DAPHNE’S POV
NAKASIMANGOT ako kay Jazz nang sundan ko ito ng tingin. ‘Di man lang ako magawang sulyapan kahit konti. Parang invisible lang ako sa harapan niya at ‘di man lang namamansin. Mabuti pa ang kaibigan kong si Shy, wagas siya kong makatingin at magpapansin. Napaka-unfair talaga ng taong ‘to, porket gwapo pero napaka-snabero. Hindi naman ako pangit a, sa makatuwid may chemistry nga kaming dalawa. Really, Daph? O, baka nag-aasume ka lang? Napabuntong-hininga na lamang ako, may araw ka rin sa ‘kin. At kapag mangyari ‘yon, hu u… ka talaga sa ‘kin, dahil ‘di rin kita papansinin! Pero kailan naman mangyayari ‘yon?
Napairap ako sa hangin, dahil ‘di ko alam kong kailan niya ako papansinin. Masyado ka kasing papansin. Ayan tuloy ‘di ka pinapansin. Kastigo ng isip ko. E, kong putulin ko kaya isa sa mga ugat mo? Nang malaman mo kung sino ang papansin? Yawaa…ka! Para akong tanga! Isang bahagi ng isip ko ay kinokontra ako. Tapos ‘pag nag-isip naman ako, kokontrahin rin ng kabilang bahagi nang isip ko. Like it was, nakakapagod kumausap sa sarili. Dahil ikaw lang din naman ang kokontra sa ‘yong sarili. Walang ibang sisisihin kundi ang aking sarili. Letching, sarili na ‘to, ‘di na natapos!
Naglakad na kami palabas nang eskwelahan, dahil do’n naka-park ang sasakyan ni Jazz. Actually, nakikisabay lang naman ako sa kanila. Kasi sinusundo niya ang dalawa. Kapatid niya kasi ang isa sa kaibigan ko at ang isa naman ay KAKAIBIGAN, in another words is, nililigawan. Saklap! Sana ako na lang. Asa ka pa. Ayaw ko na magsalita. Baka kung ano pa magawa ko. So, yon na nga, habang papalabas ay nakasunod naman sa ‘min ‘yong dalawang pinaglihi sa pagong. Yes, as in pagong, turtle! Why? E, kasi naman… kung ano kami ka bilis maglakad, gano’n din kabagal maglakad ang dalawang bruha. Mas inuna pa ang tsismisan kaysa sa mga lakad nilang nagbibilang. Bwesit!
Huminto si Jazz sa tapat ng kaniyang, dark matte black M4 BMW sports luxury car na sobrang sophisticated and aesthetic tignan. Na kahit sinong tao ay maaakit at mapapa-selfie ka sa sasakyan. I’m not fond into a luxury cars, but I know some of those. ‘Cause my cousin has luxury business, in Europe. That’s why, I know some of luxury sports car. Nagbabakasyon kasi kami sa mga pinsan ko minsan kapag may okasyon o di kaya ‘pag seasons. Like summer or Christmas seasons. Dahil ‘yon lang pwedi sa ‘min ni Daddy. Si Mommy kasi ay anytime pwedi, dahil nasa bahay lang naman siya at nag-aalaga ng dalawa kong kapatid na kambal. Pero syempre ‘di siya namin papayagan na sila lang ang pweding magbakasyon nang ‘di kami kasama ni Daddy. Kasi isa na ‘yon sa family bonding naming magpamilya, at minsan lang kung magkita-kita at magsama-sama.
Nang makarating sa sasakyan ay ‘di muna ako pumasok. Bagkos ay hinintay pa namin ang dalawa na hanggang ngayon ay mabagal pa ring kumilos. Nakatingin ako kay Jazz na aburidong-aburido. Napapangiti na lang ako sa kaniya, kahit naiinis na… ay napaka-gwapo pa rin. Nakakagigil! How I wish, ako ang sinusundo mo bebe ko. Huwag ka nang umasa masasaktan ka lang. Tse, pwedi ba? ‘Wag ka munang kumontra? Nagmomoment ‘yong tao! Whatever! Napairap na lang ako sa hangin.
Nakatayo pa rin kami sa labas nang mapasulyap ulit ako kay Jazz. At parang bigla naman huminto ang mundo ko nang nakatingin rin pala ito sa gawi ko. Nagbawi lang ito ng tingin nang dumating na ang dalawa. Grabi ang kabog ng puso sa simpleng gesture nito. Sh*t! parang nagpe-fiesta mga laman loob ko sa tiyan. Lang ‘yah… parang pumapalakpak t*ngg*l ko sa saya. Grabi talaga magbigay epekto sa ‘kin ang taong ‘to. Sobra-sobra kong magpakaba!
Nawala ang ngiti ko nang mapatingin si Jezrah sa ‘kin. Tinaasan ako ng kilay nito, kaya napaayos ako nang tayo. Napatingin naman ako sa direksyon nila Jazz at Shy, nang pagbuksan ng binata ng pintoan ang kaibigan ko. Sana all, gentelmen. Sanay naman ako sa kanilang dalawa, kaso ‘di ko lang talaga mapigilan ang malungkot pagnakikita ko silang malapit sa isa’t-isa.
Sobrang bait kasi ni Jazz at napaka-humble pa. Halos nasa kaniya na. Bukod tanging ako na lang talaga. Ayan na naman siya sa pagiging ilusyunada niya. Tse! Wala kang paki! Ano kaya ang feeling na mapansin ka rin ng taong mahal mo no? Siguro lagi akong nakabuntot rito. Kahit saan siya, dapat nando’n ako. Hindi pweding ‘di niya ako isasama, dahil paniguradong magwawala ako. Ano kaya kung pikotin ko ang taong ‘to? Para pakasalan niya ako, kasi ginalaw niya ako. Kasi kung hindi isusumbong ko siya kay Daddy at Mommy. Para isang pamilya na kami. Tapos kami ni Jezrah, ay mag-in laws na! Siguro ang saya-saya… Ang tanong, masaya ba siya? Napabuntong hininga naman ako. Alam kong ‘di siya magiging masaya, dahil hinadlangan ko ang kasiyahan niya. Ako ang sisira sa kaligayan na dapat ako ang magbibigay sa kaniya. Pero hindi ako ang pangarap niya. Nakakalungkot lang isipin na kung gagawin ko ang bagay na ‘yon ay sobrang despirada ko, para hadlangan ang bagay na kailan man ‘di siya sasaya.
Sa backseat kami na upo ni Jezrah ang kapatid ni Jazz. At si Shy, naman ay sa unahan. Actually, silang tatlo talaga ang magkakilala at ang dalawang babae na mga kaibigan ko ay magkababata. Iisang lugar lang ang kinalakihan nila. At ako naman ay nitong college ko lang sila nakilala nang dahil kay Shy. Hanggang sa nakapalagayan kami ng loob at nagkamabutihan. Pero syempre, kasama na ‘yong lalaking pinakagusto ko, pero ang masaklap ay ‘di naman ako ang gusto. Haixt…
Huminto kami sa isang restaurant. Pagkababa namin ay inalalayan pa ni Jazz si Shy. Maraming sinasabi si Jezrah, at nakikitawa lang ako, kahit wala naman talaga ang atensyon ko rito. Kundi nando’n sa dalawang tao na na nagayon ay na una nang pumasok sa loob ng resto. Pagpasok namin ay agad kaming dinala ng waiter sa pina-reserve na table at binigyan ng menu.
Habang namimili ay ‘di ko mapigilang mapasulyap sa dalawang tao sa ‘ming harapan na sana ‘di ko na lang ginawa. Nakita kong titig na titig si Jazz, kay Shy. Kung ‘di pa pinuna ni Jezrah ang kapatid siguro, hanggang ngayon ay tinititigan niya pa ein ang dalaga. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. At alam kong wala akong karapatan na masaktan. Pero ‘di ko mapigilan ang sarili, na kahit ilang beses na masaktan dahil sa pagmamahal ay handa ko pa rin itong ipaglaban. Sa kaniya lang ako nakaranas nang ganitong nararamdaman. Marami naman akong manliligaw dati. Pero ni isa ay walang may nakakuha ng atensiyon ko sa kanila. Napayuko na lang ako at nagkunwaring namimili ng pagkain. Kahit ang totoo ay gusto ko na lamang umalis at umuwi. Dahil nasasaktan ako ‘pag nakikita ko silang dalawa na nagngingitian.
Alam kong para kay Shy, ay kaibigan lang ang turing niya kay Jazz. Pero para sa binata ay iba. Dahil walang lalaki ang magtitiis nang ilang taong paghihintay sa babae, kung ‘di niya ito gusto. At matagal ko nang alam ‘yon… dahil simula pagkabata ay malaki na ang pagkakagusto ng binata sa kaibigan ko. Napabuntong-hininga na lang ako. Pero hindi ako susuko, hanggat ‘di ko nakikita na o naririnig sa kanila na sila na…
NATAPOS ang early dinner naming apat. Nagpahatid kami kay Jazz sa pinakamalapit na mall, dahil nag-aya sa ‘min ang kapatid niya. Ayaw ko nga sanang sumama kaso baka sabihin nilang napaka-KJ ko. Kung pwedi lang magtapon ng kaibigan sa ibang planeta, baka ginawa ko na. At uunahin ko itong si Jezrah. Pumasok kami sa isang sikat na botique dito sa loob nang mall. Naglibot-libot kaming tatlo, hanggang sa nagkanya-kaniya na kami. Habang namimili ng mga damit ay napatingin ako sa gawi ni Shy, na nakatulala sa nag-iisang damit sa dulo. Nasa loob ito ng crystal box. Maganda ang damit at napa-daring tignan. Alam kong mahal ang ganiyang damit, dahil totoong swarovski diamond ang ginamit dito, bilang palamuti.
Lumapit ako sa kaniya, at nagulat siyang nang magsalita ako sa likod niya. Inirapan niya ako at tinalikuran para puntahan namin si Jezrah, na parang nakalimutan na kaming mga kasama niya. Inasar ko si Shy, at ang gaga kong kaibigan. Ay biglang huminto at hinarap ako, tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa, tapos nginisihan. E, sinabi ko lang naman sa kaniya na ako lang ‘tong nag-iisang kaibigan niyang maganda. Pero anak ng tinapa, mukhang ‘di sang-ayon ang gaga! Tapos kung makatingin nakakainsulto pa! Porket maganda ‘tong hype, na ‘to!
Tatlong pares ng damit ang binili ni Jezrah. Ako naman ay walang nabili, dahil wala akong may nagustohan. At gano’n din si Shy, nagtitipid din kasi ang isang ‘to, dahil malapit na ang bayaran sa nalalapit naming on the-job training, o OJT. Kanina kasi sa resto na kinainan namin ay nakita naming umiyak ito. Akala namin kung anong nangyari sa Nanay niya. ‘Yon pala ay binalita sa kaniya na sasagutin daw ng mga amo nito ang gastos para sa OJT niya. At nabunutan naman kami nang tinik sa dibdib nang dahil sa sinabi niya. At ‘di rin namin siya hahayaan na kung wala siyang pambayad ay ‘di siya makakasama sa OJT. Anong purpose na naging magkaibigan kami kung ‘di kami magtutulungan. Alam kong hirap sila sa buhay mag-ina, pero kinakaya ni Nanay Sienna, ang lahat para makatapos ang nag-iisang anak niya. At alam kong gagawa rin nang paraan si Jazz, kahit walang may magsabi rito, para matulungan ang kaibigan.
Sobrang bait ni Nanay Sienna, ang Nanay ni Shy. Hindi iba ang turing nito sa ‘ming mga kaibigan ng anak niya. Kahit huli ko lang siya nakilala, sobrang gaan nang pakiramdam ko sa kaniya. Para rin siyang si Mommy ko, kung mag-alaga. Napakamaalalahanin at napakalambing sa anak. Kahit madalas lang namin siyang makita, dahil sa trabaho niya, ay ‘di siya nagkulang na magpayo sa ‘ming magkakaibigan.
Nagbyahe na kami pauwi nang maisipan namin ni Jezrah na sa bahay na lang kami ni Shynee matulog. Hindi naman umimik ang isa at mukhang sang-ayon naman sa sudgestion naming dalawa. Sinabihan kasi namin siya na malungkot matulog mag-isa kung wala siyang kasama. Total wala naman ang Nanay niya ay kami na lang ang sasama sa bahay nila.
Habang nasa byahe ay nanood lang ako sa cellphone ni Jezrah. May kung ano-anong fashion show ang pinapanood nito sa cellphone. Hilig kasi nito ang magmodel. Sabi pa niya sa ‘min na ‘pag may kumuha raw sa kaniya na gawin siyang model ay ‘di siya madadalawang isip na tanggapin ito. Opportunity knocks once, lang daw. Sabi pa niya. Dahil bata pa lamang daw siya pangarap niya na ang maging super model sa buong mundo. Kaso lang ayaw naman ng kuya niya, kahit todo suporta naman ang mama at papa nila. Ayaw daw ng kapatid niya na binabalandra niya ang katawan niya sa masa. Dahil para dito ay malaking kawalang respito ito sa lahat, lalo pa’t babae siya. ‘Yon ang sabi ng kuya niya. And speaking of his kuya, ewan ko kung saan na ‘yon nagpunta. Sobrang busy kasi no’n lately, dahil sa kaliwa’t kanan na mga projects nito sa trabaho. I’m so proud of him, dahil nakayanan nitong magpatayo ng sariling engineering firm nang mag-isa. Grabi naman kasi ‘di lang ito hot and yummy, kundi ubod pa ito nang gwapo at talino. Kaya nga gustong-gusto kong maging asawa ‘yon e. bukod na gwapo na, napakasarap pa! Ang tanong natikman mo ba? Hindi pa! Basta titikman ko siya, sa abot nang aking makakaya. Putek, hugot ah.
Nakaidlip ako sa byahe nang may naramdaman akong mahihinang tumatapik sa braso, kaya naalimpungatan ako. Ginising kami ni Shy, dahil nandito na kami kung saan huminto ang taxi sa kanilang kanto. Pagkatapos nitong magbayad ay agad na kaming bumaba at naglakad papasok, kung saan bago marating ang bahay nila ay dadaan pa kami sa mga taong nagkukumpulan sa gitna nang daan. Nang makalagpas sa mga tao, ay narinig ko pa ang papuri ng isang binatilyo sa kaibigan ko. Pati sa sinabi nito about kay Jazz na kapatid ni Jezrah. Alam kong narinig din ‘yon ng dalawa, dahil ‘di pa naman kami nakakalayo nang magsalita ulit ito.
Nang makarating sa bahay nila Shy, ay nauna kami nitong pinapasok sa loob. Dahil binalikan pa nito ang gate para isara. Pagpasok sa loob nang sala nila ay agad akong humilata sa sofang kawayan nila. Kinuha ko ang cellphone sa bag at binuksan ang social media. Nag-scroll-scroll lang ako, hanggang sa may nagpop-up sa notif ko na naka-tag ako. Nakita ko sa post ang mga ka kilala ko at mga kaklase. Kuha ito sa isang venue, kung saan kinasal ang isa sa mga kaklase namin noong high school. Parang nag-get together na rin silang lahat dahil halos lahat sa kanila ay umatend sa naturing kasal nang dating ka kilala. Kumpleto ang barkada at kaming dalawa na lang ni Cassandra ang kulang. Kaya pala panay vibrate ang cellphone ko kanina, ito pala ang dahilan. Buong maghapon kasi ‘di ko hawak ang gadget ko, dahil busy ako. Busy sa pagmamasid sa lhubs ko! Kaya wala akong oras para hawakan kanina ang cellphone ko.
Marami ding ‘di nakadalo sa kasal ng ka klase namin kabilang na ako at si Cassandra. Kaya minensyon nila mga pangalan namin para makita, namin dahil kami na lang daw ang kulang. Kaya nag-replay ako sa post nang isa sa mga ka klase ko na naging kabarkada ko no’ng high school.
“Bawi na lang ako, next life. You know, graduating. Kaya sobrang busy.” Reply ko sa post ni Ara ang classmate ko no’ng high school. Isa din siya sa mga close ko noon, pero ang pinakamalapit sa ‘kin na kaibigan ko no’ng high school ay si Cassandra.
Halos lahat ng mga kabaliwan noong high school ay si Cass ang kasama ko. Were partners in everything. Pero pagdating nang college ay ‘di na kami magkasama. Kasi sa America siya pinag-aral, dahil do’n gusto ng daddy niya. Pero nag-uusap naman kami, thru face call. Kaya may balita pa rin ako sa kaniya. Alam kong graduating na rin ang bruha. Same kami na gagraduate, dahil sabay lang naman kaming nagtapos nang high school at pumasok nang college, kahit nasa America siya.
“Kaya nga! Sa sobrang busy mo, pati kami nakalimutan mo na,” reply rin ni Ara sa comment ko.
“Agree. Parang ‘di niya na tayo, kilala,” madramang sang-ayon din ni Axel sa comment ni Ara.
Isa si Axel sa mga naging close ko no’ng high school. Kwela rin ang taong ‘to. At isa rin ito sa may gusto sa ‘kin noon, kaso no’ng malaman niyang nanliligaw ang best friend niya sa ‘kin ay ‘di niya tinuloy. Crush niya lang naman daw ako, at ayaw niyang makipagsabayan sa bff niya. Dahil sa may gusto siya sa ‘kin, kaya siya na ang nagparaya sa kanilang dalawa. Sana all, nagpaparaya ‘di ba? Mas importante daw ang samahan ng pagkakaibigan kaysa magtalohan.
“Grabi naman kayo sa nakalimutan. ‘Di ba pweding, busy lang? Nakakahiya naman sa inyo, kung gano’n.” Reply ko rin sa mga comment nila.
“Aba, dapat lang na mahiya ka no! Bumawi ka talaga sa ‘min sa susunod. Dahil kung hindi! Magkalimutan na tayo,” sagot naman ni Ara with matching roll eyes emoji pa.
Kung nasa tabi ko lang ang gagang ‘to, baka sinabunutan ko na ‘to, hanggang sa makalbo. Pero syempre, joke lang ‘yon. May pagkamaarte lang talaga si Ara, pero napakalambing at napakabait nito na kaibigan sa lahat. Sa sobrang bait nga nito, ultimo papel ko noon na bago kong bili dahil may test kami sa physics, pinamigay ng bruha. Shinare niya sa mga kaklase namin ang papel ko na hindi naman sa kaniya. Akala mo may ambag ang gaga!
“Hoy, ‘wag kayong mag-away rito. Seth, suwayin mo nga ang dalawang ‘to.” Suway ni Axel sa ‘min. At humingi pa nga nang tulong sa best friend niya. Gago talaga. Nananahimik ‘yong isa iniisturbo niya. baka isipin no’n papansin ako sa kaniya. May pagka-praning pa naman ‘yon minsan kahit ex ko ‘yon.
Seth is my ex-boyfriend. Kapit-bahay ito ni Cass, matalik rin na magkaibigan ang dalawa. Actually, magkababata pa nga. Nakilala ko silang dalawa no’ng high school, dahil mga kaklase ko rin sila. Hanggang sa dumami kaming magbabarkada noon. Kaya ‘di boring ang high school life ko noon, dahil sa mga kalog kong kaibigan hanggang ngayon.
“Anong kaguluhan ‘to? Bakit na damay ako, rito?” Apila naman ni Seth sa usapan.
At ito na nga siya. Kala mo naman kung sinong importanting tao!
“Matulog ka na. ‘Wag ka nang sumali pa, alam naming busy ka.” Pambabarang sabi ko.
“Hala! Tulog agad? Usap muna tayo, na miss kita eh… Ako ba na miss mo?” Ani nito. Kala mo naman kinilig b*lb*l ko. Kung noon, oo! Kinilig pa ako, dahil kami pa. Pero ngayon? Sino siya?
“Miss interpret?” Ako.
“Ouch! Grabi ka. Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan,” sagot ni Seth with emoji sad face pa! Naglungko-lungkotan pa ang p*ta!
“Meron ba?” Balik sagot ko sa kaniya.
“Oy Seth, meron daw ba? Sagot! Ano na? Kakantahan na ba namin kayo, nang muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, muling pagbigayan ang pusong nakaraan.” Si Axel. At kumanta pa nga.
“Gago! Anong kakantahan? E, kinanta mo na nga,” pagmumura ni Seth sa kaibigan. At nag-laugh emoji naman si Axel. Mukhang dito pa magkakalat ang mga walang hiya!
“Sorry bro, na carried away lang,” Axel with laugh emoji.
NAPUNO nang tawanan at asaran ang post ni Ara no’ng kasal ng classmate namin. Partida naka-public post pa, dahil walang privacy ang mga walang hiya. Nagtuloy-tuloy pa ang usapan namin sa post. Inulan kami nang buyo ng mga dating kaklase namin no’ng high school. Pati ang iba pa naming mga ka batchmate ay nakisali rin. As in ginawa naming chattbox ang comment section ang post. Kaya pati ibang section na ka batch namin ay nakisali sa pang-aasar sa mga kaibigan.
“Hoy, ang iingay niyo! Akala niyo naka private kayo? Mga yawang ‘to! Ginawa niyong, convo ang post ni Ara. Bakit ‘di kayo gumawa ng GC, para do’n mag-ingay. Huwag dito, na dedemonyo ang mga utak naming mga insonte sainyo,” suway naman sa ‘min ni Laveign.
Laveign is one of the most funniest in our friends. Siya ang pinaka-joker sa ‘ming magbabarkada. Akala mo seryuso kung mag-saway e, mas nangunguna pa ito sa pagiging pasaway.
Ewan ko ba kung kaninong anak ‘to si Laveign. Kasi kung gaano katino ang mga kapatid nito ay siya namang kabaliktaran nito. Sobrang bait din ng parents nito. Matalik na magkaibigan kasi ang mga daddy namin. Kaya kaming mga anak ay magkaibigan rin.
“Ulol mo, Veign. Kala mo naman ‘di ka tumatawa diyan.” Pambabara ni Axel kay Laveign.
“Kaya nga! Kahit walang ambag, pero tuwang-tuwa.” Segunda naman ni Ara.
Maraming nag-react ng laugh emoji sa comment ni Axel at Ara. Pati ako at ang iba ay nag-react rin sa pambabara nila kay Laveign. Kala mo naman kasi parang totoong kung makasaway ang gago. Pero isa ring dakilang siraulo.
“Ano pa nga ba. Siguro bunganga niyan, abot hanggang tenga.” Apila rin ni Tyrant. At inulan rin ng mga kaklase at ka batch ang comment niya sa pambabara kay Laveign.
“Ba’t ‘di mo sinabi Veign, na ka kambal mo pala si Penny Wyze.” Seth, dinugtongan niya lang ang comment ni Tyrant sa pang-aasar kay Laveign.
Marami rin ang nag-react sa comment niya, kaya napuno nang kantiyaw si Laveign sa mga klasmate namin at ka batch mate. Pati ako nakitawa na rin sa pambubuyo sa dating klasmate. Ang saya pa rin nila. Ano pa kaya kung magsama-sama. Siguro walang uuwi sa ‘min ni isa kung walang may mamamatay sa kakatawa.
“Oh, tama na ‘yan. Pack up na kayo, kasi lumabas na ang totoong demonyo.” Kunwaring suway ko.
At ang mga walang hiya, inulan rin nang tawa ang comment ko. Naka-twenty three point eight thousand likes na ang post. Pati comment section binaha na rin. Lang ‘yang Ara, mukhang sasahod pa kay Meta nito ah!
“Lang ‘yah… ka Daph. Akala ko kakampihan mo na ako? Bakit may pahabol ka pang, demonyo? Porket ex mo si Seth.” Sagot naman ni Laveign sa comment ko.
“Oh, nandamay ka pa nang isang demonyo. At sinong nagsabi na kakampi mo, ako? Bakit, ano palagay mo sa hitsura mo, santo?” Dagdag asar ko sa kaniya.
At inulan na naman nang tawa ang pang-aalaska ko kay Laveign. ‘Di alintana pinagkaisahan nang madla.
“Ang sakit mong magsalita,” kunwaring nasasaktan ang reply nito. May pa sad emoji pa. Kala mo naman bentang-benta ang pagiging good boy. E, dakilang f***boy naman ang gago.
HINDI na nga nakatiis ang mga walang ‘yah… at gumawa na nang sariling group chatts namin. Una nagkumustahan hanggang sa nauwi na naman sa kantiyawan at kulitan. Ako naman ay pigil hiningang ‘wag gumuwa nang ingay, baka sa bihin ng dalawa kong kasama rito nababaliw na ako. Kahit gustong-gusto ko na humagalpak nang tawa dahil sa kakulitan ng mga dati kong kaibigan.