LUCY
“Grabe! Ang laki ng tip na natanggap mo! Alam mo bang hindi pa ako nakakatanggap ng ganyang kalaking tip?” bulalas ni Tintin nang ipakita ko sa kanya ang isang daang libo.
Bumilang ako ng sampung libo at ibinigay ko ito sa kanya.
“Iyan.. sa iyo na yan dahil nagpapasalamat ako sa iyo. Kasi kung hindi mo ako binigyan ng diskarte ngayon siguradong wala na naman akong pera.”
“Alam mo ang maigi pa, umalis ka na doon sa inyo. Maghanap ka na ng mauupahan mong apartment para hindi ka na nilalait pa ng mga kapatid mo.”
“Alam mo gusto ko na rin naman talagang umalis kaso nalulungkot naman ako dahil hindi ko kasama si mama. Kahit na wala na siyang pakialam halos sa akin, gusto ko pa rin na nakakasama ko siya dahil siya na nga lang ang mayroon ako.”
“Alam mo naiintindihan naman kita… kaya lang makakayanan mo ba na ganoon ang trato nila sa iyo?”
Nagkibit-balikat ako at saka mapait na ngumiti.
“Oo… kakayanin ko pa rin naman. Siguro ilalabas ko na lang sa tainga ko ang papasok na salita sa kabila kong tainga. Ang mahalaga hindi nila ako sinasaktan okay na 'yang mga masasakit na salita lang.”
“Ikaw ang bahala. Basta huwag mo na huwag mong sasabihin na may pera ka. Ang gawin mo… mag-open ka ng bank account. Para doon mo ilalagay iyong pera mo tapos kakaunting cash lang dapat iyong nasa wallet mo.”
“Oo sige-sige. Bukas na bukas mag-o-open agad ako ng bank account,” nakangiti kong sabi.
Tulog na sila mama ng makauwi ako. Maingat akong naglakad patungo sa maliit kong kwarto at saka napabuntong-hininga. Nilibot ko ang paningin ko doon at pagkatapos napatingin sa hawak kong pera. Itinago ko iyon sa damitan ko dahil bukas na bukas ay mag-oopen ako ng bank account.
KINABUKASAN, maaga akong nagising. Naabutan ko si mama na naghahanda ng almusal.
“Oh bakit ang aga mo yata nagising? May pupuntahan ka ba?”
“Ah…opo pupuntahan ko ang kaibigan kong si Tintin. Sasamahan ko siya sa sideline niya para magkapera din ako kahit papaano. Kasi gusto ko makatikim ng masarap na almusal hindi yung puro tira-tira na lang yung akin,” wika ko sabay tipid na ngumiti.
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni mama at tila ba lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha. Pagkatapos ay luminga-linga siya sa paligid na para bang tinitingnan kung gising na ang dalawa kong kapatid at si Gardo.
“Anak…”
Tipid ako ngumiti.
“Alam mo, mama sa totoo lang nasasawa na rin ako sa pagtrato sa akin ni tito Gardo at ng mga anak ninyo. Na para bang hindi ako nakakatandang kapatid sa kanila at hindi nila ako itinuturing ate. Kasi ako nga napalaki ninyo ng maayos at hindi bastos. Pero sila bakit ganyan ang ugali? Kasi nga tinuturuan sila ng hindi mabuting asal ng tatay nila. Kaya ganyan na lang sila kung itrato ako. At sa totoo lang masakit sa akin na parang wala ka na talagang pakialam. Pero ayos lang 'yun naiintindihan ko naman dahil…anak mo lang naman ako sa una.”
Lumapit siya sa akin at saka hinawakan ako sa balikat.
“Anak…patawarin mo ako kung hindi kita magawang ipagtanggol. Mahal na mahal ko lang talaga si Gardo at natatakot ako na muling maiwan. At isa pa alam mo namang wala akong maipagmamalaki sa kanya dahil siya lang ang nagtatrabaho sa aming dalawa. Pero huwag kang mag-alala kapag nagkaroon ako ng sideline, bibigyan kita ng pera patago.”
Sa sinabing iyon ni mama ay tila lumambot ang puso ko. Akala ko talaga wala na siyang pakialam sa akin iyon pala…naiipit lamang siya sa sitwasyon niya. Naiintindihan ko naman na natatakot siyang muling iwan dahil na-trauma na nga siya sa tatay ko.
“Naiintindihan po kita mama pero sana…huwag mo naman masyadong ipadama sa akin na wala ka ng pakialam. Kasi ako, mama sa totoo lang gusto ko ng umalis dito. Kasi nasasaktan ako sa mga salitang binibitawan nila. Pero sa tuwing maiisip ko na bumukod, alam kong malulungkot ako dahil hindi kita kasama. Mahal na mahal kita, mama dahil ikaw na lang ang magulang na mayroon ako,” nanginginig kong sabi sabay yuko.
Hindi ko na napigilang pang maluha nang yakapin ako ni mama. Gumanti rin ako ng yakap sa kanya habang siya naman ay hinahaplos ang likuran ko.
“Mahal din kita anak at patawarin mo ako kung pakiramdam mo wala na akong pakialam sa iyo.”
Kumalas ako ng yakap sa kanya dahil naisip kong baka magising na ang tatlong tukmol at makita pa kaming magkayakap.
“Sige na po mama aalis na po muna ako.”
“Teka hindi ka ba muna mag-aalmusal?”
“Hindi na po doon na lang ako kakain sa bahay ng Tintin.”
Pagkasabi ko noon ay dire-diretso na ako lumabas ng aming bahay. Napanti ako ng malawak dahil gumaan ang pakiramdam ko sa simpleng pag-uusap naming iyon ni mama. At habang naglalakad ako patungo sa bahay ni Tintin, napayakap ako sa sarili ko. Pakiramdam po ay yakap-yakap pa rin ako ni mama at ang sarap sa pakiramdam ng ganoon.
Habang patuloy ako sa paglalakad napansin kong may sumusunod sa akin na sasakyan. Kumunot ang noo ko at inisip na baka masyado lang akong paranoid. Binilisan ko pa ang paglalakad ko sa gilid ng kalsada. Patungo ako sa waiting shed kung saan doon ang sakayan ng jeep.
Paglingon ko ay nakasunod talaga sa akin ang itim sasakyan. Kaya naman luminga-linga ako sa paligid ko at naghanap ng pwede kong ipangproteksyon sa sarili. Hanggang sa anakita kong isang malaking bato at agad kong kinuha iyon.
“Hoy ikaw nasasakyan na itim bumaba ka diyang lets3 ka! Bakit mo ako sinusundan ha? Ki-kidnap-in mo ba ako?!” nanlalaki mata kong sigaw.
Akma ko na sanang ihahagis ang malaking batong hawak ko sasakyan… nang biglang bumukas iyon at lumabas ang guwapong lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ito.
“Ay pogi ikaw pala yan! Pasalamat ka lumabas ka kung hindi ibabato ko na sana ito sa sasakyan mo. Bakit ka naman kasi sumusunod at hindi ka man lang nagpakilala kaagad? Akala ko tuloy kidnapper ka na!” nakangiti kong sabi.
Seryoso lang ang mukha niyang nakatingin sa akin. Habang ako naman ay nagtataka.
“Oh bakit hindi ka na nagsasalita? Huwag mong sabihin pipi ka na?”
Tumikhim siya at inilagay ang kamay sa bulsa ng kanyang suot na pants.
“Sinabi mo sa akin na kailangan mo ng pera at gusto mong magkaroon ng trabaho. Gusto sana kitang bigyan at iyon ay bilang taga-deliver ng mga drugs.”
Nanlaki ang mga mata ko at napapalakpak sa tuwa. Sa wakas! May sideline na ako na may malaking sahod!
“Ay wow! Sige go ako diyan! Kailan ba start?”
“Puwedeng mamaya.”
“Oh? Sige, go! Pero sana iyong pagdadalhan ko ng drugs, walang gagawing masama sa akin ha? Kasi ayoko pang mamatay ng maaga. Gusto ko munang tirahin ko ng lalaking pogi na may malaking t1te.”
“What the?!”