Chapter 7 – Accidental Kiss

785 Words
It was a busy day. Sunud-sunod ang meeting ni Dom at aligaga rin siya sa mga ginagawa niya dahil ang daming kailangan niyang gawin at tapusin. The Company’s Anniversary will be next week kaya marami siyang inaasikaso. Idagdag pa ang mga bagong bukas na branches na kailangang imonitor. “Mae, bring me the files from the Accounting department and check with the marketing team how’s the promotion going.” Narinig ni Mae na sabi ni Dom sa kanya sa intercom nito na nakaconnect sa office niya. Agad niyang kinuha ang files na hinihingi nito at kumatok muna sa pinto saka pumasok. “Ito na po Sir.” Inilapag niya nalang iyon sa table at tumalikod na siya dahil sa sobrang busy yata ni Dom ay ni hindi siya nito tiningnan. “Wait, yung—” Agad siyang umikot paharap dito at dahil sa biglang pag ikot niya ay sumabit ang paa niya sa kung saan at na out balance siya ngunit mas ikinagulat niya na nasa tapat niya na si Dom at dahil hindi nito napaghandaan ang pagtumba niya sa harap nito ay pareho pa silang natumba habang nasa ibabaw siya nito. But the most shocking thing that time ay nang aksidenteng nahalikan niya ito dahil sa pagtumba nilang dalawa! Parehong nanlaki ang mga mata nila habang nakatitig sa isa’t-isa ngunit sa tindi ng pagkabigla ay hindi agad niya naiangat ang mukha at bahagya pa niyang naigalaw ang bibig niya dahil sa biglang pagbilis ng t***k ng puso niya. Pagkalipas ng ilang segundo ay saka pa lang siya tila bumalik sa sariling huwisyo at agad na iniangat ang mukha palayo sa mukha ni Dom. Agad niyang nakita ang bakas ng lipstick na naiwan sa lips nito kaya hindi pa man nakakabangon ay inilapit niya ang mga daliri sa lips nito at pilit inalis ang lipstick doon. “Sorry Dom, Sorry.. naku. Hindi ko sinasadya.” Natatarandang sabi niya habang patuloy na inaalis sa lips nito ang dumikit na lipstick niya gamit ang hinlalaki ng isang kamay niya. Ang ganda pa naman ng lips nito tapos nadumihan pa niya ng lipstick niya. “Stop.” Paanas na wika ni Dom sa kanya ngunit hindi niya iyon pinansin at patuloy lang sa pag alis ng natitira pang lipstick sa mga labi nito. Shit! Bakit ba kasi sinubukan niyang bumili ng lipstick na yon! Dapat sana yung ibinigay ni Mrs. Villaruiz na lipstick nalang ang ginamit niya for sure hindi yun kakalat! She’s too focused on wiping his lips nang bigla nalang pigilin ni Dom ang kamay niya kaya gulat siyang napatingin dito. And before she could even react, he kissed her intensely! Nakahawak na rin ang isang kamay nito sa batok niya at tila wala rin siyang lakas para ilayo ang sarili rito. His eyes were closed and to her surprise, her body started to feel dazed so she unconsciously closed her eyes too. Pakiramdam niya lumilipad siya sa alapaap and it feels like she is dreaming! But she could feel his kisses and without second thought, she kissed him back. Damn! Ni hindi niya ito magawa sa boyfriend niya and now she’s kissing another man effortlessly. How could it be possible? Unti-unti, their kiss started to slow down. As if savoring the moment and refusing to let go of each other’s lips. Sabay pa silang dahan-dahang dumilat at agad siyang tila nagising mula sa mahabang pagtulog nang matitigan ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Agad niyang inilayo ng tuluyan ang katawan dito at dali-daling bumangon. Now she doesn’t know how to face him! Awkward. “Don’t be clumsy next time at baka kung sinu-sino pa ang mahalikan mo.” Bigla siyang napatitig kay Dom sa nanlalaking mga mata. Hindi niya yon sinasadya! At dampi lang naman yon pero hinalikan pa siya nito diba? Kaya lalo tuloy lumalim…aishh! Lalo tuloy nadagdagan ang kumalat na lipstick sa mga labi nito. Agad nalang siyang kumuha ng tissue sa ibabaw ng table nito at mabilis na ibinigay iyon kay Dom. “Mayron pa sa lips mo.” Nasabi nalang niya. Pagtingin niyang muli ay nakangiti ito at tila naaaliw sa kanya. God, she’s so embarrassed! “S-sige.” Nakayukong sabi niya at agad nang tumalikod at mabilis na naglakad papunta sa pinto. “Slowly. If you stumble and fall again, I might—" Hindi na niya narinig pa ang karugtong niyon dahil agad na siyang lumabas sa pinto at mabilis na isinara iyon. Oh s**t, paano niya pa haharapin si Dom sa mga susunod na araw? And what’s more astonishing is why and how did she kiss him back? But why did he even kiss her? Because she was clumsy? Argh! Lalo pa tuloy nadagdagan ang iniisip niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD