"Grabi, sarili kong asawa basta-basta na lang akong pinapamigay. Diyos ko po, nasisiraan na yata ng ulo ulo itong asawa ko, eh."
Hindi tuloy maintindihin ni Jaylyn ang kaniyang mararamdaman. At naisip nito dahil sa dr*gs siguro. Kaya nagkagano'n ang asawa nito. Alam din nito na may pagka adventurous silang mag-asawa, lalo na si Joey pagdating sa kama.
Pero hindi talaga kayang gawin ni Jaylyn ang pinapagawa nang asawa nito sa kanya. Lalo sa tao nitong hindi naman niya mahal. Nalulungkot lang ito dahil mula noong tinanggihan niya ang asawa nito ay may nagbago.
"Love, good morning. Kumain ka na pinagluto kita ng panorito mong ulam," bati at nito kay Joey.
"Ikaw na lang ang kumain," saad naman ng asawa nito.
"Ah? Bakit naman?" agad na tanong nito.
"Kailangan ko kasing pumasok ng maaga. Marami akong gawain paper works sa office."
"Gano'n ba? Sayang naman itong niluto ko."
"Kainin mo na lang."
"Love, baunin mo na lang kaya for lunch," wika ni Jaylyn.
"Ha? Huwag na."
"Bakit naman?"
"Eh, baka mapanis lang 'yan, eh. Medyo hectic kasi ang schedule ko."
"Ah, gano'n ba?" wika nito na malungkot
"Oo, oh, sige na. Mauna na ako." Paalam nito kay Jaylyn.
"Love, teka lang."
"Oh, bakit na naman?" naka kunot-noong tanong nito.
"Ingat ka, ha?"
"Oo, ikaw rin mag-ingat ka," wika rin ni Joey at agad na itong lumabas.
"Love. . . Iyong I love you ko," saad nito pero narinig na lang niya ang pagsara ng pituan.
"Hay, umalis na lang siya ng basta-basta. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Hindi ko naman kasi kaya ang pinapagawa niya. Hindi ko kaya. Hay, sino kayang makakatulong sa problema ko? Ay, alam ko na baka matulungan ako ni Paula," saad pa nito sa kaniyang sarili at tinawagan ang kaniyang kaibigan.
Narinig nito na nagri-ring lang ang cellphone ni Paula.
"Sana naman sagutin mo, best."
"Oy, best. Napatawag ka. Kumusta ka na?"
"Ito, hindi okay."
"Ha? Bakit naman?"
"Best, may problema kasi ako, eh. Pero best, mangako ka na wala kang pagsasabihan nito."
"Sure-sure ano ba iyon?"
"Nabanggit ko naman sa iyo noon 'di ba? Na masyadong adventurous ang asawa ko. Pagdating sa alam mo na."
"Oh, tapos?"
"Eh, kasi best. Ngayon, pinipilit niya ako na--" Makipag anuhan sa iba, eh. Gusto niya raw kasi akong panuorin habang ginagawa ko iyon."
"A-Ano? Seryoso ba 'yan?" gulat na tanong ni Paula.
"Oo, eh."
"Diyos ko, pambihira naman iyan si Joey. Kakayanin niyang makita ka na nakikipag siping sa iba. Naku! Iba na yata takbo ng asawa mo, eh. Kung asawa ko yan. Baka iniwan ko 'yan. Grabi, kayang-kayang ka niyang ibigay sa iba.
"Iyon na nga, best eh. Kaya hindi talaga ako pumayag. Kaya lang simula noon naging cold na siya sa akin. Eh, hindi ko na matiis, eh. Nahihirapan ako sa ginagawa niya. Lalong hindi ako sanay na ganito kami. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko."
"Ah, simula ba noon wala ng nangyari sa inyo?"
"Wala na, hindi na siya nagyaya, eh. Ni simpleng lambing wala, eh."
"Ganito na lang, mamaya yayain mo siya. Mag-ayos ka, iyong tipong sasabihin niya kapag nakita ka na, akin lang ito. Nagi-gets mo ako?"
"Effective naman kaya 'yan?"
"Basta subukan mo na lang tapos galingan mo para ipagdamot ka sa iba."
"Umobra kaya?"
"Wala namang mawawala kung susubukan mo."
"Hay naku bahala na. Bast may paraan para mapabago ko ang isip niya. Gagawin ko. Salamat, best, ha?"
"Oo, best. Kaya mo iyan. Balitaan mo na lang ako, nasa biyahe ako. May kailangan akong i-meet. Basta ipaliwanag mo ang side mo at magiging okay din kayo."
"Sana nga."
"Sige, best. Chat mo na lang ako. Bye!"
"Sige, best. Salamat."
"Sana naman mapabago ko ang isip niya. Ay i-ready ko pala iyong gown ko. Bahala na. Nandiyan na yata siya."