Makalipas ang ilang araw ay niyaya si Mae ni Lara na magbonding daw sila ng hapon na iyon. Saka lang niya narealize na matagal na pala silang hindi nagkikita ng kaibigan niyang iyon at bigla niya itong na-miss nang marinig niya ang boses nito nang tumawag ito. Kung tama ang pagkakaalala niya ay huli niya itong nakita nung kasal pa nila ni Dom and that was more than 2 months ago. Ni hindi pa nga pala niya naibabalita ritong buntis na siya. Agad siyang nagtext kay Dom para magpaalam. Ayaw niyang basta-basta na lang tumatawag sa asawa niya dahil ayaw niyang makaabala rito kung sakaling busy ito. “Dom, niyayaya ako ni Lara na magkita kami. Ok lang ba?” Agad rin namang tumawag sa kanya si Dom pagkatext niya rito. “Dom, niyayaya ako ni Lara. Magkikita lang kami saglit at magkukwentuhan

