PANIMULA

534 Words
"No, dad! you can't do this to me!" nanggagalaiting usal ng dalaga. Bakas sa kaniyang tinig ang pagmamatigas. Nanginginig ang kaniyang buong kalamnan habang walang humpay ang pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata. Isang masidhing poot at sama ng loob ang namumuo sa kaniyang dibdib para sa sariling ama, ang taong dapat sana ay nagpoprotekta sa kaniya. Sa puntong ito, hindi na niya nagawang pigilan ang pagtaas ng boses upang isigaw ang kaniyang saloobin. "You can't replace me just for the sake of business dad!" muling bulyaw niya, punong-puno ng pagkadismaya. "Our agreement is over, there’s nothing you can do about it. Just marry him para hindi na tayo nagtatalo." malamig na tugon ng kaniyang ama. Iniiwasan nito ang tingin ng anak, halatang naririndi na sa pagpupumiglas ng kaniyang suwail na panganay. Humabol ang dalaga at muling hinarap ang ama, determinadong hindi magpasakop sa kagustuhan nito. "No, Dad! I’m not doing what you want!" pagmamatigas niya. "I refuse to marry him." Patuloy ang pagpatak ng kaniyang mga luha sa kabila ng kaniyang matapang na anyo. Hindi niya matanggap na maikakasal siya sa lalaking hindi niya mahal at kaniyang kinasusuklaman. Sa gitna ng kaniyang pag-alma, biglang sumugod ang ama na ikinaatras niya. Ngunit bago pa siya makalayo ay marahas na hinawakan nito ang kaniyang pisngi. Nanlilisik ang mga mata ng ama habang hinihigpitan ang pagkakasakal sa kaniyang mukha. "You’re his now, stick to the agreement if you want to be safe." banta nito habang pinandidilatan siya ng mga matang tila lalamon ng kaniyang buhay. "You're so evil..." madiin at nangangatog na tugon ng dalaga. Isang mabilis na lapat ng palad sa hangin ang tumama sa kaniyang mukha. Sa lakas ng sampal ay agad siyang napasubsob sa sahig. Humahagulgol na napahawak ang dalaga sa kaniyang namamanhid na pisngi, habang ang kaniyang paningin ay nananatiling nakapako sa amang punong-puno ng galit sa kaniyang harapan. Gusto niyang magwala, gusto niyang tumakas, ngunit tila nawalan ng lakas ang kaniyang katawan. "Napakakapal ng mukha mo!" singhal ng ama sabay duro sa kaniya. Tatalikod na sana ito, ngunit mabilis na gumapang ang dalaga at yumakap sa tuhod ng ama. "Dad.. please.. p-please dad don't do t-this" pagmamakaawa niya sa pagitan ng malakas na paghikbi. "I'm your daughter d-dad... p-please... d-don't.." Ito na lamang ang tanging paraan na naiisip niya upang gisingin ang natitirang konsensya ng magulang. Ngunit tila bato na ang puso nito. Hindi manlang nakitaan ng kapiranggot na awa. "Bullsh!t!" nanggagalaiting sigaw ng ama. Halatang rinding-rindi sa pag iyak ng dalaga. Ramdam ng dalaga na wala nang puwang ang awa sa puso ng kaniyang ama. Dahan-dahang bumagsak ang kaniyang mga balikat at nanghihinang binitawan ang tuhod nito. Walang kahit katiting na awa. Tila pinipiraso ang kaniyang puso sa katotohanang kaya siyang itapon, ipamigay, at ipagpalit ng sariling ama para lamang sa isang negosyo. Hindi makatarungan. Ni hindi man lang siya kinonsulta sa mga dokumentong habambuhay na magkukulong sa buhay na hindi niya gusto. "Dad..." namamaos niyang tawag. Ang tinig na dati ay puno ng pag-asa ay napalitan na ng labis na pighati. Habang nakalumpisak sa sahig, gulo-gulo ang buhok at basang-basa ang mukha ng luha, unti-unting nilamon ng dilim ang kaniyang mundo. Walang kasiguradohan kung mabibigyang liwanag pa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD