Sabay silang umuwi ni Dom pagkatapos ng ilang beses nilang pagtatalik sa opisina. Nagkaintindihan na sila at kapwa na pumayag sa kasal na gusto ni Tito Robert. Binigyan pa nga siya ni Dom ng singsing pagkatapos ng ilang beses nilang pagtatalik, katibayan na engaged na sila. Infairness naisip pala iyon ng mokong. Napangiti naman ang mag-asawa na halatang natutuwa nang makita ng mga itong maayos na muli sila ni Dom habang kumakain sila ng dinner na iyon. “Mabuti naman at nagkasundo na kayo ulit. Your wedding is in less than 3 weeks.” Masayang sabi ni Tito Robert. Bigla siyang napatingin dito. Hindi niya akalaing ganoon kabilis at ikakasal na agad sila ni Dom. “But before that, don’t you want to announce your engagement?” tanong naman ni Tita Lilian at nakita niyang napansin nit

