Pagkatapos nilang magpahinga saglit ay magkahawak-kamay na silang bumaba sa dining area at naabutan nila doon ang in-laws niya na kakatapos lang kumain. Mukhang paalis na sana ang mga ito ngunit nagpasyang manatili pa roon nang makita sila ng mga itong papalapit. Maingat na inalalayan siya ni Dom na umupo sa isang silya bago ito umupo sa tabi niya. “Mabuti naman at nagkaayos na kayo. Maganda yan na hindi niyo pinapalipas ang gabi na magkaaway kayo. Maiging inaayos agad ang hindi pagkakaunawaan para hindi na lumaki pa ang away niyo.” Nakangiting sabi ng Mommy Lilian niya sa kanila at nakangiti ring tumangu-tango ang Daddy Robert niya. “Thanks Mom.” Nakangiti namang sagot ni Dom rito. “Here, love, do you want some soup?” bigla siyang napatingin kay Dom dahil sa bago na namang endearm

