HINDIi ako nahirapang hanapin siya. Sinundan ko lang ang presensya niya. Nakita ko siya sa garden kung saan may malapit na bangin. Nakaupo siya sa damuhan at nakasandal sa isang puno. Kita din dito ang sunset. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pwesto niya. Alam kong nararamdaman niya ang presensya ko pinili lang niya na wag akong tignan. Tsk. Pagkalapit ko sa kanya ay umupo agad ako. Kung siya nakaharap sa araw ako naman nakatagilid. "Hindi masamang sumigaw kapag galit ka at hindi ding masamang umiyak kapag nasasaktan kana. Ang totoong matapang ay yung mga taong kayang ipakita sa lahat ang totoong nararamdaman nila kahit isipin pa ng iba na mahina sila" sabi ko ito na naman tayo kailangan ko na naman magsalita ng mahaba. Nakakaubos kaya ng laway ang magsalita. Tsk. "Shut up. I'm not

