Isang buwan ang matuling lumipas at ngayon nga ay lampas apat na buwan na ang ipinagbubuntis ni Mae at medyo halata na rin ang tiyan niya. Kung dati ay nagtetext siya kay Dom sa tuwing lalabas siya ng mansiyon, ngayon ay hindi na. Why? Because Dom chose to work at home at ang mga meetings nito ay puro na online. Kung may mga kailangan man itong pirmahan ay ipinapadala na lang iyon ng secretary nito sa bahay and vice versa. “Love, are you dyeing your hair?” Takang tanong ni Dom isang hapon habang sinusuklayan siya nito pagkatapos niyang maligo. Lately ay naging mas pawisin na siya, marahil ay dahil na rin sa bahagya na siyang tumataba kaya minsan ay dalawa hanggang tatlong beses siyang maligo sa isang araw para mapreskuhan siya. Agad niyang narealize na ilang buwan na nga pala siyang hin

