After three months of training under of Miss Monique Garcia, Audrey is now officially one of the angels in M! Magazine.
Lahat ng sampung babaeng napili ay titira sa 2 condo unit na pagmamay-ari ni Miss M.
Kaya naman habang nag-eempake ng kanyang mga damit at gamit sa kanyang mga maleta, ay matiim lang niya itong pinagmamasdan ng kanyang mga magulang at mga kapatid. Sa totoo lang ngayon lang sa buong buhay niya na mahihiwalay sa kanyang pamilya. Sanay nga siya mawala ng ilang araw at ilang linggo dahil sa mga raket na pinasukan niya pero dito pa rin siya sa kanila umuuwi.
Iba na ngayon...
Kasama sa kontratang pinirmahan ni Audrey ay ang pananatili nito under the custody of Miss M. maging sa tutuluyan dahil walang araw na bigla na lamang maa-approve ang visa nila para makapunta sa iba't ibang dako ng mundo para sa photoshoot na gagawin nila with Miss M.
Every three months naglalabas ng bagong issue ang M! Magazine kaya iba-iba rin ang tema ng pictorial.
Pagkatapos niyang mailagay lahat ng gamit sa tatlo nitong maleta ay masuyo itong humarap at hinawakan ang tig-isang kamay ng kanyang tatay at nanay.
Nangingilid ang luha niya habang sila ay pinagmamasdan. Ang kanilang malulungkot na mga mata. Ang kulubot nilang balat na rumehistro ang pagpapagal nila para maitaguyod silang magkakapatid.
Kung tutuosin ay nasa edad animnapu lamang ang kanilang edad pero nagmukha silang mas higit pa sa kanilang totoong edad.
Hinaplos ni Audrey ang kanilang mga pisngi bago nagsalita sa kanila. "Tay, Nay! Huwag ninyo naman po akong pabaunan ng mga luha. Minsan o makalawa sa isang buwan ay dadalaw naman po ako rito sa inyo. Matitiis ko po ba kayo?"
"Alam ninyo naman po kung bakit ako nagpupursige at nagsakripisyo ngayon `di po ba? Ayoko na po kasi na luluwas pa kayo ng maynila upang mamakyaw sa divisoria ng ititinda nyo dito sa talipapa. Hindi na po ligtas para sa inyo na gawin pa iyon." habang pinupunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ng kanyang ina.
"Palaguin ninyo na lamang po ang bigasang ibinigay ko po sa inyo para mayroon po kayong pang-kain sa araw-araw at ang ipapadala ko po sa inyong pera bukod sa pang matrikula at allowance ng mga kapatid ko ay itabi ninyo po para anuma't-anuman ang mangyari may madudukot po kayong pera." sabay tingin naman sa tatay nito na ngayon ay tahimik na lumuluha.
"Landra at Aurea" tawag niya sa kanyang kambal na sumunod kay Audrey.
"Since kayo naman ay isang sem na lang ay matatapos na sa kolehiyo, 'wag ninyong pababayaan at bibigyan ng problema ang magulang natin. Tulungan ninyo sila sa tindahan kung `di pa kayo makakahanap ng mapapasukan pagkatapos ninyong grumadweyt." bilin nito sa kambal na ngayon ay nakatabi sa mga magulang.
"Opo ate, 'wag po kayong mag-aalala kina nanay at tatay kami na po bahala sa kanila at sa dalawa pa po nating kapatid." na ang tinitukoy ni Aurea ay sina Lexa at Aurora na kapwa nasa senior high na nakababatang kambal na babae.
"Mag-aaral kayong mabuti, hindi ito para sa akin kundi para sa inyong mga sari-sarili. Tinutulungan lamang namin kayo na mabigyan ng magandang edukasyon para sa inyong kinabukasan." habang nakatingin sa nakakabatang kambal na babae.
"Alam ninyong lahat ang hirap na pinagdaanan ng magulang natin para mabuhay nila lamang tayo at mapag-aral. Kahit ang sarili nila ay pinagdadamutan nila para maibigay nila ang ating pangangailangan, isusubo na lamang nila minsan ay ipapakain na lamang nila sa atin upang `di kumalam ang ating sikmura bago pumasok sa paaralan. Kaya naman karapatan din nila na maibalik natin sa kanila ang mga pinaghirapan nila sa pamamagitan ng pagtatapos sa pag-aaral at makakuha ng magandang hanapbuhay." matapoa silang pagbilinan, huminto muna ito saglit upang yakapin sila sa huling pagkakataon bago ito lumipat sa kanyang tutuluyan.
"Paano po aalis na po ako at mukhang dumating na po ang service ng boss namin na maghahatid sa condo unit. Iniwan ko na po ang address at contact number ng tutuluyan ko po. Magtetext at tatawag po ako ng madalas kapag may free time po ako." kaya kinuha na niya ang kanyang maleta at lumabas ng kanyang silid kasunod ang kanyang magulang at kapatid habang ang dalawa nitong kapatid na babae ay hila-hila ang dalawang maleta. .
Muli siyang yumakap sa kanila at kumaway ng nasa loob na ito ng sasakyan.
"Mag-iingat ka anak at palarin ka nawa. Patnubayan ka nawa ng Ama sa iyong tatahakin." pagbabasbas ng kanyang mga magulang.
Ilang bloke lamang ang layo nila mula sa kanilang tahanan nang mapansin nj Audrey na Avanza lamang pala ang sasakyang ipinang-sundo sa kanya.
At bigla siyang nanlamig nang mapagtanto niya na si Miss M. pala ang mismong sumundo sa kanya.
"Oh my? Miss M! I'm so sorry di ko po alam na kayo pala po iyan. `Di ko man lang nagawang ipakilala po kayo sa magulang ko." natatarantang salita niya sa kanya habang pinaglalaro ang kanyang mga daliri sa kanyang kandungan.
Ngumiti lamang ito ng tipid atsaka lamang sumulyap siya sa babae ng panandalian at ibinalik na muli ang paningin sa dinaraanan.
Pagdating sa condo unit, isa-isa nilang pinagtulungan ni Miss M. na ipasok ang kanyang mga maleta sa loob.
Napansin niyang napakaayos ng loob at mukhang wala pang nakakapasok pa rito na kasamahan ni Audrey.
Nahalata ni Miss M. na para siyang nagtataka kaya nagsalita ito. "Mauuna ka lamang ng 3 araw sa mga kasamahan mo sa pagtira dito. Ang siyam na iba pa ay sabay-sabay na darating sa sunday kaya malaya kang makakapamili ng higaan na comfortable ka." habang ini-inspection niya ang loob ng banyo at maging ng mga cabinet.
Malaki ang condo unit na ito kumpara sa akala na 5 higaan lamang na pagkakasyahin sa isang unit. Hindi pala dahil may kani-kaniyang sariling silid sila rito at isang dining area, living area at toilet & bath room. Mayroon din makitid na pintuan na kapag binuksan mo ay nandoon ang isang automated washing machine.
Maganda ang mga kagamitan at sosyalin. Puno rin ang ref ng mga juices at fruits at iba pang pagkain.
Kaya matapos na mainspeksiyon ni Miss M. ang bawat silid ay hinawakan niya ang kamay ni Audrey at dinala sa isang silid.
Bigla siyang nakaramdam ng parang mahihinang boltahe sa kanyang katawan nang hawakan ni Miss M. ang kanyang kamay.
"This will be your permanent room. I chose this for you. I want you to be comfortable on staying here. No one will enter this room except you okay?" isang kakaibang tingin ang ipinukol nito sa kanya.
"Stay here!" utos ni Monique sa kanya.
Kaya naman napaupo na lamang ito sa kanyang higaan at dinama ang lambot nito. Nanunuot na rin ang lamig ng air-condition na marahil ay binuksan ito ni Miss M. kanina nang pumasok.
Maya-maya lamang ay pumasok na ito sa kanyang silid hila-hila ang dalawa niyang maleta kaya tumalima siya ng kilos at tinulungan itong ipasok. Nang makuha na niya ang dalawang maleta ay umalis ito upang kunin ang isa pang maleta.
"Habang inaayos mo ang mga gamit mo diyan. I will leave you for a while. I have my own card here so no need to follow me and lock the door. It's automatically lock when it close. And here is your card in this unit and this is your key for your room." sabay abot nito kay Audrey ng mga ito at bago pa ito makalabas ng pintuan ay muli siya nitong sinulyapan at tumitig ng makahulugan.
Matapos ang isang oras na pag-aayos sa kanyang mga gamit napagpasiyahan nitong libutin ang mga kalapit silid. Isa-isa niya itong pinasok at pinagmasdan and to her surprised mas malaki at maganda ng di hamak ang silid na pinili ni Miss M! para sa kanya.
Ang apat na silid ay walang sariling personal ref at kung may television man ay isang ordinaryo at maliit na flatscreen tv lamang at `di katulad sa loob ng kanyang silid ay malaki ito at mukhang puwede pang i-connect sa wifi.
Napansin niya rin na sa bawat pintuan ay nakalagay na ang kanilang mga pangalan na marahil ay idinikit na rin ni Miss M. Mukhang di basta ang pandikit ang inilagay dito dahil parang nilimbag sa aluminum ang pangalan. Marahil ay para maiwasan ang anuman issue kapag dumating na ang apat pa nitong kasamahan.
Maya-maya lamang ay dumating na si Miss M.
Bitbit ang ilang malalaking paper bag na galing sa sikat na mall at groceries. Meron din siyang nakitang iniwan niyang malalaking supot na galing sa Watsons. Ang lahat ng mga ito ay ipinasok niya sa kanyang silid.
Nagulat si Audrey ng isa-isa nitong nilabas ang mga nasa paper bag. Ilang set of underwears at Lingerie. Casual at formal wears. May signature bags at shoes and also accessories. May make-up din. Whitening lotions at branded na shampoo, conditioner at sabon. Meron din siyang nakitang tee shirts at leggings and also slippers.
Nagtataka siyang tumingin kay Monique pero natatakot naman siyang magtanong dahil sa totoo lang napaka-intimidating ang dating nito para sa babae. Para bang lahat ng kilos nito ay palaging nasa ayos at planado na kay hirap kontrahin.
Hindi niya rin mahuli kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Bihira lamang nitong magsalita pero oras na bumuka ang bibig para magsalita ay may sense ito.
Ang mga groceries naman na hawak hawak ni Audrey ay kinuha nito sa kanya at inilagay nito sa kanyang coffee table.
Ang maliit na thermos at tatlong babasagin na lalagyanan na pabilog ay pawang para sa asukal, kape at creamer. Meron din dalawang coffee mugs at teaspoons. Ang lahat ng mga ito ay ipinatong nito sa kanyang table habang ang mga cereals at crackers naman ay nilagay nito sa isang lalagyan at ipinatong sa personal ref at ang fresh milks ay sa loob ng ref nito inilagay. May mga fresh juices din na nasa 1.5 tetra packs ding inilagay sa loob ng ref.
Kaya naglakas loob na si Audrey na hawakan ito at tanungin kung para saan ang lahat ng ito.
"Miss M. `wag po sana kayong magagalit sa itatanong ko pero para saan po ang lahat ng ito?" tukoy niya sa lahat ng mga bagay na ibinili nito.
"Baka mabaon po ako sa utang sa inyo at wala na po akong maipadala para sa pamilya ko. Sa totoo lang po ay sanay naman po ako sa mumurahing--" she cut her off by putting two fingers into her lips.
"No more questions, okay?" malumanay nitong salita sa kanya matapos nitong magpakawala ng isang malalim na paghinga at hinila siya upang umupo sa kama.
"I know your family background Audrey, I just felt happy whenever i help you... Gusto ko lang na 'wag ka nang mag-isip or mag-alala pa sa iyong pamilya. Kaya ko binili ang lahat ng ito para `di na mabawasan pa ang pera mo na ipapadala sa family mo." sabay tingin nito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
"Iyan nga po ang isa sa mga ipinag-alala ko dahil sa binigay nyo po sa akin na fifty thousand pesos na cash advance na ginamit ko sa puhunan na bigas marahil sa una't pangalawang sweldo ko ay walang matira, kaya mahigpit ko pong pinagbilin sa aking pamilya na palaguin po nila ang kinikita ng bigasan at ako na po ang bahala sa tuition fee at allowances ng mga kapatid ko." paliwanag niya kay Monique.
Bigla nitong hinawakan ang kanyang baba upang ipantay ang tingin niya sa mga mata nito bago nagsalita. "Ang perang iyon ay tulong ko saiyo kaya `di mo dapat alalahanin pa ito. Maging ang lahat ng mga ito ay bigay ko rin saiyo." pagkatapos ay may inabot din si Monique na `di kalakihang puting box kay Audrey.
Sa sobrang kabiglaanan ay `di niya namalayang umawang ang kanyang mga labi na parang bang gustong magsalita na `di mawari. Kaya kitang-kita niya kung papaano nito napalunok ng mapagmasdan ang kanyang mga labi na nakabuka ng maliit.
"Pero... Miss M!" she cut her by simply peck on her lips bago umalis ng kanyang silid.
Nagulat siya sa ginawa nitong paghalik sa kanyang mga labi.
Ilang oras na ang nakalipas ay `di na muling bumalik si Miss M. sa unit kaya napagpasyahan niya na lamang na maligo at magpalit na ng damit na kinuha mula sa kanyang sariling gamit.
"Itatabi ko na muna ang lahat ng mga binigay niya sa akin dahil mayroon pa naman akong gagamitin, saka na lang kapag wala na akong stocks." aniya sa kanyang sarili habang inaayos ang mga ito sa loob ng kanyang cabinet.
Wala siyang ganang kumain ngayong gabi kaya napagpasyahan niya na lamang na matulog na.
Paglapat ng kanyang katawan sa higaan ay muli niyang nasulyapan ang maliit na box na kaninang ibinigay sa kanya ni Miss M.
Kinuha niya ito at binuksan and to her surprise isang smartphone pala ito at nakalagay iPhone X.
Nang pindutin niya ang on button ay biglang um-appear ang isang message.
From Monique:
It's for you sweetie, keep and use it. I already save my private number here so i expected you to keep it private.
Take care, always!
Dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya kanina at sa message nito ay mas lalong `di siya makakatulog nito.
"Bakit Miss M? Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito sa akin at sa pamilya ko? `Di mo ba alam na halos `di ako makatulog ng dahil sa pinapakita mo?"
Mga katanungan niya na `di niya akalain nai-send pala sa babae thru messaging.
"s**t!" ang sigaw ni Audrey...