Lampas isang linggo na ang nakakaraan matapos ang kasal nila ni Mae. Simula nang mapansin niya ang sumusunod sa kanila noon ay naghire siya ng spy para manmanan din iyon. At sa mga nakalipas na araw, kada umaalis sila ni Mae para pumasok sa trabaho ay napag-alaman niyang palaging nakasunod sa kanila ang kung sinumang taong iyon. Yon nga lang ay lumipas na ang ilang araw ngunit wala pa rin siyang nakukuhang impormasyon kung sino ba ang kasabwat sa taong iyon o ang nag uutos rito para sundan sila. He is just gathering more evidence para ipahuli ito at ipakulong, kung sinuman iyon. He won’t let that man off the hook for sure. Malas lang nito dahil nahuli niya ito, at mas magaling ang spy na nahire niya kaysa rito. Whatever his reason for following them, he will find out soon. Isang gabing

