko ba do'n kung saan-saan pumupunta" saad ko't nagsimula nang iaayos ang surpresa para kay Raine. ~ Pagkatapos ng ilang oras ay naihanda na namin ang lahat lahat. Naisaulo ko na rin ang mga sasabihin ko. Sigurado akong matutuwa si Raine dito. "Pare una na kami ha, goodluck nalang sa'yo! Kaya mo yan 'wag kang kabahan!" pamamaalam nina Hiro "Sige mga pre, salamat sa pagtulong sa akin. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob. Salamat, mag-ingat kayo pauwi!" Pagkatapos nilang umalis ay minessage ko si Raine na pumunta sa lugar na ito. Naghintay ako ng trenta minutos at wala pa siya kaya inabala ko nang tawagan ngunit hindi niya ito sinasagot. Doon na ako kinabahan ngunit nanatili akong kalmado dahil baka may ginagawa pa siya o baka naman nag aayos pa. Pagkalipas ng ilang oras ay wala parin siya, alas diyes na ng gabi pero bakit hindi pa siya dumarating. Sinubukan ulit siyang tawagan ngunit wala talagang sumasagot hanggang sa bumungad sa screen ng aking cellphone ang pangalan ng kakambal ko. Bakit naman ngayon pa ito tumawag. "Felix 'wag ngayon hinahanap ko pa si Rai-" "Nandito si Raine sa ospital! Nabangga siya ng kotse habang papunta diyan! Dalian mo!" Tila ako'y natigilan sa mga napakinggan ko. Hindi na ako nagdalawang isip at mabilis na pinaharurot ang aking sasakyan papunta sa nasabing ospital. ~ Pagkarating ko sa ospital ay agad akong sinalubong ng aking kakambal na si Felix. "Anong nangyari!? Bakit naman ngayon pa!? Kasalanan ko 'to e, kung sinundo ko nalang sana siya hindi ito mangyayari!" bulyaw ko sabay suntok sa aking dibdib dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman "Ferrer, walang may gusto sa nangyari. Wala kang kasalanan, huwag mong sisihin ang sarili mo" mahinahon na saad ni Felix at pinakalma ako ~ Lumabas ang Doctor sa ward ni Raine at agad agad akong tumayo at naglakad papunta sakanya. "D-doc, ano pong kalagayan ng girlfriend ko. Maayos po ba siya?" nerbyos kong tanong "Maayos naman po ang kalagayan niya sa ngayon sir pero sa sobrang pagkabagok ng ulo niya'y hindi siya magising. Sorry sir pero comatose po ang pasyente" malungkot na saad ng doktor at naglakad na papalayo ~ Limang taon nang comatose si Raine at limang taon na rin akong umaasa at sinisi ang sarili ko dahil sa nangyari. Kung sana lang talaga nag isip ako nang mga oras na 'yon at sinundo siya. Kung sana lang- ~ "Ang ganda mo sa suot mo pre bagay na bagay sayo!" saad ni Hiro. Andito na naman 'tong baliw na'to "Syempre bagay sakin, gwapo ako e" saad ko sabay kindat "Pre sobrang hangin mo mukha kang patola HAHAHAHA" Babatukan ko na sana siya nang biglang dumating ang kakambal kong si Felix. "Tara na, male-late na tayo ready na daw ang bride" saad nito "Ito kasing si Hiro, tara na nga ayokong ma-late sa kasal" ~ Nakaayos na kami sa aming pwesto at nagsimula nang tumugtog ang piano. Dahan dahan nilang binuksan ang pintuan ng simbahan at nakita ko ang pinakamagandang anghel sa aking buhay, si Raine. Ang ganda niya sa suot niya, 'yon yung napili niyang isuot noong pinapili ko siya. Tinignan ko siya sa mata at tinitigan niya rin ako. Papalapit siya ng papalapit at hindi ko na namalayang tumulo ang aking mga luha. Pagkatapat niya sa'kin ay napatigil siya at nginitian ako. Nginitian ko siya pabalik at ako'y tumango. Nagpatuloy siyang maglakad papunta sa aking kakambal, ang tunay niyang pakakasalan. Oo, nagising si Raine sa pagka-comatose ngunit hindi niya ako maalala. Ang alam niya, si Felix, na aking kakambal ang kasintahan niya. Ayaw ko namang ipilit ang aking sarili dahil nakita ko ring habang tumatagal ay napapamahal na rin si Felix sa kanya. Oo mahal ko si Raine ngunit paano ko 'yon ipaglalaban kung ang kapatid ko ang mismong kalaban at siya lamang ang naaalala niya? Nagising nga siya, pero nagising siyang ibang tao ang naaalala. "She remembered me, but she didn't Remember Us."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD