“Dom, magkaibigan lang kami ni Alex.” Muling lumapit sa kanya si Mae nang nasa tapat na siya ng closet niya. Kung tumango na lang sana si Mae sa kanya ay baka bahagyang nabawasan ang galit niya. Ngunit talagang lumapit pa ito sa kanya at gusto talagang pag-usapan ang Alex na iyon na ikinapigtas na ng pisi niya. “I said let’s not talk about him! Mahirap bang intindihin iyon?!” bahagya nang tumaas ang boses niya at marahas na naman siyang huminga. Itinapon niya sa kung saan ang towel na ipinampunas niya sa buhok niya at marahas na binuksan ang closet niya. “No. We have to talk this out. Hindi ka dapat magselos kay Alex—” “Stop mentioning his name! Will you just please let me be even for a moment? Please.” Aniya habang pilit na nagtitimpi at mariing ipinikit ang mga mata niya. “Dom

