Nagising si Mae nang maramdaman niya ang sunud-sunod na halik na dumadampi sa pisngi niya. Ngunit nang maamoy niya ang gumagawa niyon sa kanya ay hindi iyon ang amoy ni Dom kaya agad siyang napadilat. “J-Jeffrey!” gulat niyang sabi nang mamulatan itong pahalik-halik pa sa may panga niya. Itutulak niya sana nito ngunit napagtanto niyang nakaupo siya sa isang upuan at nakatali ang magkabilang kamay niya roon. Maging ang mga paa niya ay nakatali rin sa upuan pati na ang tiyan niya. “Honey, gising ka na. I miss you so much!” ani Jeffrey at mabilis sinunggaban ang mga labi niya. Hindi na siya nakaiwas ngunit pinilit niyang isara ang bibig niya para tumigil na ito sa paghalik sa kanya. “Jeffrey, ano ba?!” malakas na sigaw niya rito nang pakawalan nito ang mga labi niya. “Akin ka! Akin ka da

