It’s been almost 2 years since manirahan siya sa Mansiyon ng mga Villaruiz. Wala naman siyang problema sa mga ito maging kay Dom dahil kahit babaero ito ay marespeto parin ito sa pamilya maging sa kanya.
Hindi niya ring maiwasang humanga rito. Maybe she once saw him in a magazine before dahil ito pala ang hottest bachelor dito sa Pilipinas. Kaya siguro ito parang pamilyar sakanya.
Naalala niya ang mga kaibigang sina Aiza and Alex or Alexa who is secretly a gay na palaging nagkukwentuhan sa mga papables daw or mga lalaking gwapo around the country at kung minsan ay mga modelong lalaki sa ibang bansa.
They were her friends at school nung nasa Laguna pa siya. Pero ngayon nawalan na siya ng contact sa mga ito dahil kahit may cellphone na siya ay hindi niya naman alam ang phone number ng mga ito.
Minsan ay nagtataka rin siya kung bakit kahit may pagkasuplado si Dom sa kanya ay hindi naman siya nito pinapakitaan ng masama. He’s even concerned about her sometimes. Hindi man nito sabihin but his actions show how much he respect her. And that sometimes confuses her because most of the time he’s just serious. Alam niyang mahilig itong mambabae. And when he said she’s not his type, she thought he would be negligent with anything that concerns with her. But sometimes his attitude towards her doesn’t add up.
“Mabuti naman Mae at halos OJT nalang ang kailangan nating gawin tapos gagraduate na tayo! Haay nakakapagod mag-aral!”
Natawa nalang siya sa kaklaseng si Lara isang hapon matapos ang klase nila sa isang subject.
Mas matanda siya rito ng 2 years dahil tumigil siya sa pag-aaral nung bata pa siya dahil sa trauma niya.
Maging siya ay excited na ring makagradute at magtrabaho ng full time.
Excited siyang makapag ipon at balang araw ay aalis na rin siya sa mansiyon para hindi na siya maging alalahanin ng mga Villaruiz.
“Sana pareho tayong sa VMall maassign.” Sabi pa ni Lara.
Wala itong alam na kasalukuyan siyang nakatira sa may-ari ng VMall. Yes, ang VMall ay pag-aari rin ng mga Villaruiz. Ang VMall ang pinakamalaking Mall sa Pilipinas. Lalo na ang main branch nito sa Metro Manila.
Ang alam lang nito tungkol sa kanya ay may tumutulong sa kanya pero never niyang binanggit na Villaruiz ang mga iyon.
“Sana nga.” Sabi nalang niya. Hindi na bago sa kanya ang mag OJT dahil almost 2 years narin naman siyang nagtatrabaho sa kumpanya ng mga Villaruiz. May experience na siya kaya balewala na lang ang OJT sa kanya.
“Mae! Lara!”
Agad silang napalingon sa tumawag sa kanila.
Si Jeffrey. Nanaman. Halos dalawang taon na rin itong nangungulit sa kanya. Pinagbigyan niya ang pakikipagkaibigan dito kahit medyo naiilang siya, pero nang sinabi nito a year ago na gusto siya nitong ligawan ay tinapat niya itong ayaw niyang magboyfriend at bahagya niya na itong iniwasan.
Takot siya. Natatakot siyang masaktan. Baka hindi niya rin ito magawang mahalin pabalik dahil may takot pa rin sa puso nya kaya ayaw niyang nagdididikit ang mga lalaki sa kanya.
“Kain tayo bago umuwi. My treat.” Nakangiting wika nito sa kanila. Tatanggi sana siya ngunit mabilis na sumagot si Lara.
“Sige! Tamang-tama gutom na kami ni Mae.” Gusto niya itong taasan ng kilay ngunit nginitian na lang niya ito at patagong pinanlakihan ng mga mata.
Wala na siyang nagawa dahil sa kadaldalan ni Lara ay halos hindi siya makasingit sa pagsasalita nito.
Kumain sila sa isang Fast food restaurant. Mabuti nalang din dahil napakadaldal ni Lara kaya hindi siya nakaramdam ng ilang habang kasama nila si Jeffrey.
Mabait at matiyaga si Jeffrey sa pagpaparamdam ng pagkagusto sa kanya. Minsan parang nakukunsensya pa siya pag tinatanggihan niya ang offer nito na ihatid siya o yayain siyang kumain sa lumabas. Gwapo rin naman ito at halos wala siyang maipintas dito ngunit dahil sa trauma niya ay may takot pa rin siya.
“Mae, Jeffrey, mauna na ako sa inyo ha may dadaanan pa kasi ako. Salamat sa treat Jeffrey!” Nagmamadaling naglakad na agad si Lara palayo pagkalabas nila ng restaurant at hindi na hinintay ang sagot nila.
“Ihahatid na kita.” Nakangiting wika ni Jeffrey sa kanya maya-maya.
“Pero..”
Hindi nito pwedeng malamang nakatira siya sa Mansiyon ng mga Villaruiz.
“Sige na please… malapit na tayong makagraduate tapos hindi mo man lang ako napagbigyan na ihatid ka kahit isang beses. Please Mae.” pakiusap nito.
Napabuntong hininga siya saka tumango. Hindi nlang siya magpapahatid sa mismong Mansiyon ng mga Villaruiz kundi sa loob nalang ng subdivision.
“Dito nalang ako.” Pinatigil niya na ang kotse nito sa gitna ng daan ilang bahay bago ang Mansiyon ng mga Villaruiz.
“Ha??” takang tanong ni Jeffrey na tila hindi makapaniwala.
“Ano kasi…pasensya ka na Jeffrey pero hindi ko pa kasi pwedeng sabihin sa ngayon. Pakitabi nalang diyan.”
“Pero-“
“Please.” Nginitian niya ito. Wala na itong nagawa kundi iiling-iling nalang na itinabi ang kotse at nang makababa na siya ay nagpasalamat siya at hinintay na makaalis ito bago naglakad.
“What are you doing here? Why are you walking??”
Nagulat pa siya at napahawak sa dibdib nang bigla nalang may nagsalita sa gilid niya. Saka niya lang napansin ang mabagal na pag andar ng magarang kotse sa tabi niya at agad tumigil nang mapalingon siya.
It was Dom and his face looked so serious.
Nakakunot-noo ito sa kanya at halatang di nagustuhan na nakita siya nitong naglalakad sa gilid ng kalsada.
“Sir! I mean, Dom!” nataranta siya bigla sa presensiya nito lalo at nakita siya nitong naglalakad sa kalsada. Baka pagalitan pa siya nito at isumbong sa mommy nito at mag-alala pa sa kanya, makukonsensya pa siya. Baka isipin pa ng mga ito na kulang pa ang mga itinutulong nito sa kanya.
Pag sa Mansiyon, she is instructed to call him by his name at pag nasa trabaho ay saka niya lang ito tinatawag na Sir.
“Get in.” inabot nito at binuksan ang pinto ng kotse sa tabi nito kaya agad siyang sumakay doon.
“Ahm. Please, wag mo na sanang sabihin kina Tita..” agad niyang sabi bago pa man ito magsalita. Muli naman itong napakunot-noo.
“What really happened?” nakakunot-noo ito pero hindi niya mabasa ang reaksiyon sa mukha nito.
“Kasi…inihatid ako ng classmate ko. Kaya hanggang doon nalang ako nagpahatid.” Kinakabahang sagot niya.
“Classmate or boyfriend?”
“Naku classmate lang!” agad niyang sagot na kinakabahan parin.
Shit! Pakiramdam niya ay para siyang suspect sa isang interrogation room.
“Eh bakit kailangan ka niyang ihatid, pwede ka namang magtaxi nalang? At bakit hindi mismong sa bahay?” wala pa rin siyang mabakas na emosyon sa mukha nito.
Gusto sana ng mag-asawang Villaruiz na ihatid-sundo nalang siya ng family driver ng mga ito ngunit sobrang nahihiya na siya sa lahat ng tulong ng mga ito kaya matigas niya iyong tinanggihan una pa lang at nagcocommute or taxi nalang siya tutal ay sinasahuran naman siya ng mga ito sa pagtatrabaho sa opisina ni Dom ngunit hindi na niya napigilan ang Tita Lilian niya nang bigyan pa siya nito ng dagdag allowance para sa pagcocommute niya.
Wala na siyang lusot. Kailangan niya talagang umamin na pumuporma sa kanya si Jeffrey. Pero wala naman siyang ginagawang masama kaya bakit ba siya kinakabahan sa mga tanong ni Dom sa kanya??
Napabuntong hininga siya.
“Matagal na kasi siyang nanliligaw sa’kin.”
“Really?” tumaas ang kilay nito at parang umangat ang dulo ng labi nito. Is he amused with something? Pero baka nagkakamali lang siya. Hindi nalang niya inintindi ang reaksiyon nito tutal ay natanaw na rin niya ang gate papasok sa mansiyon ng mga Villaruiz.
Pagkatigil ng sasakyan ay mabilis siyang nagsalita.
“Salamat.” At agad na niyang bunuksan ang kotse nito. Akmang bababa na siya nang bigla itong magsalita.
“Don’t do it again next time. Delikadong maglakad mag-isa sa kalsada lalo at gabi na.” he said with a serious voice kaya agad siyang napatingin dito.
Nakatingin lang ito sa harap na seryoso ang mukha.
“Ok.” She said before she left and entered the mansion.