Matuling lumipas ang mga araw. Lampas tatlong buwang gulang na ngayon si baby Dane at lalo itong naging cute. Ngumingiti na rin ito at nagrereact na sa tuwing kinakausap na nila. Palangiti rin ang baby nila na labis niyang ikinakatuwa. Their baby seems to be like her when she was still a little girl. Mukhang magiging masayahin din ito katulad niya noon. “Love, why don’t we visit your mom and dad this weekend?” nagulat siya sa suhestiyon na iyon ni Dom sa kanya. Napapansin niya na lately ay palagi nitong binabanggit ang Laguna. May property raw itong binili doon na gusto nitong bisitahin. At gusto rin daw nitong mapuntahan nila ang puntod ng daddy at mommy niya. Ngayon nga ay basta na lang nitong binanggit ang bagay na iyon habang magkatabi sila sa kama kaya nagulat na naman siya. “Gust

